Ang stroke ay isang malubhang kondisyong nangyayari kapag mayroong namuong bara dahilan upang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa utak. Ang mga sintomas ng stroke ay lubhang iba-iba, depende kung mild stroke o severe stroke.
Subalit sa kabila ng kalubhaan, ang pagkakaroon ng stroke ay isang malubhang problema sa kalusugan at hindi dapat ito balewalain.
Ano Ang Mild Stroke?
Ang madalas na tinatawag ng karamihan na “mild stroke” ay tiyak na tinatawag sa larangan ng medisina na transient ischemic attack o TIA.
Ang TIA ay isang uri ng stroke kung saan saglit na naantala ang pagdaloy ng dugo sa utak, spinal cord o gulugod, at maging sa retina o ugat sa mata. Sa kabila nang saglit na pagkaantala, maaari itong maging sanhi ng mga sintomas na katulad ng stroke. Subalit hindi ito nagdudulot ng permanenteng pinsala o kapansanan sa utak.
Sa kabila nito, hindi dapat ito baliwalain sapagkat ang mga ito ay kadalasang simula ng stroke. Dapat itong tingnan bilang isang senyales na ang malubhang stroke ay maaaring maranasan sa hinaharap.
Ang mga senyales ng mild stroke at severe stroke ay tunay na magkatulad. Ito ang dahilan kung bakit maraming tao ang nag-aakalang ito ay isang severe stroke.
Narito ang ilan sa mga sintomas ng mild stroke:
- Pamamanhid o panghihina ng isang panig ng katawan
- Nahihirapang maunawaan ang ibang tao, o nahihirapang magkapagsalita
- Nakararanas ng double vision, o nahihirapang makakita sa isa o sa parehong mga mata
- Pagkahilo, pagduduwal, o pagkawala ng balanse
Sa karamihan ng mga kaso, ang sintomas ng mild stroke ay nagtatagal lamang sa loob ng ilang minuto. Subalit wala pang naitatalang kaso kung saan tumagal ng ilang oras ang mga sintomas.
Ang gamutan sa mild stroke ay kadalasan katulad ng sa severe stroke, lalo na at ito ay senyales ng severe stroke. Kung nakaranas ka ng mga sintomas ng mild stroke, siguraduhing kumonsulta sa doktor sa lalong madaling panahon upang magpagamot at maiwasang mangyari ang severe stroke.
Ano Ang Severe Stroke?
Katulad ng ipinakakahulugan ng pangalan nito, ang severe store ay isang malubhang kondisyon. Ito ay iba sa mild stroke dahil ang mga sintomas nito ay maaaring maging mas malubha, kadalasang nararanasan nang mas matagal, at maaaring maging sanhi ng malubha at permanenteng pinsala. Sa ilang mga kaso, maaari din itong magresulta sa pagkamatay.
Kapag nangyayari ang severe stroke, tuluyang hindi dumadaloy ang dugo sa utak.
Ang utak ay nakadepende sa dugo upang epektibong gumana, at maging malusog. Ang hindi pagdaloy ng dugo sa utak kahit sa loob lamang ng ilang minuto ay maaaring magulot ng malubhang panganib.
Lubhang hindi mahuhulaan ang mga sintomas ng stroke. Ito rin ay maaaring mangyari nang napakabilis.
Narito ang ilan sa mga posibleng sintomas na maaaring maranasan:
- Pamamanhid, lalo na sa isang panig ng katawan
- Pagkalito, o nahihirapang unawain ang sinasabi ng iba
- Nahihirapang makakita sa isa o parehong mga mata
- Bigla at matinding pagsakit ng ulo nang walang anomang malinaw na sanhi
- Pagkawala ng balanse o koordinasyon, pagkahilo, o pagduduwal
Kung mapapansin, ang mga sintomas ng severe stroke ay tunay na katulad ng mild stroke. Ito ang dahilan kung bakit inaakalang ang mild stroke ay severe stroke o kabaliktaran.
Sa usapin ng strokes, lubhang mahalaga ang bawat segundo. Ito ang dahilan kung bakit kung sa iyong palagay ay nakararanas ka ng stroke, agad na humingi ng tulong. Huwag na subukang dalhin ang sarili sa ospital ng mag-isa, bagkus agad na maghanap ng kasamang makatutulong sa iyo.
Kung mas maagang naisagawa ang gamutan, mas mainam ang magiging resulta at kaunting pinsala lamang ang magkakaroon sa iyong utak.
Ano ang pagkakaiba ng mild stroke at severe stroke?
Sa karamigan ng mga kaso, pagkakaiba ng mild stroke at severe stroke ay kadalasang nasa epekto nito sa katawan,
Ang mild strokes ay hindi nagiging sanhi ng permanenteng pinsala. Habang ang severe strokes ay buwis-buhay o may matinding epekto sa buhay ng isang tao.
Sa usapin ng mga sintomas, ang mga sintomas ng mild strokes ay nagtatagal nang mas mabilis kaysa sa severe strokes. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugang ayos lamang ang makaranas ng mild stroke.
Bagamat tinatawag na mild, ang TIA ay kinakailangang pagtuunan ng pansin. Kadalasan itong simula ng mas malubhang severestrokem kaya’t hindi dapat ito balewalain.
Isang mahalagang bagay na kailangang tandaan sa usapin ng strokes ay hindi dapat magtuon kung ang nararanasan ba ay mild stroke o severe stroke.
Ang parehong uri ng strokes ay dapat lubhang seryosohin. At mahalagang humingi ng tulong sa lalong madaling panahon kung nakararanas ng anomang sintomas.
Paano Mapipigilan Ang Stroke?
Narito ang ilan sa mga mahahalagang payo upang mapigilan ang stroke:
- Siguraduhing kumain ng balaseng diet na mayaman sa prutas at gulay at mababa sa fat. Sa usapin ng karne, subukuang kumain ng maraming lean meats tulad ng isda, at mas kakaunting fatty meats gaya ng baka.
- Mag-ehersisyo kahit sa loob ng 150 minuto kada linggo. Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang manatiling malakas at malusog.
- Napabababa rin nito ang tyansa ng pagkakaroon ng stroke at iba pang sakit sa cardiovascular.
- Kung ikaw ay naninigarilyo, magiging mainam ang agad na pagtigil sa bisyong ito. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng tyansa ng stroke, gayun na rin ng sakit sa cardiovascular at mga kanser. Kaya mainam na agad tumigil sa paninigarilyo.
- At huli, tiyaking subaybayan ang iyong kalusugan. Makatutulong ang pagsailalim sa pangkabuoang pisikal na pagsusuri kada taon upang malaman kung ikaw ay may tyansang magkaroon ng mga tiyak na sakit. Gayundin, nakatutulong ito upang malaman ang kasalukuyang kondisyon ng iyong kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Stroke at Aneurysm dito.