Kulang rin ito sa iron, calcium, choline, at omega 3 fatty acids.
Pero hindi naman nito ibig sabihin na “hindi sapat” ang Moriamin Forte. Ito ay dahil hindi naman ginawa ng sadya para sa buntis ang multivitamin na ito, kaya’t ang nutrients na mayroon ito ay sapat para sa mga hindi nagdadalang-tao.
Ligtas Ba Ang Moriamin Forte Para Sa Buntis?
Ang isa pang karaniwang tanong ng mga ina ay kung ligtas ba ang Moriamin Forte para sa buntis?
Sa kasalukuyan, wala pa gaanong pag-aaral na isinagawa tungkol dito. Kaya’t mas mabuti nang umiwas ng pag-inom ng Moriamin Forte kapag ikaw ay buntis upang hindi magkaroon ng problema sa pagbubuntis.
Nirerekomenda Ba Ng Mga Doktor Ang Moriamin Forte Para Sa Buntis?
Karamihan ng mga doktor ay hindi nagrerekomenda ng mga dietary supplements para sa mga buntis⁴.
Ang isang dahilan para dito ay hindi regulated at approved ang mga dietary supplements na katulad ng ibang mga gamot. Ibig sabihin ay posible itong magkaroon ng mga chemicals o iba pang ingredients na posibleng makasama sa mga nagdadalang-tao.
Isa pa ay hindi palaging masusi ang ginagawang pag-aaral sa mga ganitong uri ng supplements. Kaya’t hindi natin malalaman kung ano ang magiging tunay na epekto ng mga ito sa mga nagbubuntis pati sa development ng mga fetus.
Isa pang dahilan kung bakit hindi nirerekomenda ang Moriamin Forte para sa buntis ay dahil marami itong vitamins sa iisang pill. Posibleng sumobra ang ilang mga vitamins, at baka makasama pa ito sa pagbubuntis.
Comments
Share your thoughts
Be the first to let Hello Doctor know your thoughts!
Join Us or Log In to join the discussion