Karaniwan na sa mga taong madalas sumakit ang ulo na maghinala na maaaring mayroon silang hypertension. Ngunit ang pagkakaroon ba ng sakit ng ulo ay talagang senyales ng high blood? O marahil, maaaring may isa pang paliwanag sa masakit na ulo dahil sa high blood.
Ano ang Hypertension Headaches?
Ang hypertension headaches ay uri ng pananakit ng ulo dahil sa high blood pressure. Ayon sa mga taong may masakit na ulo dahil sa high blood, ang pakiramdam nito ay tuloy-tuloy na pressure na tumutulak sa mga gilid ng kanilang ulo.
Ang nangungunang teorya sa likod nito ay dahil pinapataas ng hypertension ang pressure sa utak. Nagdudulot ng pamamaga sa utak ang tumataas na pressure. At maaaring magdulot ng pananakit ng ulo pati na rin ang mga sintomas tulad ng pagduduwal o pagkahilo.
Marami rin ang naniniwala na ito ang dahilan kung bakit nahihilo o nasusuka ang mga tao pagkatapos kumain ng matatabang pagkain. Ito ay dahil tumaas ang blood pressure nila. Pero ganito ba talaga? Ang pagkakaroon ba ng high blood ay talagang nagdudulot ng masakit na ulo?
Mas madalas bang nagkakaroon ng masakit na ulo dahil sa high blood?
Sa loob ng mga dekada, sinisikap ng mga mananaliksik na maunawaan ang anumang posibleng ugnayan ng hypertension at pananakit ng ulo. Natuklasan ng karamihan sa mga pag-aaral na ang hypertension ay hindi kinakailangang maging sanhi ng pananakit ng ulo.
Ayon sa isang pag-aaral, na inilathala sa American Journal of Hypertension noong 2016, ang hypertension ay hindi kinakailangang maging sanhi ng pananakit ng ulo sa mga pasyente. Pinag-aralan ng mga mananaliksik ang tungkol sa 1,900 mga tao na may hypertension at sinuri ang dalas at intensity ng kanilang pananakit ng ulo sa loob ng 30 taon.
Nalaman nila na ang madalas na pananakit ng ulo ay hindi ibig sabihin na may malubhang hypertension. Sa katunayan, ang mas madalas na pananakit ng ulo ay may mas mababang panganib ng dami ng namamatay kumpara sa ibang pag-aaral.
Ang kapuna-puna, natuklasan ng mga mananaliksik na sa kabila ng hindi ito nagiging sanhi ng pananakit ng ulo, maraming respondents ang nagsabi ng mas madalas na pananakit ng ulo.
Natuklasan sa isa pang pag-aaral noong 1953, na ang mga pasyenteng alam na sila ay may high blood ay nagsabing mas madalas ang pananakit ng ulo nila. Taliwas ito sa mga pasyenteng hindi alam na may high blood sila ay nagsabing mas hindi madalas sumakit ang ulo.
Ibig sabihin, mas marami ang nakakaalam ng kanilang kondisyon. Mas malamang na magsabi sila ng mga sintomas na sa tingin nila ay nauugnay sa kondisyong iyon. Gayunpaman hindi ito ibig sabihin na may masakit na ulo dahil sa high blood.
Kapansin-pansin din na karamihan sa mga taong may high blood ay mga lalaki. Pero pagdating sa pananakit ng ulo, mas madalas na magsabi ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Nangangahulugan ito na ang madalas na pananakit ng ulo ay hindi ibig sabihin na may high blood.