backup og meta

Moriamin Forte Para Sa Buntis: Nirerekomenda Ba Ito Ng Doktor?

Moriamin Forte Para Sa Buntis: Nirerekomenda Ba Ito Ng Doktor?

Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na mahalaga ang nutrisyon para sa mga buntis. Ayon sa mga eksperto, kinakailangan nila ng folic acid, iron, calcium, choline, vitamin B, C, at D, pati na rin omega 3 fatty acids¹. At dahil marami silang kailangan na vitamins at minerals, pinipili ng ilang mga nagbubuntis na uminom ng multivitamin na kumpleto na ang laman na nutrients. Isa sa mga ito ay ang Moriamin Forte. Pero nirerekomenda ba ang Moriamin Forte para sa buntis? Alamin dito. 

Ano Ang Moriamin Forte? 

Ang Moriamin Forte ay isang dietary supplement mayroong mga iba’t-ibang vitamins at minerals. 

Ilan sa mga micronutrients ng Moriamin Forte ay²:

  • 2,000 IU Vitamin A 
  • 0.2 mg Folic acid 
  • 5mg Vitamin B1
  • 3 mg Vitamin B2 
  • 20 mg Nicotinamide
  • 2.5 mg Vitamin B6 
  • 1 mcg Vitamin B12 
  • 20 mg Vitamin C
  • 200 IU Vitamin D
  • 1 mg Vitamin E

Bukod sa mga ito, ang Moriamin Forte ay mayroon ring mga amino acids – na ginagamit ng katawan upang gumawa ng iba’t-ibang uri ng protein. 

Moriamin Forte Para Sa Buntis: Mayroon Ba Itong Mga Nutrients Para Sa Ligtas Na Pagbubuntis?

Ang Moriamin Forte ay maryoong folic acid at vitamins B, C, D. Ngunit hindi sapat ang dami nito para sa pangangailangan ng mga nagbubuntis. 

Halimbawa, kinakailangan ng mga buntis ng 400 micrograms (0.4 mg) ng folic acid kada araw bago mabuntis at hanggang sa ika-3 buwan ng pagbubuntis. Pagdating rin ng 2nd trimester³ ay maaaring tumaas pa ang pangangailangan ng isang ina. Ang Moriamin Forte ay mayroong lamang 0.2 mg – kalahati lamang ng recommended. 

Kulang rin ito sa iron, calcium, choline, at omega 3 fatty acids. 

Pero hindi naman nito ibig sabihin na “hindi sapat” ang Moriamin Forte. Ito ay dahil hindi naman ginawa ng sadya para sa buntis ang multivitamin na ito, kaya’t ang nutrients na mayroon ito ay sapat para sa mga hindi nagdadalang-tao.

Ligtas Ba Ang Moriamin Forte Para Sa Buntis?

Ang isa pang karaniwang tanong ng mga ina ay kung ligtas ba ang Moriamin Forte para sa buntis?

Sa kasalukuyan, wala pa gaanong pag-aaral na isinagawa tungkol dito. Kaya’t mas mabuti nang umiwas ng pag-inom ng Moriamin Forte kapag ikaw ay buntis upang hindi magkaroon ng problema sa pagbubuntis. 

Nirerekomenda Ba Ng Mga Doktor Ang Moriamin Forte Para Sa Buntis?

Karamihan ng mga doktor ay hindi nagrerekomenda ng mga dietary supplements para sa mga buntis⁴. 

Ang isang dahilan para dito ay hindi regulated at approved ang mga dietary supplements na katulad ng ibang mga gamot. Ibig sabihin ay posible itong magkaroon ng mga chemicals o iba pang ingredients na posibleng makasama sa mga nagdadalang-tao. 

Isa pa ay hindi palaging masusi ang ginagawang pag-aaral sa mga ganitong uri ng supplements. Kaya’t hindi natin malalaman kung ano ang magiging tunay na epekto ng mga ito sa mga nagbubuntis pati sa development ng mga fetus. 

Isa pang dahilan kung bakit hindi nirerekomenda ang Moriamin Forte para sa buntis ay dahil marami itong vitamins sa iisang pill. Posibleng sumobra ang ilang mga vitamins, at baka makasama pa ito sa pagbubuntis. 

Anu-Ano Ang Mga Ligtas Na Supplements Para Sa Buntis?

Kung hindi nirerekomenda ng mga doktor ang Moriamin Forte para sa buntis, anu-ano ang supplements na maaaring inumin?

Ang karaniwang inirerekomenda ng mga doktor ay folate upang makaiwas sa neural tube defects sa baby. Karaniwan din ang iodine at iron supplements rin ay nirerekomenda ng mga doktor⁵. 

Gayunpaman, iba-iba ang bawat babae, at iba-iba rin ang maaaring kailanganin ng mga baby. 

Ang mainam na tandaan ay huwag uminom ng supplements na hindi pinapaalam sa iyong doktor. 

Key Takeaways

Ang Moriamin Forte ay isang dietary supplement na mayroong vitamins at essential amino acids. Gayunpaman, hindi ito nirerekomenda sa pagbubuntis.
Karamihan rin ng mga dietary supplements maliban sa folic acid, iron, at iodine ay hindi nirerekomenda ng mga doktor sa mga buntis. Kung ikaw ay nagdadalang tao, huwag uminom ng mga ito kung hindi sinabi ng iyong doktor. 
Mas mainam pa ring makuha ang mga vitamins na ito sa tamang pagkain, at sa paggabay ng iyong doktor.

Alamin ang tungkol sa pagbubuntis dito

Isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara

[embed-health-tool-due-date]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Current Version

03/19/2023

Written by Lorraine Bunag, R.N.

Medically reviewed by Regina Victoria Boyles, MD

Updated by: Regina Victoria Boyles


People Are Also Reading This

Boiled Lagundi Leaves For Pregnant Women: Is It Safe?

Prenatal Vitamins For Pregnancy: Common Micronutrients


Medically reviewed by

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Written by Lorraine Bunag, R.N. · Updated Mar 19, 2023

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement