Ang colon at rectum ay dalawang bahagi ng katawan kung saan ang hindi makontrol na pagdami ng cell ay maaaring magresulta sa anal polyps. Ang malulusog na cells ay lumalaki at nahahati sa maayos na paraan. Gayunpaman, ang mutations sa tiyak na genes ay maaaring maging sanhi upang ang cells ay patuloy na mahati kahit hindi kinakailangan ang bagong cells.
Ano Ang Anal Polyps?
Ang anal polyp o colon polyp ay ang paglaki ng panloob na lining ng colon (large intestine) o rectum. Ito ay maaaring patag, bahagyang nakaumbok (tinatawag na sessile) o tila parang tangkay (tinatawag na pedunculated). May iba’t ibang microscopic na uri ng polyps (na nangangailangan ng microscope upang matukoy). Ang tiyak na adenomas o sessile serrated polyps ay maaaring sa huli ay lumaki sa paglipas ng panahon at maging colon cancer.
Ano Ang Anal Polyps? Sanhi Nito
Ang mga pagbabago sa genes na nakasisira sa karaniwang cell cycle ng lining cells ng colon ay ang sanhi ng pagkakaroon ng polyp. Maraming mga salik, tulad ng diet, paraan ng pamumuhay, edad, kasarian, at mga sakit na genetic o namamana, ang maaaring makapagpataas ng tyansa ng mga pagbabagong ito.
Karaniwan ang adenomatous polyps, na nangyayari sa mahigit 25% ng mga taong higit 50 taong gulang sa United States. Natutuklasan ito sa halos 30% ng mga nakatatandang nasa edad 45-50. Ang mga kalalakihan at kababaihang mula sa lahat ng lahi ay may tyansang magkaroon ng colon polyps at colon cancer. Ang lahi, kasarian, paninigarilyo, at pagiging obese ay ang ilan sa mga mapapanganib na salik.
Kabilang sa mga mahahalagang salik sa paraan ng pamumuhay na maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng colorectal polyps at cancer ay ang mga sumusunod:
- Paninigarilyo
- Labis na pag-inom ng alak
- Kakulangan sa ehersisyo
- Hindi pagkain ng malusog na diet
[embed-health-tool-bmi]
Ano Ang Anal Polyps? Mga Senyales
Ang dugo ay maaaring makita bilang mga pulang guhit sa dumi o maging dahilan upang ito ay maging kulay itim. Gayunpaman, ang pagbabago sa kulay ng dumi ay maaari ding sanhi ng mga tiyak na pagkain, gamot, at dietary supplements. Ang pagbabago sa mga gawi sa pagdumi, tuad ng pagtitibi at pagtatae na nararanasan nang higit sa isang linggo, ay maaaring isang indikasyon ng mas malaking colon polyp o cancer.
Karamihan sa colon polyps at maaga, nagagamot na colorectal cancer ay hindi nagiging sanhi ng mga sintomas. Gayunpaman, kung magkaroon man ng mga sintomas, kabilang dito ang mga sumusunod:
- Pagdurugo mula sa rectum, na maaaring makita ng mga mata o matuklasan sa microscope sa pamamagitan ng fecal blood test
- Hindi maipaliwanag na iron deficiency anemia
- Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang
- Pagbabago ng lebel ng iodine
Ang mga taong naiulat na may mas mataas na lebel ng stress ay naiulat ding may mas mataas na lebel ng paninigarilyo, hindi mabuting diet, at kaunting pisikal na gawain. Lahat ng mga ito ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng colon polyps. Ang mga salik na ito na may kaugnayan sa stress ay maaaring magkaroon ng epekto sa pagkakaroon ng polyp.
Ano Ang Anal Polyps? Paano Ito Natutukoy?
Ang colonoscopy ay isang proseso kung saan sinusuri ng trained medical professional ang rectum at colon ng pasyente gamit ang isang mahaba, flexible, manipis na tubo na tinatawag na colonoscope. Ito ay may ilaw at maliit na camera sa isang dulo. Dagdag pa sa polyps at cancer, maaari ding matuklasan sa pamamagitan ng colonoscopy ang namamagang tissue, ulcers, at polyps.
Habang isinasagawa ang colonoscopy, ang isang mahaba, flexible na tubo ay idaraan sa rectum upang makapasok sa large intestine. Ang tubong ito ay may camera na nagpapakita ng mga imahe sa screen at nakapagtatanggal ng polyps.
Sigmoidoscopy
Ang pagsusuri ng huling ikatlong bahagi ng large intestine ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapasok ng manipis, flexible na tubo na idaraan sa rectum (sigmoid colon).
CT Scan
Gamit ang radiation, ang medikal na prosesong tinatawag na computed tomography (CT) scan ay lumilikha ng mga imahe ng large intestine.
Stool Tests
Kung ang sample ng dumi na ipinadala sa laboratoryo ay nagpositibo sa dugo at mga abnormalidad sa genes, maaaring indikasyon ito ng polyps at cancer, kakailanganin ang colonoscopy.
Upang masuri at matanggal ang polyps, ang colonoscopy ay dapat isagawa kung alinman sa pinakabagong tests ay kinakitaan ng mga abnormalidad.
Ano Ang Anal Polyps? Maiiwasan Ba Ito?
Ang ilang pagbabago sa paraan ng pamumuhay ay maaaring makatulong. Gayundin, ang routine screenings ay maaaring lubhang makapagpababa ng tyansa ng pagkakaroon ng colon polyps and colorectal cancer:
- Alamin kung paano magkaroon ng malusog na paraan ng pamumuhay.
- Kumain ng diet na mayaman sa mga prutas, gulay, at whole grains.
- Panatilihing mababa ang pagkain ng fat.
- Huwag uminom ng maraming alak at huwag manigarilyo.
- Mag-ehersisyo — kahit 150 minuto kada linggo ng katamtamang activity, gayundin dalawang sessions ng pagpapalakas ng muscles.
- Araw-araw na kumain ng tatlo hanggang limang servings ng prutas at gulay.
- Iwasang kumain ng maraming mga mapupulang karne at matatabang pagkain.
- Ang araw-araw na paggamit ng mababang dose ng aspirin ay natuklasang nakapagpapababa ng tyansa ng pagkakaroon ng colon polyps at cancer. Gayunpman, ang aspirin ay maaaring may side effects. Kumonsuta muna sa doktor.
Key Takeaways
Karamihan sa colorectal cancers ay nagsisimula bilang paglaki ng panloob na lining ng colon o rectum. Ang paglaking ito ay tinatawag na polyps. Ang ilang uri ng polyps ay maaaring maging cancer sa paglipas ng panahon (kadalasan ng maraming taon). Gayunpaman, hindi lahat ng polyps ay nagiging cancer. Ang isang polyp ay maaaring maging cancer sa loob ng 10 hanggang 15 taon. Sa pamamagitan ng screening, matutuklasan at matatanggal ng doktor ang polyps bago pa man ito maging cancer.
Matuto pa tungkol sa Colorectal Cancer dito.