Ang stress incontinence ay tumutukoy sa pagkawala ng kontrol sa pantog o leakage na nangyayari habang nasa physical activity o exertion. Ito ay nangyayari kung uubo, babahing, magbubuhat ng mabibigat na bagay, pag-ehersisyo, at pagsasagawa ng nakakapagod na gawain. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang mga sintomas ng stress incontinence, maging ang sanhi at lunas nito.
Sanhi ng Stress Incontinence
Ang mga sintomas ng stress incontinence ay nagsisimula nang makita kung ang support structure ng urethra ay nagde-degrade. Ang structure na ito ay konektado sa bladder at urethra, na sinusuportahan ng muscles ng pelvic floor. Ito ay humihingi ng tulong sa sphincter sa pagitan ng bladder at urethra, na nagkokontrol ng daloy ng ihi ng pasyente. Mula rito, ang panghihina ng kahit na alinman sa mga ito ay nagpapahirap na pigilan ang ihi.
Ang mga pisikal na gawain tulad ng pagbubuhat ng mabigat, pakikipagtalik, at ehersisyo ay maaaring maging sanhi ng stress incontinence ng pasyente sa pag-ihi. Ang ibang mga gawain, tulad ng pagtawa, pagbahing, at pag-ubo, ay nagbibigay rin ng pressure sa tiyan ng pasyente at nagti-trigger ng stress incontinence.
Maraming mga grupo ng pasyente ay mas may banta ng pagkakaroon ng stress incontinence kaysa sa iba. Sa kabuuan, ang kondisyon ay mas makikita sa mga senior citizen, mga babaeng kapapanganak pa lamang, mga taong labis ang timbang o obese. Ito ay sa kadahilanan na ang mga kondisyon ay mas karaniwan para sa stress incontinence. Ang pag-inom ng gamot o pagsasailalim sa operasyon sa pelvic o prostate na bahagi ay maaaring humantong sa stress incontinence.
Sintomas ng Stress Incontinence
Ang mga sintomas ng stress incontinence ay madaling matukoy, na ang pangunahin ay ang pagkawala ng kontrol sa pantog habang nasa pisikal na gawain. Ito ay maaaring kaunting pag-release ng ihi o malakas na daloy.
Mayroon ding mga malalang kaso kung saan ang pressure mula sa overburdened na pantog ay naging sanhi ng hindi boluntaryong pag-ihi. Ito ay tipikal na nangyayari nang hindi nararamdaman ng pasyente na kailangan umihi.
Mula rito, ang sintomas ng stress incontinence ay maaaring humantong sa emosyonal at mental distress. Ang mga pangyayari ng incontinence ay maaaring humantong sa nakakahiyang sitwasyon para sa mga pasyente. Halimbawa, ang hindi boluntaryong pag-ihi sa pampublikong lugar o habang nakikipagtalik ay nakakahiya. Ang kondisyon ay maaaring maging sanhi sa mga pasyente na hindi makapunta sa mga social activities at mga oportunidad sa trabaho o iwasan ang pagkakaroon ng intimate na relasyon dahil sa takot.
Mayroon ding kondisyon na tinatawag na mixed incontinence. Ito ay nangyayari sa mga indibidwal na mayroong mga sintomas ng parehong stress incontinence at overactive bladder (OAB) o urge incontinence. Ang kondisyon ay ang kagustuhan na umihi kahit na ang pantog ay hindi pa puno o wala pa sa kapasidad.
Lunas para sa Stress Incontinence
Maraming mga doktor ang nagmumungkahi ng pagbabago sa lifestyle upang mabawasan o malunasan ang sintomas ng stress incontinence. Narito ang ilang mga paraan upang malunasan ang kondisyon:
- Pelvic floor muscle exercises at Kegel exercises
- Iwasan o ihinto ang paninigarilyo
- Bladder training
- Sukatin ang pag-inom ng tubig
- Ehersisyo sa pagbawas ng timbang
- Catheters
- Mga kagamitan sa pagkolekta ng ihi
- Iwasan na mairata ang pantog
Mahalagang Tandaan
Bagaman ang stress incontinence ay hindi nakamamatay na kondisyon, maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa emosyonal at mental na wellbeing ng isang tao. Ang mga telltale na sintomas ng stress incontinence ay aksidenteng pag-ihi habang nasa pisikal na gawain. Sa kabutihang palad, ito ay nalulunasan sa pamamagitan ng iba’t ibang pagbabago ng lifestyle at tulong mula sa doktor.
Matuto pa tungkol sa Urological na Kalusugan dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.