backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Cancer Sa Atay?

Anu-Ano Ang Mga Uri Ng Cancer Sa Atay?

Ang atay ay mahalaga at ang pinakamalaking buong organ sa katawan ng tao. Mahalaga ang ginagampanan ng organ na ito sa pagsasala ng dugo na mula sa digestive tract at saka ito dinadala sa iba pang mga bahagi ng katawan. May gampanin din ang atay linisin ang mga kemikal at iproseso ang mga gamot. Ang atay din ang nagtatago ng mga bitamina at mineral. Kung magkaroon ng hindi malusog na cells sa atay, ito ay nagising sanhi ng cancer sa atay. Ang pagkakaroon ng cancer sa atay ay nakaaapekto paggana ang organ. May iba-ibang uri ng cancer sa atay at ito ay nauuri sa ang pangunahing cancer sa atay at sekondaryong cancer sa atay.

Mga Uri Ng Cancer Sa Atay 

Sa pangunahing cancer sa atay, ang cancer cells ay lumalaki sa atay. Ang mga taong may history ng sakit sa atay ay may posibilidad na magkaroon ng cancer sa atay. May limang magkakaibang uri ang pangunahing cancer sa atay, depende sa uri ng cell na lumalaki. 

Ang sekondaryong cancer sa atay ay ang uri ng cancer na kumakalat sa atay mula sa ibang mga kalapit na bahagi nito na nagkaroon na ng cancer. Nangyayari ito dahil ang cancer cells ay  may posibilidad na maghiwa-hiwalay at kumalat sa ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng daluyan ng dugo o lymphoid system. 

Pangunahing Cancer Sa Atay

May lima iba’t ibang uri ng pangunahing cancer sa atay: 

  • Hepatocellular carcinoma (HCC)
  • Fibrolamellar carcinoma
  • Cholangiocarcinoma (bile duct cancer)
  • Angiosarcoma
  • Hepatoblastoma 

Ang hepatocellular carcinoma (HCC), na tinatawag ding hepatoma, ay isa sa pinakakaraniwang uri ng cancer sa atay. Maaaring magkaroon ng ganitong uri ng cancer ang mga taong may history ng sakit sa atay tulad ng hepatitis B o labis na pag-inom ng alak. 

Ang hepatocellular carcinoma ay isang uri ng cancer na lumalaki sa hepatocytes. Ang mga kalalakihan ay mas mataas na tyansang magkaroon ng hepatoma kaysa sa mga kababaihan. Sa karamihan ng mga kaso ng HCC, ang mga taong may sakit na ito ay hindi nakakaranas ng anumang sintomas. Maaaring may kaugnayan sa cirrhosis ang mga sintomas na maranasan.

Fibrolamellar Carcinoma 

Ang fibrolamellar carcinoma, o tinatawag ding FLC, ay isa namang subtype ng hepatocellular cancer. Ito ay bihirang uri ng cancer na karaniwang nadedebelop sa mga kabataan at mga indibiduwal na nasa edad 40 pababa. Ang kakaiba sa ganitong uri ng cancer sa atay ay ito ay nadedebelop sa mga taong may malulusog na mga atay. 

Ang karamihan sa ibang mga cancer sa atay ay nadedebelop sa mga taong may sakit o problema sa atay na sanhi ng mga impeksyon at paggamit ng mga droga. Maaaring hindi makaranas ng isang indibiduwal ang anomang sintomas nito sa unang yugto ng cancer sa atay. 

Kung ang cancer ay naging napakalubha, mararanasan ng pasyente ang paninilaw ng balat, kawalan ng ganang kumain, pagduduwal, pananakit ng tiyan, pananakit ng likod, at panghihina. 

Upang ma-diagnose ang cancer sa atay, maaaring irekomenda ng doktor ang pagsasagawa ng imaging test at biopsy. Nagagamot ang fibrolamellar carcinoma sa pamamagitan ng chemotherapy, embolisation therapy, at operasyon. 

Cholangiocarcinoma 

Ang cholangiocarcinoma ay tinatawag ding bile duct cancer. Ito ay isang uri ng cancer na nangyayari sa bile ducts, isang mahaba na parang tubo na nag-uugnay sa atay sa gallbladder at small intestine. 

Ang taong nasa edad 50 pataas ay may mas mataas na tyansang magkaroon ng cholangiocarcinoma. Kabilang sa mga sintomas nito ang paninilaw ng balat, maputing kulay ng dumi, panghihina, pangangati, pananakit ng tiyan, at biglaang pagbaba ng timbang. 

Angiosarcoma 

Ang angiosarcoma ay isa sa mga uri ng cancer sa atay na lubahng bihira. Ito ay nabubuo sa mga ugat na daluyan ng dugo sa atay at sa lymph vessels. Kilala rin ito bilang hemangiosarcoma o soft tissue sarcoma. Ang mga taong sumailalim sa radiation therapy ang may posibilidad na magkaroon ng angiosarcoma.

Hepatoblastoma 

Ang hepatoblastoma ay isa sa mga bihirang uri ng cancer sa atay. Nagkakaroon nito ang mga batang edad tatlo at pababa. Ang ganitong uri ng cancer ay hindi kumakalat sa ibang bahagi ng katawan. 

Ang mga karaniwang senyales ng hepatoblastoma ay kinabibilangan ng pagkakaroon ng bukol sa tiyan, pananakit o pamamaga ng tiyan, biglang pagbaba ng timbang, panghihina, paninilaw ng balat, kawalan ng ganang kumain, pangangati ng balat, at pagduduwal. 

Maaaring iba-iba ang sintomas nito depende sa mga kadahilanan. Kabilang dito ang laki ng cancer at kung ito ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan. Ang mga sintomas ay hindi laging nangangahulugan ng liver cancer, sa ilang mga kaso, ito ay indikasyon din ng iba pang medikal na kondisyon.

Kung ang iyong anak ay may mga hindi karaniwang sintomas, kumonsulta sa iyong doktor. Upang ma-diagnose ang kondisyong ito, ang doktor ay maaaring magsagawa ng pisikal na pagsusuri sa sanggol. Gayundin, maaaring magmungkahi ang doktor ng pagsasagawa ng ilang tests kabilang ang blood test upang masuri ang bato at atay, CT scan, MRI, tumor biopsy, at iba pa. 

Benign Liver Growths

Ang benign liver growth ay indikasyon ng tumor sa atay na hindi cancerous. Ang ganitong uri ng cancer sa atay ay karaniwan at hindi mapanganib. May tatlong uri ng benign liver growth, ang haemangioma, hepatic adenoma, at focal nodular hyperplasia. 

Bihira lamang lumaki o kumalat sa ibang bahagi ng katawan ang mga ganitong uri ng cancer sa atay. Ang mga taong may benign cancer growth ay bihira lamang makaranas ng anomang mga senyales o sintomas. Dahil sa ito ay walang sintomas, ang benign liver growth ay hindi karaniwang nada-diagnose sa karamihan ng mga kaso. Kadalasang hindi nangangailangan ng anumang gamutan ang kondisyong ito. 

Secondary Cancer Sa Atay

Nangyayari ang sekondaryang cancer sa atay kung ang cancer ay nagsimula sa ibang bahagi ng katawan at kumalat sa atay. Ang pinakakaraniwang cancers na kumakalat sa atay ay ang cancer sa suso, cancer sa tiyan, cancer sa obaryo, cancer sa pancreas, atbp. 

Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng sekondaryang cancer sa atay ang mga sumusunod: 

  • Pananakit ng tiyan
  • Pamamaga ng tiyan
  • Pagkapagod
  • Panghihina
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Paninilaw ng balat

Ang mga sintomas na ito ay hindi laging indikasyon ng cancer sa atay. Maaari ding dulot ito ng iba pang sakit sa atay o medikal na kondisyon. 

Kung ikaw ay may mga sintomas ng secondary cancer sa atay, maaaring magmungkahi ang iyong doktor na magsagawa ng ilang pagsusuri. Kabilang dito ang MRI, CT scan, ultrasound scan, at blood test upang malaman ang paggana ng atay.

Gamutan

Iba-iba ang paraan ng paggagamot sa cancer sa atay sa iba-ibang mga tao. Dahil ang ganitong uri ng cancer ay kumakalat sa atay mula sa ibang bahagi ng katawan, ang gamutan ay nakadepende sa pangunahing cancer cells. 

Sa karamihan ng mga kaso, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang chemotherapy o kombinasyon ng operasyon at chemotherapy. Kabilang sa iba pang mga gamutan ay ang hormone therapy, mga gamot sa cancer, radiotherapy, at hepatic artery infusion. Dagdag pa, maaari ding irekomenda ng doktor ang paggamot sa pangunahing cancer. 

Matuto pa tungkol sa Cancer sa Atay dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

CENTER FOR LIVER DISEASE AND TRANSPLANTATION, https://columbiasurgery.org/liver/types-liver-cancer, Accessed on 15/05/2020

Types of liver cancer, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/liver-cancer/types, Accessed on 15/05/2020

Secondary liver cancer, https://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/secondary-cancer/secondary-liver-cancer, Accessed on 15/05/2020

What Is Liver Cancer? https://www.cancer.org/cancer/liver-cancer/about/what-is-liver-cancer.html, Accessed on 15/05/2020

Understanding the different types of liver cancer, https://utswmed.org/medblog/liver-cancer-types/, Accessed on 15/05/2020

Liver Cancer (Hepatocellular Carcinoma), https://www.medicinenet.com/liver_cancer_hepatocellular_carcinoma/article.htm,  Accessed on 15/05/2020

Kasalukuyang Version

10/18/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Alaga Health

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin Dito ang mga Stages ng Liver Cancer

Tandaan: Mga sintomas ng kanser sa atay


Narebyung medikal ni

Alaga Health

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement