Anu-ano ang mga sintomas ng colorectal cancer? Sa mga unang yugto, ang colorectal cancer (colon cancer o rectal cancer) ay karaniwang walang sintomas. Ibig sabihin, wala itong mga kapansin-pansing sintomas. Sa yugtong ito, ang cancer ay hindi pa kumakalat sa kalapit na lymph nodes o sa iba pang mga bahagi ng katawan.
Ano-Ano Ang Mga Karaniwang Sintomas Ng Colorectal Cancer?
Narito ang mga sintomas ng colorectal colon cancer sa mga malulubhang yugto nito:
- Ang mga gawi sa pagdumi ay hindi tulad ng dati. Maaaring magkaroon ng hindi tuloy-tuloy na pagtatae o paulit-ulit na pagtitibi. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring magtagal ng maraming linggo.
- Kung karaniwang regular na dumurumi araw-araw, maaaring mapansing dalas ng pagdumi ay nagbago o ang dumi ay naging payat.
- Hindi makadumi nang mabuti. Maaaring makaranas ng madalas na agarang pag-ihi, dagdag pa sa pagtitibi o iba pang mga problema sa pagdumi, subalit maaaring maramdamang hindi lubos na nailabas ang lahat ng dumi.
- Ang pagdurugo mula sa rectum ay maaaring pamin-minsang maging sintomas ng malubhang pagtitibi o hemorrhoids. Gayunpaman, maaari din itong maging indikasyon ng mas malubhang problema tulad ng colorectal cancer. Kung ganito ang sitwasyon, maaaring mapansing ang dumi ay kulay mapusyaw o dark na pula o tila itim dulot ng dark na dugo. Matapos pahirin, maaaring mapansin ang dugo sa toilet paper.
Mga Sintomas Ng Colorectal Cancer Kada Yugto
Stage 3
Kung ang cancer ay lumipat sa lymph nodes ngunit hindi sa iba pang mga bahagi ng katawan, ibig sabihin ay stage 3 colon cancer ito. Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas ng colorectal colon cancer sa stage 3:
- Sobrang pagkapagod at hindi mapaliwanag na panghihina. Sa kabila ng pagkakaroon ng sapat na tulog at hindi pagkakaroon ng sobrang nakaka-stress na buhay sa kasalukuyan, maaaring laging makaramdam ng lubhang pagkapagod.
- Hindi sinasadyang pagbaba ng timbang. Ang pagbaba ng timbang ay may kaugnayan din sa ibang mga sintomas, tulad ng pagduduwal, pagtatae, pananakit ng tiyan. Ito ay nakaaapekto sa ganang kumain.
- Mga pagbabago sa dumi na nagtatagal nang mahigit sa isang buwan.
- Pakiramdam na hindi nailabas ang lahat ng dumi.
- Pagduduwal at pagsusuka. Ang pagpipigil sa dumi kapag kumalat na ang cancer cells ay maaaring maging sanhi ng pagduduwal at pagsusuka.
Stage 4
Anu-ano ang mga sintomas ng colorectal cancer sa stage 4? Sa yugtong ito, ang cancer ay kumalat na sa malalayong organs, tulad ng mga atay at baga. Maaaring makaranas ng mga sumusunod:
- Jaundice, o paninilaw ng mga mata at balat. Kadalasan, ang intrahepatic metastases ay nagiging sanhi ng jaundice sa mga pasyenteng may colon cancer. Ito ay maaaring paminsan-minsang dulot ng extrahepatic blockage sanhi ng metastatic lymph nodes. Ang solitary bile duct metastasis na gumagaya sa cholangiocarcinoma ay hindi gaano karaniwang dahilan ng jaundice sa mga pasyente.
- Pamamaga ng mga kamay o paa. Ito ay senyales na ang cancer ay kumalat na sa apektadong atay.
- Kahirapan sa paghinga. Kung apektado ang mga baga, maaaring kabilang sa mga sintomas ang kakapusan sa paghinga. Subaliit mahalagang tandaang ang kakapusan sa paghinga ay maaaring hindi malubhang problema.
- Hindi gumagaling na sakit ng ulo. Kung ang utak at/o spinal cord ay apektado, maaaring kabilang sa mga sintomas ang pananakit, pagkalito, pagiging malilimutin, pananakit ng ulo, malabong paningin o double vision, kahirapang magsalita, at/o pangingisay.
- Malabong paningin. Ang mga sintomas na nakaaapekto sa paningin ay hindi karaniwang indikasyon ng colon cancer.
- Mga bali sa buto. Ang colorectal cancer ay hindi kadalasang kumakalat sa buto. Ilan sa mga sintomas nito ay ang pananakit ng buto, panghihina, pamamanhid, kahirapan sa pag-ihi, pagduduwal, pagkauhaw, pagtitibi, pagkapagod, pagkalito, at kabuong hindi komportableng pakiramdam sa loob ng mahabang panahon.
Mga Dapat Gawin Kung Nakararanas Ng Mga Sintomas Ng Colorectal Cancer
Sa kabuoan, ang colorectal cancer ay isa sa mga pinakanagagamot na uri ng cancer. Ito rin ay lubhang naiiwasan kung maagang natuklasan. Kung ang lahat ng mga kwalipikado sa colonoscopy ay sumasailalim sa screening, halos 85% ng colorectal malignancies ang maaaring maiwasan o magamot nang epektibo.
Makatutulong ang regular na colon cancer screenings upang matuklasan nang maaga ang polyps. Maaari itong tanggalin ng doktor habang isinasagawa ang colonoscopy.
Kumonsulta sa doktor kung nakararamdam ng anoman sa mga nabanggit na sintomas o kung may iba pang mga alalahanin tungkol sa kalusugan ng iyong colon. Posible ring ang mga sintomas ay sanhi ng ibang bagay kung matuklasan ng doktor na hindi ito dulot ng colon cancer. Ang mga ito ay maaaring sanhi ng:
- Almoranas
- Pamamaga ng colon (IBD)
- Inflammatory bowel disease (IBS)
- Screening recommendations para sa colon cancer
Kung nakararanas ng mga senyales at sintomas na indikasyon ng pagkakaroon ng colon cancer, maaaring irekomenda ng doktor ang isa higit pang tests at proseso, kabilang na ang paggamit ng scope upang masuri ang loob ng colon (colonoscopy) ay iba pang blood tests.
Matuto pa tungkol sa Colorectal Cancer dito.