Ang katawan mo ay may humigit-kumulang na 7 trilyong mga nerve. Ang mga ito ang bumubuo sa nervous system at responsable sa pagpapadala ng impormasyon mula sa utak at spinal cord sa iyong iba’t ibang organs. Mahalaga ang mga nerve, at ang nerve damage ay pwedeng magdulot ng maraming problema sa iyong katawan. Ano ang mga senyales ng nerve damage? Makakatulong sa iyo na malaman ang sagot dito upang mas mapangalagaan ang iyong katawan. At magpagamot sa sandaling maramdaman mo na may mali.
Ano ang nerve damage?
Ano ang mga senyales ng nerve damage? Para mas maunawaan ang sagot sa tanong na ito, makakatulong na malaman kung ano talaga ito.
Ang medical term para sa nerve damage ay peripheral neuropathy. Ang mga taong may peripheral neuropathy ay nakakaramdam ng pananakit, burning, o pangingilig sa mga apektadong bahagi ng katawan. Kadalasang nagreresulta ang kondisyong ito mula sa mga pinsala, impeksyon, mga problema sa metabolic, o maging genetics.
Isa sa mas karaniwang sanhi ng nerve damage ay diabetes. Ito ay dahil, sa paglipas ng panahon, ang mataas na sugar level sa dugo ng isang tao ay maaaring magdulot ng damage sa mga nerve.
May iba pang mga health conditions na maaaring magdulot ng nerve damage, tulad ng:
- Rheumatoid arthritis o lupus
- Chronic kidney disease
- Mahinang sirkulasyon sa mga binti
- Vitamin Deficiency
- Trauma o pressure sa nerve
- Pagkalason sa lead o mercury
- Pag-abuso sa alak
- Metabolic disease
- HIV/AIDS
- Hepatitis C
- Shingles
Kung hindi ginagamot, ang nerve damage ay maaaring lumala at magdulot ng mas matinding problema sa kalusugan. Ito ang dahilan kung bakit ang pag-alam kung ano ang senyales ng nerve damage ay makakatulong sa mga tao. Para ito sa paghingi ng paggamot sa lalong madaling panahon.
Ano ang mga senyales ng nerve damage?
Kapag nasira ang mga ugat, nangyayari ang alinman sa dalawang bagay:
- Ang myelin sheath, o ang insulating layer na nagpoprotekta sa mga nerve, ay nasisira.
- Ang axon, ang bahagi na nagdadala ng mga signal at impormasyon sa nerve, ay nasira. Posible rin na ang myelin sheath at ang axon ay maaaring magkasabay na masira.
Nagdudulot ito ng mga problema sa kung paano nakikipag-ugnayan ang nerve sa utak. At nagpapakita ito ng iba’t ibang sintomas na nararanasan ng mga tao kapag may nerve damage sila.
Ang mga sintomas ay nag-iiba depende sa kung aling mga ugat ang apektado, at kung anong uri ng pinsala sa nerve mayroon. Karaniwang maaaring ikategorya sa tatlong pangkalahatang grupo ang mga sintomas na nararanasan ng mga tao:
Matalim, tinutusok na pananakit at pamamanhid
Ang mga sintomas na ito ang kadalasang pinaka maaga at pinaka karaniwang senyales ng nerve damage. Ang pamamanhid ay maaaring madama sa mga kamay at paa. Ito ay kahalintulad sa tusok ng mga pin at karayom. Maaari ding makaranas ang mga taong may nerve damage ng matalim, tinutusok na pananakit sa mga apektadong bahagi ng katawan.
Habang lumulubha ang nerve damage, ang mga taong meron nito ay maaaring walang maramdaman sa kanilang mga braso at binti. Ito ay mapanganib. Kung sila ay magkakaroon ng hiwa o sugat, maaaring hindi nila ito agad mapansin, at maaari itong ma-infect. Kadalasang nangyayari ito sa mga taong may diabetes. Dahil ang kanilang kondisyon ay nagdaragdag ng risk sa nerve damage, at mas mabagal ang paghilom ng kanilang mga sugat.
Karaniwan din ang mga sintomas na ito sa mga taong may carpal tunnel syndrome. Ang mga sintomas na ito ay karaniwan din sa mga taong may carpal tunnel syndrome. Nangyayari ito kapag ang median nerve, isang pangunahing nerve sa kamay, ay naiipit o nako-compress. Karaniwan, ang mga sintomas ng kondisyong ito ay mga pins at karayom, pati na rin ang pananakit.
Mga problema sa muscles
Ang mga problema sa muscles ay isa pang posibleng senyales ng nerve damage. Ito ay kadalasang nagpapakita ng biglang panghihina o hirap sa paggalaw ng ilang muscles.
Tulad ng pananakit at pamamanhid, ang mga problema sa muscles ay karaniwang nakakaapekto sa mga kamay at paa ng isang tao. Maaari itong maging mahirap para sa kanila na gawin ang mga simpleng gawain. Tulad ng paghawak ng panulat o paghawak ng isang basong tubig. Pwede ring maging mahirap ang paglalakad, at maaari pa ring maging sanhi ng pagkahulog kung biglang bumaluktot ang kanilang mga binti.
Ang biglang pagkibot ng mga muscles, pati na rin ang cramps ay mga karaniwang senyales ng nerve damage.
Paano mapipigilan o magagamot ang nerve damage?
Ang treatment para sa nerve damage ay nangangailangan ng pagtugon sa pinagbabatayang dahilan.
Ibig sabihin, napakahalaga para sa mga taong may diabetes ang pagkontrol sa kanilang blood sugar.
Kung ang nerve damage ay sanhi ng isang sakit, ang pagtugon sa sakit ang magiging priyoridad.
Sa mga kaso kung saan ang trauma o pressure sa nerve ang problema, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang therapy. Sa ilang mga kaso, tulad ng may carpal tunnel syndrome, maaaring operasyon ang maging opsyon.
Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang nerve damage:
- Kung nakakaramdam ka ng anumang matinding pamamanhid o sakit sa iyong mga kamay at paa, huwag mag-atubiling makipag-usap sa iyong doktor.
- Para sa mga taong may diabetes, pinakamahusay na i-check ang iyong blood sugar level.
- Kumain ng healthy diet na mayaman sa prutas at gulay para makatulong na mapanatili ang kalusugan ng katawan.
- Kung obese o overweight, subukang magbawas ng timbang. Ang pagiging obese at sobra sa timbang ay risk factor para sa diabetes at mga problema sa puso, na parehong maaaring magdulot ng nerve damage.
- Mag-ehersisyo araw-araw. Mahalaga ito sa pagpapanatili ng mga function ng iyong katawan. Inirerekomenda na gawin ang hindi bababa sa 30 minuto ng ehersisyo araw-araw.
- Ang pagkakaroon ng magandang postura at pagpoposisyon ng kamay kapag nagta-type ka ay mahalaga sa pag-iwas sa carpal tunnel syndrome.
- Kung nakikisali ka sa sports, siguraduhing manatiling ligtas. Hangga’t maaari, iwasang masaktan.
- Ang pag-inom ng labis na alak ay maaari ding maging sanhi ng mga problema sa nerve, kaya mahalagang palaging uminom ng katamtaman.