backup og meta

9 na Senyales ng Kidney Failure: Alamin Dito

9 na Senyales ng Kidney Failure: Alamin Dito

Ano ang mga sintomas ng kidney failure o pagkasira ng kidney? Ang mga sintomas nito ay nakabatay kung gaano na kalala ang kondisyon nito. Ano ang sanhi at gaano kabilis ang paglala nito? Ito ay maaaring acute o biglaang nangyayari o chronic na panandalian lamang kung mangyayari. 

Ang kidney failure na kilala rin bilang renal failure ay inilalarawan bilang hindi maayos na paggalaw ng kidney. Ang renal failure ay maaaring sanhi ng sakit na nagdudulot ng pagkasira ng kidney tulad ng mataas na presyon ng dugo at diabeter. Hindi rin maayos na gumagana ang kidney kung ito’y nababarahan ng mga kidney stone, ng scar tissue o hindi nakatatanggap ng sapat na dugo upang salain. Ano ang senyales ng kidney failure?

Acute Kidney Failure 

Tumutukoy sa biglaang kawalan ng kakayahan na magsala ng dumi sa dugo ang acute kidney failure. Ito ay kadalasang nangyayari sa loob ng ilang araw at mabilis na lumalala. 

Ang mga taong may acute kidney failure ay mga pasyenteng karaniwang nananatili sa ospital o ICU na kadalasang may ibang sakit tulad ng sakit sa puso, malalang allergy, organ failure, kawalan ng dugo at taong may malalang pinsala. Ito ay maaari ding mangyari sa mga taong sumailalim sa malaking operasyon. 

Sintomas ng Kidney Failure (Acute)

senyales ng kidney failure 

Fatigue 

Sa malalang kondisyon ng kidney, ang mga dumi sa dugo ay matitipon at magsasanhi ng pakiramdam ng kahinaan sa tao. Ang anemia ay isang kondisyon kung saan walang sapat na hemoglobin (protina sa dugo ang siyang nagdadala ng oxygen). Ang kawalan ng dugo o pagbaba ng RBC (red blood cells) ay maaaring magdulot ng anemia na pangkaraniwan sa mga pasyenteng may kidney failure.

Pagkalito 

Kung ang urea at iba pang lason ay hindi maayos na nailalabas ng kidney, maaari itong maipon sa katawan. Ang uremic encephalopathy ay isang sakit nangyayari kung ang labis na urea ay umabot na sa utak na nagreresulta sa pagkalito, hilo, at kawalang kakayahan na mag-concentrate, at maging ang coma. 

Mataas na presyon ng dugo 

Sa unti-unting paghina ng kidney, ang katawan ay susubukang damihan ang dugo na ipapadala sa kidney. Ito ay nagsasanhi ng pagtaas ng presyon ng dugo. Ito ay maaaring mapanganib sa mayroong hypertension kung hindi makokontrol.

Edema 

Sa panghihina ng kidney, ang mga sobrang fluid ay hindi na maalis sa katawan at nagreresulta sa pamamaga nito partikular sa binti, bukong-bukong, paa (pedal edema) at paligid ng mata (periorbital edema)

Pananakit sa dibdib at kapos na paghinga 

Dahil ang mga sobrang fluid ay hindi maaalis ng kidney, ang fluid na ito ay maaaring maipon sa baga at magsanhi ng masikip na pakiramdam sa dibdib at hirap sa paghinga. 

Chronic Kidney Failure 

Ito ay kilala rin bilang chronic kidney disease (CKD), nilalarawan bilang mabagal na pagkasira ng kidney. Ang unti-unting pagkasira ng kidney ay mangyayari sa loob ng ilang buwan o taon. Ang mga pagkasira sa kidney ng kidney para sa mga taong may CKD ay hindi na naibabalik sa estado nito bago magka-CKD. 

Ang mga taong nakararanas ng CKD ay mga taong may kompromiso ang resistensya at malimit na may urinary tract infection. Ang pag-inom ng maraming gamot o matataas ng dose na gamot ay nakaaapekto sa atay at kidney, na kalaunay hahantong sa CKD. 

Maaaring hindi agad maranasan ng tao ang mga sintomas ng kidney failure sa maaaga nitong yugto. Ang pagsusuri sa dugo at ihi ay kailangan upang tuklasin ang yugto ng kidney failure. Ang mga senyales ng acute kidney failure ay makikita rin sa mga taong may CKD. 

Sintomas ng Kidney Failure (Chronic) 

Metal na panlasa sa bibig at mabahong hininga 

Kapag ang kidney ay wala ng kakayahan gumana nang maayos, ang urea na mula sa ihi ay maiipon. Kung ito ay mangyari, ang panlasa ng tao ay mag-iiba at magkakaroon ng mabahong hininga o ammonia breath. Ang metal na panlasa sa bibig ay magdudulot ng kawalang gana sa pagkain.

Pamamanhid at panginginig 

Ang mga naipong toxins sa dugo ay maaaring magdulot ng pagkasira sa mga nerve (uremic neuropathy). Maaaring mangyari ang pamamanhid at panginginig (paresthesia) sa paa at mga daliri nito.

Mahinang buto 

Kapag ang kidneys ay hindi gumagana ng ayos, mas maraming parathyroid hormones (mga hormones na responsable sa pag-regulate ng calcium levels sa ating dugo) ang nilalabas sa dugo. Ito ay nangyayari sa pamamagitan ng paglipat ng calcium galing sa ating buto papunta sa ating dugo, na nagreresulta sa mahina at marupok na mga buto. 

Jaundice 

Dahil sa mga naipong urea sa loob ng katawan, naiipon ang urochromes sa ating balat, na responsable sa dilaw na kulay ng ating ihi. Ito ay nagreresulta sa jaundice, o dilaw na kulay ng balat. 

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga nabanggit na sintomas. Bilang karagdagan, ang ilang tao na may CKD ay mayroong ibang sintomas na hindi nakatala rito. Kung ang isa o higit pang mga senyales ay lumalabas, siguruhing humingi ng atensyong medikal. Kinakailangan ang pagsusuri sa dugo at ihi upang malaman kung ang tao ay may kidney failure. 

Mahalagang Tandaan

Ang kidney failure ay maaaring chronic o acute. Ang mga sintomas ng acute kidney failure ay kinabibilangan ng pagkalito, hypertension, pananakit ng dibdib at edema. Sa chronic kidney failure naman ay makararanas ng parehong mga senyales ng acute kidney failure na maaaring madagdagan ng sintomas tulad ng metal na panlasa sa bibig, mabahong hininga, pamamanhid, panginginig, mahinang buto, at jaundice. 

Kung ikaw ay nakararanas ng alin mang sintomas, agad na komunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa kidney disease rito

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acute Kidney Injury (AKI)
https://www.kidney.org/atoz/content/AcuteKidneyInjury
March 14, 2021

The heart-kidney link
https://www.bhf.org.uk/informationsupport/heart-matters-magazine/medical/kidney-heart-link
March 14, 2021

Acute kidney failure
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kidney-failure/symptoms-causes/syc-20369048
March 14, 2021

10 Signs You May Have Kidney Disease
https://www.kidney.org/news/ekidney/august14/10_Signs_You_May_Have_Kidney_Disease
March 14, 2021

Kidney Disease Symptoms
https://lifeoptions.org/learn-about-kidney-disease/kidney-disease-symptoms/
March 14, 2021

What is Kidney (Renal) Failure?
https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/k/kidney-(renal)-failure
March 14, 2021

Chronic Kidney Disease Basics
https://www.cdc.gov/kidneydisease/basics.html
March 14, 2021

Understanding Kidney Disease
https://nephcure.org/livingwithkidneydisease/what-is-kidney-disease-2/
March 14, 2021

Hemolytic Uremic Syndrome (HUS)
https://www.kidney.org/atoz/content/hemolytic#:~:text=Hemolytic%20uremic%20syndrome%20(HUS)%20is,blood%20vessels%20of%20the%20kidneys.
March 14, 2021

Easy Bruising
https://www.rsnhope.org/health-library/easy-bruising-prevention/
March 14, 2021

Kasalukuyang Version

08/01/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Kidney Health: Pagkain para sa Kidney

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement