Ang katawan ay binubuo ng mga komplikadong organ system na lahat ay gumaganap ng mahahalagang tungkulin para makagawa tayo ng ating pang-araw-araw na gawain. Ang ating utak ay nagpapahintulot sa atin na makaramdam ng mga emosyon, ang ating mga baga ay nagbibigay-daan sa atin na huminga, at ang ating mga mata ay tumutulong na tayo ay makakita. Gayunpaman, ang lahat ng organs na ito ay hindi maaaring gumana ng maayos nang walang red blood cells. At kapag mayroon kang mga problema sa paggawa ng sapat na red blood cells, maaari kang magkaroon ng kondisyon na tinatawag na vitamin deficiency anemia. Alamin dito kung ano ang vitamin deficiency anemia.
Matatagpuan sa daluyan ng dugo ang red blood cells. At ang mga ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan habang kinokolekta ang carbon dioxide na ginawa bilang basura. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay magkakaroon ng mga problema sa red blood cells sa kanilang katawan. Tinatawag na anemia ang kondisyong ito.
Ang vitamin deficiency anemia ay isang uri ng anemia na resulta ng kakulangan ng mga bitamina na kailangan upang makabuo ng sapat na red blood cells sa katawan. Ang pag-unawa kung bakit nangyayari ang kundisyong ito kasama ng mga palatandaan at sintomas nito ay makakatulong sa iyong maunawaan kung paano mo ito mapipigilan.
Ano ang vitamin deficiency anemia?
Ang “anemia” ay tumutukoy sa kakulangan ng hemoglobin o malusog na pulang selula ng dugo ng isang tao. Mayroong iba’t ibang uri ng anemia na nagreresulta mula sa iba’t ibang dahilan tulad ng kakulangan ng iron (iron deficiency anemia), sickle o crescent-shaped red blood cells (sickle cell anemia), mga red blood cell na madaling masira (hemolytic anemia), at iba pa.
Ang vitamin deficiency anemia ay nagreresulta mula sa kakulangan ng mga sumusunod na bitamina:
- Vitamin B12
- Folic acid (folate)
- Vitamin C
Tumutulong ang vitamin C sa pag-absorb ng iron, kaya ito ay nauugnay sa iron deficiency anemia. Sa kabilang banda, ang Vitamin B12 at folate ay nauugnay sa pagbuo at paggawa ng red blood cells.
Ang mga sanhi ay depende sa kung aling bitamina ang kulang sa katawan. Pwede kang magkaroon ng kondisyong ito kung ang diet mo ay walang sapat na mga bitamina na kailangan para sa paggawa ng red blood cells. O kung ang katawan mo ay hindi nakakakuha ng mga kailangang bitamina.
Mga sanhi
Ang anemia na dulot ng kakulangan ng bitamina B12 o folate ay karaniwang itinuturing na megaloblastic anemia, na isang uri ng vitamin deficiency anemia.
Ang megaloblastic anemia ay nailalarawan sa pamamagitan ng paggawa ng mga abnormal na malalaking selula ng dugo na hindi ganap na nabuo. Ito ay nagreresulta sa mas kaunting malusog na mga selula ng dugo. Nagreresulta din ang kondisyong ito sa mga pulang selula ng dugo na nagiging oval-shaped.
Ang mga sanhi ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
-
Folate o Vitamin B9 Deficiency Anemia:
Ang folate o vitamin B9 ay isang natural na mineral na gumaganap ng mahalagang papel sa pagbuo ng mga pulang dugo. Matatagpuan ito sa ilang uri ng prutas at gulay, at fortified food tulad ng cereal o pasta. Ang folate deficiency anemia ay maaaring magresulta mula sa:
- Diet na walang sapat na folate o vitamin B9
- Malabsorption syndrome, na kapag ang maliit na bituka ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina at nutrients (celiac disease)
- Anti-seizure na gamot
- Surgical removal ng maliit na bituka
-
Vitamin B12 Deficiency Anemia:
Water-soluble vitamin ang Vitamin B12. Ito na nasa pagkain o sa anyo ng supplement. Ang kakulangan sa Vitamin B12 ay maaaring mauwi sa anemia. Ito ay dahil kailangan ng katawan mo ang bitaminang ito sa produksyon ng mga pulang dugo. Ang iba pang mga sanhi ng Vitamin B12 deficiency anemia ay kinabibilangan din ng:
- Kakulangan ng isang sangkap na tinatawag na “intrinsic factor” na tumutulong sa katawan sa pagsipsip ng bitamina B12
- Recent surgery na nakakaapekto sa maliliit na bituka
- Celiac o Crohn’s disease na mga kondisyon na nakakasagabal sa kakayahan ng katawan na sumipsip ng mga sustansya
- Ang pagkakaroon ng tapeworm
-
Vitamin C Deficiency Anemia
Ang bitamina na ito ay mahalaga sa sirkulasyon ng dugo. Dahil ito ay tumutulong sa katawan na maka-absorb ng iron nang mas mahusay. Ngunit kung hindi ka kumain o uminom ng sapat na pagkain o inuming may bitamina C, o kung naninigarilyo ka, maaari kang magkaroon ng ganitong kondisyon.
Signs and Indicators
Kadalasan, hindi napapansin ng mga taong may anemia na kulang sa bitamina na mayroon silang ganitong kondisyon dahil sa hindi malalang mga sintomas. Maaaring kabilang sa mga palatandaan at sintomas ang sumusunod:
- Pagkapagod
- Panghihina
- Pagkahilo o pakiramdam nanghihina
- Dilaw o maputlang balat
- Nakaramdam ng lamig sa mga paa at kamay
- Pamamanhid sa mga paa at kamay
- Pagkalimot o kahirapang mag-focus o maalala ang mga bagay
- Pagbaba ng timbang
Sino ang Nanganganib sa Vitamin Deficiency Anemia?
Maaaring mapataas ng ilang partikular na kondisyon ang panganib ng isang tao na magkaroon ng kondisyon ito. Ito ang mga sumusunod:
- Diet: Kung ang diet mo ay kulang sa mga gulay, prutas, o karne pwedeng magkaroon ka ng vitamin deficiency anemia. Posible ring nasa panganib ka kung ikaw ay vegetarian dahil sa kakulangan ng karne at dairy sa diet mo.
- Pagbubuntis: Ang pangangailangan ng isang buntis para sa folate ay tumataas para sa tamang development ng kanyang sanggol. Ang kakulangan ng sapat na folate, o hindi pag-inom ng suplemento ay maaaring maglagay sa panganib ng isang buntis.
- Mga Kondisyong medical : Ang mga sakit na nakakaapekto sa mga paggana ng maliit na bituka ay maaaring magdulot ng mga problema sa pagsipsip ng mga bitamina.
- Alkohol: Maaaring makaapekto sa absorption ng mga bitamina sa katawan ang sobrang dami ng mga iniinom na alkohol.
Mga Komplikasyon
Kung sa tingin mo ay may vitamin deficiency anemia ka, pinakamahusay na kaagad komunsulta sa isang medical practitioner. Ang kondisyong ito ay maaaring magkaroon ng malubhang komplikasyon tulad ng:
- Premature birth (para sa mga buntis)
- Mga problema sa neurological tulad ng pangingilig sa mga kamay o paa, pagkalito, at kahirapan sa pagbabalanse
- Iron deficiency anemia (na nauugnay sa kakulangan sa vitamin C)
Pamamahala at Paggamot
Maaaring gamutin ng iyong doktor ang kung ano ang vitamin deficiency anemia. Ito ay sa pamamagitan ng mga supplement, lalo na kung hindi mabuting diet ang sanhi ng anemia.
Ginagamot din ang mga underlying condition upang mabaliktad ang mga epekto.
Pag-iwas sa Vitamin Deficiency Anemia
Kadalasan, ang pagpili sa tamang lifestyle ang makakapigil sa ganitong uri ng anemia:
- Magkaroon ng healthy diet: Madaling sabihin kaysa gawin, pero hindi mo kailangang gumawa ng matinding pagbabago. Subukang isama ang mas malusog at masustansyang pagkain sa iyong diet tulad ng:
- Mga berde at madahong gulay
- Red meat
- Eggs
- Dairy products tulad ng cheese o gatas
- Shellfish
- Citrus fruits
- Kamatis
- Ihinto ang paninigarilyo: Ang paninigarilyo ay maaaring makagambala sa maramingmga mahahalagang tungkulin ng katawan tulad ng pag-absorb ng vitamin C. Samantala, ang pagtigil sa paninigarilyo ay maaaring magkaroon ng maraming positibong epekto sa iyong kalusugan.
- Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa multivitamins.
- Uminom ng alak ng katamtaman, o huwag uminom ng anumang inuming nakalalasing.
Konklusyon
Ang vitamin deficiency anemia ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay walang sapat na folate, vitamin B9 o vitamin B12 upang makagawa ng sapat na malusog na red blood cells. Ang malusog na diet at pag-iwas sa mga bisyo tulad ng pag-inom o paninigarilyo ay maaari ding lubos na makabawas ng iyong panganib na magkaroon ng ganitong uri ng anemia.