Ano ang vasovagal syncope at ano ang dahilan nito? Titingnan ng artikulong ito ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa ganitong kondisyon. Kasama na dito ang mga sintomas at pagsusuri.
Ano ang Vasovagal Syncope?
Ang vasovagal syncope o neurocardiogenic syncope ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay biglang hinihimatay dahil sa ilang triggers. Karaniwang trigger ang pagkakita ng dugo at emotional distress. Ang Vasovagal syncope ay maaaring maging sanhi ng biglaang pagbaba ng presyon ng dugo ng isang tao, na pumuputol sa daloy ng dugo sa utak, na nagiging sanhi ng pagkawala ng malay.
Hindi talaga nakakapinsala neurocardiogenic syncope at hindi rin ito humahantong sa mas malubhang mga kondisyon na ito lang. Ang pangunahing panganib na dulot ng kundisyong ito ay ang posibilidad ng pinsala sa oras ng isang episode. Halimbawa, kapag bigla kang nawalan ng malay, maaaring tumama ang iyong ulo sa isang matigas na bagay o maaari kang maaksidente.
May iba pang mga dahilan ang biglang pagkahimatay. Kaya maaaring alisin ng doktor mo ang iba pang mga posibilidad, na kadalasang mas malala.
Sintomas ng Vasovagal Syncope
Bago mawalan ng malay dahil sa vasovagal syncope, maaari mong ipakita ang mga sumusunod na sintomas:
- Maaaring namumutla ang balat mo bago ka himatayin
- Bigla kang makakaramdam ng pagkahilo
- Maaari mong maranasan ang tinatawag na tunnel vision, kung saan lumiliit ang field of vision at ang nakikita mo lang ay kung ano ang nasa harap mo.
- Ang pagduduwal ay isa ring senyales ng karamdaman na ito.
- Ang isa pang sintomas na maaaring maramdaman mo bago mawalan ng malay ay init na sa iyong buong katawan at maaaring may kasamang malamig na pagpapawis.
- Panghuli, maaari kang makaranas ng malabong paningin bago ka mawalan ng malay.
Wala sa mga sintomas na ito ang partikular sa vasovagal syncope, kaya kailangang suriin ng doktor ang lahat ng iba pang posibilidad.
Maaaring mapansin ng mga bystanders na may episode ang isang tao kung may biglaang paggalaw na halatang abnormal. Kapag nasuri, ang pulso ng tao ay kapansin-pansing mahina, habang ang pupils ay dilat.
Kapag nawalan ka ng malay dahil sa ganitong kondisyon, malamang na babalik agad ang malay mo. Ngunit kapag nagising ka, malamang na maramdaman mo ang:
- Sobrang panghihina
- Nasusuka
- Nahihilo
Maaari ka ring disoriented sa loob ng ilang minuto at hindi mo alam kung ano ang nangyari o kung nasaan ka.
Mga sanhi ng Vasovagal Syncope
Ano ang vasovagal syncope?
Ang vasovagal syncope ay nangyayari kapag ang bahagi ng nervous system na magko-kontrol sa heart rate at blood pressure ay tumigil sa pag-function ng tama. Nangyayari ang breakdown dahil sa ilang partikular na pag-trigger. Isa sa pinaka-karaniwang nagti-trigger ay kapag nakakita ng dugo.
Kapag nag-react ka sa alinman sa mga nag-trigger, ang heart rate ay bumabagal at ang mga daluyan ng dugo na sa ibabang bahagi ng katawan ay mag-eexpand. Ang dugo mo ay maiipon sa ibabang bahagi ng katawan. Ang mas mababang rate ng puso at ang mababang presyon ng dugo ay magreresulta sa pagbawas ng daloy ng dugo sa utak.
Narito ang iba pang triggers ng vasovagal syncope:
- Nakatayo nang matagal, na maaaring magdala ng dugo sa mga binti ng isang tao.
- Ang pagkakalantad sa sobrang init ay maaari ding maging trigger.
- Bukod sa pagkakakita ng dugo, maaari ding maging trigger ang pagkuha ng dugo o kahit ang makakita ng mga karayom.
- Ang matinding takot, lalo na ang takot sa pinsala sa katawan, ay maaari ding maging trigger.
- Ang panandaliang pagpigil sa iyong hininga at pagsusumikap laban sa isang saradong glottis (matatagpuan sa lalamunan), na tinatawag na valsalva maneuver, ay maaaring magdulot ng vasovagal syncope. Ito ay maaaring mangyari habang ginagawa ang pagdumi o sa oras ng pag-ubo.
Ang mga trigger ay hindi limitado sa mga ito. May iba pang mga bagay na maaaring humantong sa pagkahimatay ng isang tao dahil sa kakulangan ng dugo sa utak.
Kailan Dapat magpatingin sa Doktor?
Kaya, kailan ka dapat magpatingin sa doktor kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay dumaranas ng vasovagal syncope? Kung na-diagnose ka ng kondisyon, hindi na kailangang magpatingin sa iyong doktor pagkatapos ng bawat episode. Kahit na kailangan mong mag-check in sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng mas madalas na mga episode o kung napansin mo na ang mga episode ay nangyayari dahil sa mga bagong trigger.
Kung hindi ka pa nagkakaroon ng episodes ng pagkahimatay at biglang nangyari ito, pinakamabuting humingi ng tulong medikal.
Mayroon pang ibang kondisyong medikal na maaaring maging sanhi ng iyong pagkahimatay at ang mga ito ay:
- Diabetes
- Mga problema sa puso
- Mga sakit ng nervous system kabilang ang Parkinson’s disease
Susuriin ka ng doktor mo at gagawin ang mga test upang alisin ang posibilidad na dumaranas ka ng alinman sa mga kondisyong ito.
Ang ilang mga gamot ay maaari ring maging sanhi ng pagkahimatay mo ngunit huwag huminto sa pag-inom ng iyong mga gamot. Dahil pinaghihinalaan mo na ito ay nagdudulot sa iyo ng pagkahilo. Hayaang kumpirmahin muna ito ng iyong doktor.
Paano ito Sinusuri?
Tulad ng iba pang mga diagnosis, magsisimula ang iyong doktor sa isang pangkalahatang check-up at isang pag-aaral ng iyong medical history. Maaaring mangailangan sila ng ECG o EKG upang suriin ang ritmo ng iyong puso. Maaaring kabilang sa iba pang mga pagsubok ang:
- Exercise stress test
- Echocardiogram
- Portable Holter monitor
- Tilt-table test
Maaaring kumpirmahin ng mga pagsusuring ito kung mayroon ka talagang vasovagal syncope o kung may ibang kundisyon ang dapat sisihin sa iyong pagkahimatay.
Key Takeaways
Dahil ang pagkahimatay ay maaaring sanhi ng iba pang mga kadahilanan, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor kung bigla kang makaranas na mahimatay. Kung ano ang vasovagal syncope ay hindi isang mapanganib na kondisyon ngunit may iba pang mga karamdaman na maaaring may mga katulad na sintomas. Mahalagang matuto ka nang maaga hangga’t maaari.