Ang obesity ay kilalang isa sa mga seryosong panganib sa kalusugan sa buong mundo ngayon. Itinuturing itong isang problemang medikal. Inilalagay nito ang mga tao sa ilang health issues tulad ng problema sa puso, at maging cancer. Ano nga ba ang koneksyon ng cancer at sobrang katabaan?
Para mas maunawaan ang koneksyon, tingnan muna natin kung ano ang obesity o sobrang katabaan.
Ang isang tao ay sobrang taba kapag ang body mass index o BMI ay 30 o mas mataas. Karaniwan, genetic ang dahilan ng obesity, kasama na ang environment, personal diet, at lifestyle.
Ang U.S. ang may record ng pinakamaraming adult na obese sa buong mundo. Sa iniulat ng Organization for Economic Co-operation and Growth, ang rate ng obesity sa mga Amerikano na higit sa 15 taong gulang ay 38.4%.
Higit pa sa cosmetic concern, ang mga obese at sobra sa timbang ay nasa mas mataas na panganib para sa maraming health conditions. Ito ay ang high blood pressure, diabetes, stroke, cardiovascular diseases, at maraming uri ng cancer.
Ang koneksyon sa pagitan ng cancer at sobrang katabaan
Karamihan sa mga tao ay hindi alam na ang pagiging overweight o obese ay nauugnay sa ilang cancer. Ayon sa mga pag-aaral, ang labis na katabaan ay nagpapataas ng tyansa ng cancer. Dahil ang pamamaga ay dulot ng visceral fat, ang taba na pumapalibot sa vital organs.
Ang pamamaga ang nagiging daan sa mas maraming insulin na ilalabas sa pancreas. Lumilikha din ng estrogen ang cells ng sobrang taba. Ang sobrang insulin at estrogen ay maaaring magpapahintulot sa mga selula na mahati nang higit kaysa karaniwan. Sa ilang mga kaso, ang mga bagong cell na ito ay maaaring bumuo ng cancerous tumors.
Ang pagiging obese ay hindi nangangahulugang magkakaroon ng cancer ang isang tao. Ngunit kumpara sa isang tao na may normal na BMI, ang pasyenteng sobra sa timbang ay mas malamang na magkasakit.
Mga pangunahing resulta sa sobrang katabaan na nauugnay sa cancer
Ang data mula 2005 hanggang 2014 ay sinuri ng U.S. Cancer Statistics upang matukoy ang mga trend sa cancer at sobrang katabaan:
- Limampu’t limang porsyento ng lahat ng mga cancer na natukoy sa mga kababaihan at dalawampu’t apat na porsyento ng mga nasa lalaki ay malapit na nauugnay sa sobrang katabaan.
- Hindi kasama ang colorectal cancer, sobrang timbang at mga sakit na obese-related, ay tumaas ng 7 porsyento sa pagitan ng 2005 at 2014. Ang colorectal cancer ay nabawasan ng 23 porsyento at ang mga cancer na hindi nauugnay sa sobra sa timbang at obesity ay bumaba ng 13 porsyento.
- Para sa mga taong mas bata sa 75 taong gulang, tumaas ang mga kaso ng cancer dahil nauugnay sila sa sobrang timbang at obesity, maliban sa colorectal cancer.
Mga Uri ng Cancer na nauugnay sa Sobrang Katabaan
Noong 2014, humigit-kumulang 630,000 katao sa U.S. ang na-diagnose na may sobrang timbang at obesity-related cancer. Ipinakikita ng agham na ang pagkakaroon ng labis na taba sa katawan ay nauugnay sa napakataas na panganib para sa 13 uri ng cancer, kabilang ang:
Liver cancer
Ayon sa isang pag-aaral, ang pagiging overweight, kumpara sa pagkakaroon ng normal na BMI, ay nauugnay sa isang 21% na pagtaas ng risk para sa liver cancer. Sa kabilang banda, may 87% na tumaas na risk para sa liver cancer para sa isang taong sobrang taba. Kung sobrang taba ang isang tao, mas mataas ang panganib.
Kidney cancer
Kapag ang isang tao ay sobra sa timbang o napakataba, siya ay halos dalawang beses na mas malamang na magkaroon ng pinakakaraniwang uri ng cancer sa bato na renal cell cancer kaysa sa mga taong may normal na timbang.
Breast cancer
Mayroong malaking pagtaas sa panganib ng cancer sa suso para sa mga babaeng may sobrang katabaan pagkatapos ng menopause. Ang mga hormone tulad ng estrogen ay nagpapahintulot sa ilang breast cancers na mabuo. Pagkatapos ng menopause, ang mga ovary ay humihinto sa paglalabas ng estrogen, kaya ang mga antas sa katawan ay bumababa. Ang mga lalaking napakataba ay nasa panganib din para sa cancer sa suso, bagaman bihira.
Ovarian cancer
Ayon sa isang pag-aaral noong 2014, 7% ng mga kaso ng ovarian cancer sa United Kingdom ay naiugnay sa sobrang katabaan. Ang mas mataas na BMi ay bahagyang nagpapataas ng risk para sa ovarian cancer. Lalo na sa mga kababaihan na hindi pa sumailalim sa hormone replacement therapy.
Colorectal cancer
Ito ay nangyayari sa rectum o colon. May 30% na tyansa na ang mga taong napakataba ay magkakaroon ng colorectal cancer kumpara sa mga taong normal ang timbang.
Ang mga risk ng pagkakaroon ng colorectal cancer ay ang hindi malusog na diyeta, kakulangan ng pisikal na ehersisyo, at kulang sa mga kinakailangang bitamina at mineral, tulad ng calcium.
Pancreatic cancer
Napag-alaman din na ang sobrang katabaan ay nauugnay sa isang makabuluhang istatistika na 50-60 porsyentong pagtaas ng insidente ng pancreatic cancer.
Dahil sa tumataas na obesity rate sa U.S., ang pancreatic cancer ay hinuhulaan na magiging pangalawang-nakamamatay na cancer sa 2030. At ang pagbaba ng timbang ay maaaring makagambala sa yugtong ito sa mga early stage. Ayon ito sa isang kamakailang pag-aaral na pinangunahan ng mga mananaliksik sa Yale Cancer Center (YCC).
Thyroid cancer
May posibilidad na ang sobrang katabaan ay maging risk factor sa paglaki ng thyroid cancer sa mga kababaihan.
Ang mas mataas na BMI ay nauugnay sa isang bahagyang pagtaas sa risk ng thyroid cancer ng sampung porsyento.
Gallbladder cancer
Sa mga kababaihan, ang mas mataas na risk ng cancer sa gallbladder ay mas karaniwan kaysa sa mga lalaki.
Ipinakita ng pananaliksik na ang posibilidad ng gallbladder cancer ay 15 at 66 percent na mas mataas para sa mga taong sobra sa timbang at napakataba, kaysa sa mga may average na timbang.
Meningioma
Sa loob ng bungo, nangyayari ang cancer na ito kapag ang isang tumor ay lumalaki sa mga membrane na sumasakop sa utak at spinal cord.
Ang mas mataas na BMI ay malakas na salarin sa pagkakaroon ng meningioma. Tumataas ng humigit-kumulang 50 porsyento sa mga taong napakataba at humigit-kumulang 20 porsyento sa mga taong sobra sa timbang.
Key Takeaways
Ang sobrang katabaan ay risk factor para sa pagkakaroon ng cancer at pagkamatay mula sa maraming uri nito. Maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang pagbaba ng timbang ay maaaring makabawas sa panganib ng ilang uri ng cancer.
Halimbawa, ang mga sobrang taba at overweight na sadyang nagpapababa ng timbang ay may mas mababang levels ng ilang cancer-related hormones, gaya ng insulin, estrogen, at androgen. Kung sobra ang timbang mo, ang pagbaba ng kahit kaunting timbang ay may mga benepisyo sa kalusugan at isang malusog na paraan na magsimula.