backup og meta

Epektibo Ba Ang Chemo Laban Sa Cancer? Alamin Dito Ang Mga Fact

Epektibo Ba Ang Chemo Laban Sa Cancer? Alamin Dito Ang Mga Fact

Ang goal ng chemotherapy ay patayin ang mga cells na mabilis dumadami sa katawan gamit ang powerful na mga kemikal. Lahat ng mabilis na dividing cells sa katawan ay tinatarget ng chemotherapy, na nagpapababa sa rate ng paglaki ng mga tumor. Posibleng isama ang chemotherapy sa iba pang treatment gaya ng operasyon, radiation, o immunotherapy. Kung epektibo ba ang chemo ay nakasalalay sa maraming factors tulad ng overall health at kasalukuyang mga gamot. Ang edad ay maaari ring maging dahilan kung gaano kabisa ang chemotherapy.

Paano Gumagana ang Chemotherapy

Sa cell division, may dalawang magkaparehong bagong mga cell ang nabubuo. Ang mga normal na cell ay patuloy na nahahati sa dalawa hanggang sa oras na sila ay mamatay. 

Sa cancer, ang mga cell ay hindi namamatay at patuloy na dumarami hanggang sa mabuo ang isang mass. Pagtagal, ang mass ng mga cell na ito ay bubuo sa isang bukol na kilala bilang tumor. 

Dahil ang cancer cells ay mas mabilis dumami kaysa sa karamihan ng mga normal na cell, ang chemotherapy ay may mas malaking tyansa na mapatay sila.

Ang mga gamot na chemotherapy ay maaaring makapinsala sa control center ng mga cell: ang lugar na responsable para sa paghahati ng cell. Ang ibang mga gamot sa chemo ay nakakaabala sa chemical process na nagpapasimula ng cell division na nagpapahinto sa paghahati ng cancer cells. Kung epektibo ba ang chemo ay maaaring depende sa mga gamot na ginagamit para sa treatment.  

Maraming uri ng gamot ang ginagamit sa chemotherapy. May mga panahon na magrerekomenda ng isang gamot ang doctor mo. Pero kadalasan, ito ay kombinasyon ng mga gamot. Napatunayan na ang paggamit ng kombinasyon ng chemotherapy medicines ay mas epektibo para maiwasan ang pag-balik ng cancer.

Malamang na magrerekomenda ang isang doktor ng ibang kombinasyon ng gamot kung nagkapag-chemo ka na at bumalik ang cancer o hindi tumugon.

Halos palaging posible na sumubok ng isa pang gamot sa chemotherapy. Ito ay kung walang anumang mga resulta mula sa isang gamot o kombinasyon ng mga gamot

Para sa advanced cancer, kadalasang inirerekomenda ng mga doktor ang paggamit ng isang uri ng gamot lang. Ito ay may mas kaunting mga side effect.

Mga Uri ng Chemotherapy 

Ang iba’t ibang uri ng chemotherapy ay gumagana sa iba’t ibang paraan at kung epektibo ba ang chemo ay maaari ding mag-iba. Gaano man ito ka-epektibo, ang goal ng karamihan sa chemo ay:

I-target ang mabilis na paghahati ng mga cell at pigilan ang pagkalat ng mga ito. 

Baguhin ang kakayahan ng cancer cells na magparami o lumaki. 

Ang mga uri ng chemotherapy ay kinabibilangan ng:

  • Alkylating agents
  • Nitrosoureas
  • Anti-metabolites
  • Plant alkaloids at natural na produkto
  • Anti-tumor antibiotics
  • Mga Hormonal agents
  • Biological response modifiers

Bakit ito ginagawa?

Ang mga pasyenteng may cancer ay maaaring sumailalim sa chemotherapy sa iba’t ibang dahilan:

Curative therapy

Paggamit ng chemotherapy bilang pangunahin at tanging paggamot para sa cancer. Ang layunin ng curative therapy ay hayaan ang cancer na mauwi sa remission.

Adjuvant therapy

Ang adjuvant therapy ay gumagamit ng chemotherapy kasabay ng iba pang mga therapy gaya ng radiation at operasyon. Upang maalis ang natitirang cancer cells pagkatapos ng operasyon o iba pang paggamot, maaaring gamitin ang chemotherapy. Alamin pa kung epektibo ba ang chemo.

Neoadjuvant therapy

Bilang paghahanda para sa iba pang paggamot, ang chemotherapy, gayundin ang radiation, ay maaaring gamitin para paliitin ang tumor. Ito ay karaniwang ginagawa kung ang isang pasyente ay sumasailalim sa operasyon para alisin ang cancer. 

Palliative therapy

Sa pamamagitan ng pagpatay sa ilan sa cancer cells, maaaring mapawi ng chemotherapy ang mga sintomas ng cancer. Hindi nalulunasan ng chemotherapy ang cancer. Ngunit pinaliit nito ang mga tumor at binabawasan ang mga sintomas.

Gaano Kabisa ang Chemotherapy? 

Ang chemotherapy ay epektibo. Nakapagligtas na ito ng maraming buhay at may mga hindi mabilang na cancer remission. Gayunpaman, kung epektibo ba ang chemo ay maaaring depende sa taong tumatanggap ng treatment. 

Marami ring kaso na kumalat na rin ang cancer sa iba’t ibang bahagi ng katawan kaya mahirap gamutin.

Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman kung paano maiwasan ang pag-ulit ng kanser. Hindi ginagarantiya ng chemotherapy na hindi ka na muling magkakaroon ng cancer. 

Ang chemotherapy ay epektibo laban sa cancer. Pero maaaring hindi pwede ang treatment para sa lahat. May mga kaso na hindi binibigyan ng chemotherapy ang pasyente dahil sa kanyang pre-existing conditions.

Kailangang harapin ng mga taong sumasailalim sa chemotherapy ang mga nakakapanghinang epekto nito. Ito ay dahil ang chemotherapy ay isang malakas at masakit na therapy.

Ang bawat treatment plan ng isang tao ay iba’t iba. Ito ay depende sa maraming factors. Kung gaano kabisa ang chemotherapy ay maaaring depende sa mga salik na ito: 

  • Uri ng cancer at mga subtype
  • Gaano kalawak ang pagkalat ng cancer (Stage ng cancer)
  • Iba pang pre-existing conditions 
  • Resulta na tests gaya ng x-ray, MRI at CBC
  • Kakayahang gumaling ng pasyente mula sa treatment
  • Nakaraang cancer treatments
  • Edad ng pasyente
  • Mga kasalukuyang gamot
  • Pangkalahatang kalusugan ng pasyente

Bukod sa chemotherapy, ang operasyon at radiation ay ginagamit din para gamutin ang cancer. Ang uri ng treatment na pagdadaanan ng pasyente ay depende sa assessment ng doctor. Maaaring hindi lamang ang chemotherapy ang tanging solusyon sa iyong cancer. Maaaring gamitin ang chemo para gawing epektibo ang operasyon o radiation treatment laban sa cancer.

Key Takeaways

Ang chemotherapy ay ginagamit na treatment para labanan ang cancer cells. Ito ay pwedeng gamitin na tanging paggamot sa cancer o kasama ng radiation at operasyon. Epektibo ba ang chemo?
Ang chemotherapy ay epektibo laban sa cancer ngunit hindi nito ginagarantiya na hindi na babalik ang cancer.  Kumunsulta sa iyong doctor kung paano maiiwasan ang pag-ulit ng cancer. Iba’t ibang factors ang kailangang tingnan bago dumaan sa chemotherapy. Maaaring hindi isang praktikal na opsyon ang chemotherapy para sa ilang mga pasyente.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Types of chemotherapy

https://uihc.org/health-topics/types-chemotherapy

July 21, 2021

 

10 things to know about chemotherapy

https://www.mdanderson.org/cancerwise/how-does-chemotherapy-work-does-chemo-hurt-will-i-lose-my-hair-answers-to-common-chemotherapy-questions.h00-159308568.html

July 21, 2021

 

How Chemotherapy Drugs Work

https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/treatment-types/chemotherapy/how-chemotherapy-drugs-work.html

July 21, 2021

 

Chemotherapy

https://kidshealth.org/en/parents/chemotherapy.html

July 21, 2021

 

Chemotherapy

https://www.cancerquest.org/patients/treatments/chemotherapy

July 21, 2021

 

Chemotherapy: The Basics

https://www.oncolink.org/cancer-treatment/cancer-medications/overview/chemotherapy-the-basics

July 21, 2021

 

How Is Chemotherapy Used to Treat Cancer?

https://www.cancer.org/treatment/treatments-and-side-effects/treatment-types/chemotherapy/how-is-chemotherapy-used-to-treat-cancer.html

July 21, 2021

 

How chemotherapy works

https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/cancer-in-general/treatment/chemotherapy/how-chemotherapy-works

July 21, 2021

Chemotherapy

https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/16859-chemotherapy

July 21, 2021

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito Kung Ano Ang Puwedeng Gamot Para Sa Prostate Cancer

Ano Ang Dapat Asahan Sa Stage 4 Pancreatic Cancer?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement