backup og meta

Deep Brain Stimulation Surgery para sa Parkinson's Disease

Deep Brain Stimulation Surgery para sa Parkinson's Disease

Ano ang deep brain stimulation surgery? Ang pamamaraang ito ay naging laganap sa nakalipas na ilang taon. Inirerekomenda ito ng maraming eksperto. Ito rin ay may sapat na pag-aaral upang patunayan ang pagiging epektibo nito.

Sa artikulong ito, komprehensibong pag-uusapan natin ang tungkol sa deep brain stimulation surgery, kung bakit pinapayuhan ang mga pasyenteng may Parkinson’s disease na sumailalim sa procedure na ito. Kasama sa tatalakayin kung anong mga pag-iingat ang dapat sundin pagkatapos.  

Ano ang Parkinson disease?

Ang Parkinson disease (Parkinson’s disease) ay isang nervous system disorder na nakakaapekto sa pang-araw-araw na paggalaw. Halimbawa nito ang paglalakad, pakikipag-usap, at maging pamamahinga. Nade-develop ang kondisyong ito paglipas ng panahon. At kung minsan ay ay maaaring tumagal ng mga taon bago ganap na makita ang mga palatandaan sa katawan. 

Ang pinakakaraniwang sintomas ng sakit na Parkinson ay panginginig. Ito ang matinding pag-alog sa katawan. Ang mga ito ay nagsisimula sa isang limb tulad ng iyong kamay. Para makita ang panginginig, hindi kailangang nasa mobile state ang iyong katawan, maaari itong mangyari kahit na nagpapahinga ka.

Iba pang mga sintomas ng PD:

  • mga pagbabago sa pagsasalita tulad ng slurring, mabagal, o mabilis na pagsasalita
  • patuloy na kawalan ng balanse sa katawan
  • paninigas ng kalamnan
  • pagbagal ng paggalaw
  • hirap sa pagsusulat

Ang Parkinson’s disease ay sanhi ng permanenteng pagkasira ng ilang mga neuron sa utak. Ang mga neuron na ito ay responsable sa paggawa ng dopamine, isang chemical messenger. Kapag bumaba ang mga antas ng dopamine sa iyong katawan ito ay humahantong sa mga nabanggit na sintomas ng PD. 

Pinag-aaralan pa rin ang eksaktong dahilan ng sakit, ngunit ang mga pag-aaral ay nagmumungkahi ng isang link sa pagitan ng genes at environmental triggers tulad ng polusyon. Bagaman, may mga kaso nang walang pagkakaroon ng alinman sa mga salik na ito na nasuri na may PD.

Ano ang deep brain stimulation surgery? Ang deep brain stimulation surgery ay available na treatment para sa mga pasyente ng PD dahil sa mga pabagu-bagong pagbabago sa kanilang paggalaw.

Ano ang deep brain stimulation surgery (DBS)?

Ang paraan ng paggamot na ito ay nakalaan para sa mga pasyenteng may sakit na Parkinson na hindi tumutugon nang maayos sa gamot.

Ang unang deep brain stimulation surgery ay ginawa sa Pilipinas noong 2006. Habang isinusulat ito, kailangan pa ng karagdagang data sa lokal sa pagiging epektibo ng operasyong ito. Nilalayon ng mga mananaliksik na subaybayan kung ito ay magreresulta sa mas mahusay na pagkilos at pagbabawas ng dose ng gamot.

Dahil ang sakit ay naglilimita sa pang-araw-araw na aktibidad sa matagal na batayan, ang PD ay maaari mas lumala sa pag-edad kung ang paggamot ay hindi naisagawa nang maayos sa oras.

Ang deep brain stimulation surgery ay isang neurological procedure na gumagana tulad ng isang pacemaker, ngunit para sa utak.

  • Halimbawa, mayroong thread na nag-uugnay sa iyong utak sa isang generator sa iyong dibdib. Sa bawat oras na may limitadong paggalaw dahil sa PD, ang iyong generator ay gumagawa ng kuryente na tumutugma sa mga neuron sa iyong utak. Binabalanse nito ang mga hindi regular na signal.
  • Nangangahulugan ito na ang ini-interrupt ng DBS surgery ang mga signal na humahantong sa mga panginginig o mabagal na paggalaw.
  • Sa pamamaraang ito, ini-implant ng mga surgeon ang isa o higit pang mga electrodes sa iyong utak. Ito ay mga maliliit na wire na umaabot sa rehiyon sa ilalim ng iyong collarbone.
  • Ang extension na ito ay insulated at konektado sa isang neurostimulator (sa bandang dibdib).
  • Ang mga ito ay lumilikha ng kuryente na dumaraan sa insulated lead at papunta sa iyong utak.

Ano ang deep brain stimulation surgery? Ang deep brain stimulation surgery ay minsan ay maaaring tumagal ng isa o ilang pagbisita sa doktor. Dahil ito ay isang well-programmed procedure na dapat mag-respond ang iyong utak sa tuwing magkakaroon ka ng tremor.

Kapag ang mga electrodes ay maayos na inilagay na konektado sa neurostimulator, nagsisimula itong mag-respond.

Ano ang mga side effects ng deep brain stimulation surgery?

Ang mga side effect ng deep brain stimulation surgery ay limitado ngunit mayroon.

Kasama sa mga ito ang pagkahilo, slurred speech, panghihina ng muscles, contraction ng muscles, pamamanhid, o shock sensation. Posibleng mayroong risks tulad ng seizures, pagdurugo sa utak, o maging coma

Samakatuwid, napakahalaga na lubusang maunawaan ang neurological procedure na ito. Gagawa ng ilang pagsusuri ang doktor mo upang matukoy ang pinakamahusay na paglalagyan ng mga electrodes. 

Samakatuwid, ang pamamaraang ito ay hindi mabilis. Maaaring tumagal ng ilang oras bago mo simulang makita ang mga resulta.

Sino ang kwalipikado para sa deep brain stimulation surgery?

Dahil kailangan ng procedure na ito ng oras at investment, ang mga pasyente na handang gawin ito ay dapat isaalang-alang ito. 

Maaaring kailanganin ng maraming pagbisita sa doktor para sa mga pamamaraan, pagsusuri, at sistematikong konsultasyon.

Bagaman, mahalagang maunawaan na ang DBS surgery ay hindi humahantong sa kumpletong lunas ng sakit na Parkinson. Ito ay isang paraan lamang upang gamutin at pamahalaan ang iyong mga sintomas, hindi alisin ang mga ito.

Mayroong pitong uri ng mga pasyente ng Parkinson’s disease na kwalipikado at nakikinabang mula sa kung ano ang deep brain stimulation surgery:

  • Mga pasyenteng tumutugon sa levodopa, isang gamot para sa PD. Bagaman sa sandaling mawala ang gamot, bumalik ang kanilang mga sintomas.
  • Ang mga pasyente na may hindi makontrol na panginginig at hindi rin matagumpay ang kanilang mga gamot sa pag-aayos ng kanilang mga sintomas.
  • Yaong mga hindi maaaring tumanggap ng mas mataas o mas malakas na dose para sa mga iregularidad sa paggalaw dahil sa mga side effect na kasama nito.
  • Mga pasyente na may mga sintomas na nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
  • Yaong may history ng iba’t ibang gamot sa PD.
  • Mga pasyenteng may magandang tugon sa mga gamot sa PD.
  • Mga pasyente na maaaring may iba’t ibang karanasan sa kanilang pagtugon sa isang gamot. Halimbawa, maaaring gumana ang gamot kung minsan, at sa ibang pagkakataon ay hindi ito gagana.

Anong mga pag-iingat ang dapat tandaan?

Kung magpasya kang sumailalim sa deep brain stimulation surgery, may ilang mga pag-iingat na kailangan mong tandaan. 

  • Kung dadaan ka sa body scanner sa airport, ipaalam sa mga awtoridad ang tungkol sa iyong neurostimulator. Ang metal na naroroon ay maaaring makita ng scanner at humantong sa pag-set off ng alarm.
  • Kung ang airport authorities ay gumamit ng hand detector, ipaalam sa kanila na huwag ilapit ang mga device malapit sa iyong neurostimulator nang matagal. Ang detektor ay naglalaman ng mga magnet na maaaring magdulot ng friction at makahadlang sa paggana ng neurostimulator.
  • Kung magpapa-MRI ka, ipaalam sa iyong doktor ang tungkol sa iyong deep brain stimulation surgery. Mayroong ilang mga uri ng MRI na maaari para sa iyo.
  • Tandaan na ang iyong neurostimulator ay maaaring maapektuhan ng mga magnetic field. Ibig sabihin, kailangan mong mag-ingat kung malapit sa isa. Halimbawa, panatilihin ang tamang distansya mula sa mga radio o television transmitters, high-tension wires, radar, o electric welders.
  • Mag-ingat kung nakikilahok ka sa pisikal na aktibidad tulad ng sports o recreational games. Anumang direktang hit na malapit sa neurostimulator ay maaaring magdulot sa iyo ng pagpapatingin sa doktor.

Ano ang deep brain stimulation surgery? Ang deep brain stimulation surgery ay isang calculated procedure na nangangailangan ng physical tests, evaluations, at konsultasyon upang magawa ito. Ang reaksyon ng DBS para sa Parkinsonism ay maaaring iba-iba sa bawat tao.

Kumunsulta sa iyong doktor at unawaing mabuti kung paano magpatuloy sa neurological procedure na ito at kung kwalipikado ka para dito o hindi.

Matuto nang higit pa tungkol sa sakit na Parkinson dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Deep Brain Stimulation Surgery in the Philippines

https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1878875018308453 Accessed 06/21/2021

Deep Brain Stimulation: https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/deep-brain-stimulation/ Accessed 31/05/2020

Deep Brain Stimulation: https://www.epda.eu.com/living-well/therapies/surgical-treatments/deep-brain-stimulation-dbs/Accessed 31/05/2020

Deep Brain Stimulation: https://www.parkinsons.org.uk/information-and-support/deep-brain-stimulation/Accessed 31/05/2020

Parkinson’s disease: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/parkinsons-disease/symptoms-causes/syc-20376055/Accessed 31/05/2020

Choosing DBS for Parkinson’s Disease: https://www.ohsu.edu/brain-institute/choosing-dbs-parkinsons-disease/Accessed 31/05/2020

Deep Brain Stimulation: https://www.parkinson.org/Understanding-Parkinsons/Treatment/Surgical-Treatment-Options/Deep-Brain-Stimulation/Accessed 31/05/2020

Deep Brain Stimulation (DBS) Indications & Limitations – Ausaf Bari, MD, PhD | UCLA Neurosurgery: https://www.youtube.com/watch?v=hoEy6gM1yb4/Accessed 31/05/2020

The facts about Parkinson’s Disease: https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/the-facts-about-parkinsons-disease/Accessed 31/05/2020

Kasalukuyang Version

01/31/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Mga Komplikasyon Ng Parkinson's Disease

Paano Maiiwasan Ang Pagkakaroon Ng Parkinson's Disease? Alamin


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement