backup og meta

Fibromyalgia: Sanhi, Sintomas, Paggamot Sa Kondisyong Ito

Fibromyalgia: Sanhi, Sintomas, Paggamot Sa Kondisyong Ito

Bago tayo tumungo sa mga sanhi, sintomas, maging ang paggamot ng fibromyalgia, atin munang bigyang depinisyon kung ano ang fibromyalgia. 

Ang fibromyalgia syndrome o FMS sa madaling salita ay tumutukoy sa chronic condition sa nervous system na nagdudulot ng pananakit, at pagtaas ng mga reaksyon sa pananakit bilang tugon sa pressure. Maaari itong maging sanhi ng pagkapagod kahit na nagsasagawa lamang ng mga karaniwang mga gawain, kawalan ng tulog, at pagkawala ng memorya.

Ano Ang Fibromyalgia At Ang Mga Sintomas Nito?

Ang mga sintomas na dapat bantayan ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Mga talamak, panaka-nakang o tuly-tuloy na pananakit ay kadalasan sa mga muscles, kasukasuan, at kung minsan buong katawan
  • Maaaring lumitaw ang mga namamagang o malambot na mga spot na sensitibo sa kahit kaunting pagpindot
  • Patuloy na pagkapagod

Bagaman hindi nakamamatay, ang kondisyong ito ay maaaring magdulot ng malaking abala. Kaya kung nakararamdam ng alinman sa mga sintomas na nabanggit, siguruhing matawagan ang pinakamalapit na doktor upang magamot kaagad.

Para sa mga taong nagtatanong kung ano ang fibromyalgia, ito ay maaaring magsanhi ng iba pang mga problema, kabilang ang:

Ano Ang Fibromyalgia At Mga Risk Factor Nito?

Ang fibromyalgia ay kadalasang nakakaapekto sa mga tao sa kanilang early hanggang sa late twenties. Ngunit, may mga kaso ng mga matatandang tao na nakakakuha rin nito. Ang mga pasyente ay karaniwang babae.

Ang sanhi ng FS ay hindi pa rin alam hanggang ngayon. Kabilang sa mga posibleng dahilan ang mga sumusunod:

  • Genes – May mga kaso kung saan ang fibromyalgia ay kilalang tumatakbo sa pamilya sa pamamagitan ng mga genes. Anong eksaktong gene o bakit ito ay nangyayari kasalukuyang wala pang ganap na kasagutan. 
  • Stress – Ang stress, parehong pisikal at mental, ay pinaghihinalaang posibleng maging sanhi ng fibromyalgia. Maaaring maging sanhi nito ang paulit-ulit o matinding pisikal na stress, maging ang ilang mga partikular na mga epekto sa ulo. Ang mental stress ay maaari ring maging sanhi ng sakit. Kabilang dito ang mga nakababahalang kondisyon tulad ng Post-traumatic stress disorder (PTSD), depression, at maging ang anxiety.
  • Lifestyle – Dahil ang stress ay labis na kaugnay ng pagkakaroon ng fibromyalgia, anumang bagay na makapagpapalala ng kalidad ng iyong buhay, tulad ng paninigarilyo at obesity, ay maaaring maging salik ng panganib. 
  • Pagtulog – Ang pagtulog ay isang napakahalagang proseso para sa maraming brain functions at napag-alaman na nag-aalis ng toxic build-up sa ating utak habang tayo ay gising. Isa pang salik na maaaring humantong sa naturang kondisyon ang matagal o paulit-ulit na kakulangan sa tulog.

Kaugnay ng pagtanong kung ano ang fibromyalgia, sa kasamaang palad ay wala paring lunas para rito. Bagaman, hindi naman ito isang life-threatening condition at maaari pa ring magamot upang maibsan ang mga sintomas at makayanan kahit papano ang regular functioning. 

Ano Ang Fibromyalgia At Ang Paraan Ng Paggamot Para Rito?

Maraming paraan ng paggamot ang maaaring gawin para sa naturang kondisyon, kabilang ang mga sumusunod:

Medication

Mayroong iba’t ibang mga gamot na mabisa sa paggamot ng mga posibleng sanhi ng fibromyalgia.

  • Pregabalin – Ang pregabalin ay maaaring magamit sa iba’t ibang mga anyo nito. Posibleng ito ay sa anyo ng capsule, serum, o tableta. Ginagamit ang Pregabalin upang maibsan ang nerve pain.
  • Duloxetine – Ang gamot na ito ay para naman sa depression at anxiety.
  • Milnacipran – Ito ay isang gamot na nagpapataas ng produksyon ng serotonin hormone sa katawan. Ang serotonin ay tumutukoy sa hormone na may pananagutan sa pagkontrol at pamamahala ng mood at siyang responsable rin sa kaligayahan ng tao. Ito ay maaaring gamitin upang labanan ang stress, na maaaring isang pangunahing kadahilanan ng pagkakaroon ng fibromyalgia.

Lifestyle Improvements

Ang mga lifestyle choices na na nagpo-promote ng mas malusog at mas maligayang buhay ay isang magandang paraan upang makontrol ang fibromyalgia. Ilan sa mga ito ay: 

Wastong Diyeta At Pag-Eehersisyo

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pag-eehersisyo ay hindi lamang nakababawas sa produksyon ng mga hormone na nakapagdudulot ng stress tulad ng cortisol at adrenaline, pinapabuti rin nito ang produksyon ng endorphin hormone ng katawan. Ang endorphin ay nakatutulong na palakasin ang mood at isa ring natural painkiller.

Pag-Iwas Sa Mga Labis Na Mga Bagay 

Kung ang wastong diyeta at ehersisyo ay nakatutulong sa pagpapagaan ng mga sintomas ng fibromyalgia, hindi na dapat sorpresa na ang hindi malusog na mga lifestyle choices ay gumagawa ng eksaktong kabaligtaran nito. Ang labis na paninigarilyo, pag-inom, at maging ang maling gawi sa pagkain ay maaaring magresulta sa kawalan ng balanse ng hormone sa ating mga katawan. Maaaring magdulot ng stress ang pagpapakawala ng labis na cortisol at adrenaline. Higit pa rito, ang paggawa nito sa loob ng mahabang panahon ay maaaring magbago ng itinuturing ng ating utak na normal na antas ng mga stress hormone na ito.

Key Takeaway

Sa kabuuan, ano ang fibromyalgia? Bagaman hindi ito isang nakapagpapahinang kondisyon o nagbabanta sa buhay, ang fibromyalgia ay maaaring lubos na magpababa ng kalidad ng buhay ng isang tao. Maaari rin itongg mangyari kasabay ng mga seryosong kondisyon tulad ng anxiety at depression. Kumonsulta sa doktor upang matugunan ang anumang posibleng sintomas.

Alamin ang iba pa tungkol sa Iba pang Issue sa Nervous System dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

FIBROMYALGIA, https://en.wikipedia.org/wiki/Fibromyalgia, Accessed April 20, 2021

FIBROMYALGIA, https://www.hss.edu/condition-list_fibromyalgia.asp, Accessed April 20, 2021

FIBROMYALGIA, https://medlineplus.gov/fibromyalgia.html, Accessed April 20, 2021

TOBACCO USE IN FIBROMYALGIA IS ASSOCIATED WITH COGNITIVE DYSFUNCTION, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6408684/, Accessed April 20, 2021

RELATIONSHIP BETWEEN FIBROMYALGIA AND OBESITY IN PAIN, FUNCTION, MOOD, AND SLEEP, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2939916/, Accessed April 20, 2021

BRAIN BASICS: UNDERSTANDING SLEEP, https://www.ninds.nih.gov/Disorders/patient-caregiver-education/understanding-sleep#:~:text=Sleep%20is%20important%20to%20a,up%20while%20you%20are%20awake, Accessed April 20, 2021

EXERCISING TO RELAX, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/exercising-to-relax#:~:text=Exercise%20reduces%20levels%20of%20the,natural%20painkillers%20and%20mood%20elevators, Accessed April 20, 2021

PREGABALIN, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a605045.html, Accessed April 20, 2021

DULOXETINE, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a604030.html, Accessed April 20, 2021

MILNACIPRAN, https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a609016.html, Accessed April 20, 2021

WHY YOU SHOULDN’T RELY ON ALCOHOL IN TIMES OF STRESS, https://health.clevelandclinic.org/alcohol-during-times-of-stress/, Accessed April 20, 2021

Kasalukuyang Version

07/08/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Ano ang Meige Syndrome?

Mga Sintomas ng Polio: Ano-ano ang Dapat Mong Bantayan?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement