backup og meta

Mga Uri Ng Vascular Headache

Mga Uri Ng Vascular Headache

Ang sakit ng ulo ay isa sa mga pinakakaraniwang sakit na regular na nararanasan ng maraming tao. Nararanasan ito ng iba kung sila ay nalantad sa triggers, tulad ng stress at kakulangan sa tulog. Gayundin, marami ang nakararanas ng hindi maipaliwanag na sakit ng ulo na tila bigla na lamang nangyayari. Iba-iba ang mga uri ng sakit ng ulo at paggamot dito. Ano ang vascular headache?

Noon, nang matukoy ng mga doktor na ang sakit ng ulo ay pangunahing nangyayari dulot ng pagbabago sa mga ugat na daluyan ng dugo, tinawag nila ito bilang vascular headache. Sa kasalukuyan, hindi na ginagamit ang terminong ito. Ang artikulong ito ay nakatuon sa vascular headache, sa mga uri nito, at ang pagkakaiba ng sanhi ng mga ito, lokasyon, katangian, at mga interbenyon.

Ano Ang Vascular Headache?

Ano ang vascular headache? Ito ay pangunahing nangyayari dulot ng mga pagbabago, tulad ng distension, dilatation, o pamamaga ng mga ugat na daluyan ng dugo sa mga tissues na nasa paligid ng ulo. Gayunpaman, hindi na usong gamitin ang terminong ito, at hindi na ito ginagamit ng International Headache Society.

Ang vascular headache ay maaaring uriin ayon sa mga sumusunod:

  • Migraine headaches
  • Cluster headaches
  • Sakit ng ulo bilang resulta ng iba pang kondisyon (sekondaryang sakit ng ulo)

Ano Ang Vascular Headache? Bakit Mahalaga Ang Klasipikasyon Nito?

Ang mga klasipikasyon o uri ng vascular headaches ay nagbibigay sa mga pasyente at doktor ng ideya kung ano tiyak nilang kinahaharap. Bawat uri ng sakit ng ulo ay may iba’t ibang sanhi, katangian, at maging gamutan o mga interbensyon.

Narito ang pangkalahatang ideya ng iba’t ibang uri ng vascular headaches:

Migraine Headaches

Ang migraine headaches ay kadalasang may triggers, tulad ng mga tiyak na pagkain, stress, kapaligiran, gamutan, at pag-inom ng alkohol.

Para sa mga katangian nito, ang migraines ay maaaring magtagal nang buong araw. Ang kalubhaan ng sakit nito ay hindi lamang pabago-bago subalit hindi rin lubusang nawawala. Kung hindi gagamutin, ang ilang migraine attacks ay nagtatagal sa loob ng ilang mga araw. Maaari din itong sabayan ng pagduduwal at pagsusuka.

Iba-iba rin ang lokasyon nito. Maaari itong mangyari sa likod ng mata, sa tagiliran ng ulo, harapan, o buong bahagi ng ulo.

Ang isa pang kawili-wiling bagay tungkol sa migraines ay maaari itong mangyari nang may aura — isang biswal na sintomas, tulad ng maliwanag na ilaw, bago o habang nangyayari ang pagsakit ng ulo.

At huli, kung ang isang tao ay may migraine headache, magiging mas mabuti ang kanyang pakiramdam kung magpapahinga nang patay ang ilaw. Gayundin, ang ilang NSAIDS na mabibili nang walang reseta, tulad ng naproxen o ibuprofen, ay maaaring inumin upang maibsan ang pananakit ng ulo.

Cluster Headaches

Ang cluster headaches ay isang uri ng vascular headache na maaari ding may triggers, tulad ng pag-inom ng alkohol o matinding amoy. Gayunpaman, pinaniniwalaang ito rin ay may kaugnayan sa bahagi ng utak na tinatawag na hypothalamus.

Hindi tulad ng migraine attacks, ang cluster headaches ay nangyayari nang mas madalas, nahuhulaan, at walang sakit. Ang dahilan kung bakit ito tinatawag na cluster headaches ay dahil nangyayari ito nang baha-bahagi. Gayundin, ang isang tao ay maaaring makaranas ng halos walong pananakit ng ulo sa loob ng isang araw.

Kadalasang naaapektuhan ng cluster headaches ang isang bahagi ng ulo, kadalasang sa paligid ng mata o sentido.

Para sa mga gamutan, ang cluster headaches ay hindi kadalasang nawawala sa tulong NSAIDs. Subalit ang ibang gamit, tulad ng melatonin, magnesium, o riboflavin ay maaaring makatulong. Gayunpaman, sinasabi ng mga eksperto na makararanas lamang ng pagbabago ang pasyente makalipas ang ilang buwan ng pag-inom ng gamot. At matapos ito, maaaring hindi ito maging sapat upang mawala ang sakit.

Sekondaryang Sakit Ng Ulo

Huli sa listahan ng mga uri ng vascular headache ay ang sekondaryang sakit ng ulo. Ito ay nangyayari dulot ng iba pang mga kondisyon.

Ang ilang mga kondisyon ay maaari ding makaapekto sa mga ugat na daluyan ng dugo at maging sanhi ng pananakit. Kabilang sa mga halimbawa ay ang influenza, tonsillitis, o pneumonia. Sa mga kasong ito, ang pagbibigay-solusyon sa “orihinal” na problema ay makatutulong upang maibsan ang sakit.

Key Takeaways

Ano ang vascular headache? Nangyayari ito kung may mga pagbabago sa mga ugat na daluyan ng dugo sa tissues sa paligid ng masakit na bahagi ng ulo. Isang malinaw na senyales na mayroon kang vascular headaches ay kung nakararamdam ka ng sakit na pumipintig nang malubha.
Gayunpaman, ang vascular headaches ay hindi na usong terminolohiya. Sa halip, mayroong migraine headaches, cluster headaches, at ilang uri ng sekondayang sakit ng ulo.
Sa pamamagitan ng mga ganitong klasipikasyon, magkakaroon ka ng mas mabuting ideya sa sanhi, mga katangian, at maging sa mga interbensyon at home remedies.

Matuto pa tungkol sa Sakit ng Ulo at Migraines dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cluster headaches. (2017, October 18). nhs.uk. Retrieved August 6, 2021, from https://www.nhs.uk/conditions/cluster-headaches/

Headache. (n.d.). University Health Services // University of Notre Dame. Retrieved August 6, 2021, from https://uhs.nd.edu/assets/165777/headache_11_511k.pdf

Mayo Clinic Q and a: What’s the difference between cluster and migraine headaches? (2019, December 24). https://newsnetwork.mayoclinic.org/. Retrieved August 6, 2021, from https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/mayo-clinic-q-and-a-whats-the-difference-between-cluster-and-migraine-headaches/

Vascular contributions to migraine: Time to revisit? (n.d.). PubMed Central (PMC). Retrieved August 6, 2021, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6088188/

Vascular headaches. (n.d.). National Headache Foundation. Retrieved August 6, 2021, from https://headaches.org/2007/10/25/vascular-headaches/

Kasalukuyang Version

02/01/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ear Piercing para sa Migraine Mabisa ba Ito?

Sakit ng Ulo at Pagduwal: Lahat ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement