backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel · General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!

Isa ang kidney sa mahahalagang organs ng ating katawan na gumaganap ng ilang mahahalagang tungkulin, gaya ng pag-aalis ng waste products sa’ting katawan, pag-regulate ng fluid balance, at electrolyte, at paggawa ng hormones. Kaya’t kapag ang kidney natin ay hindi gumagana ng maayos, maaaring mag-build up ang mga dumi sa’ting katawan. Sa oras na maganap ito, maaaring humantong ito sa pagkakaroon ng iba’t ibang problema sa kalusugan. Kabilang dito ang mataas na presyon ng dugo, anemia, sakit sa buto, at cardiovascular disease. 

Para maiwasan ang iba’t ibang medikal na problema na may kaugnayan sa ating kidney, mahalagang mapanatili natin ang isang malusog na diet, ang pagiging hydrated, at pag-iwas sa mga gawi na maaaring makapinsala sa kidney, tulad ng paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.

Bukod pa rito, ang pagtukoy sa kung paano malaman kung may bato na ba sa ating kidney ay isa ring mahusay na hakbang para maalagaan ang kidney, at hindi na ito humantong pa sa mas malubhang karamdaman.

Kaya naman narito ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pag-alam kung may bato ka na sa iyong kidney.

Paano ko pwedeng malaman na may kidney stones na ako?

Ibinahagi ni Dr. Liza Ramoso—Ong sa vlog ni Dr. Willie Ong na may mga sintomas ka na maaaring maramdaman kapag may bato ka na sa kidney. Ang pagtukoy sa mga sintomas nito ay maaaring maging paraan paano malaman kung may bato sa kidney ang isang tao. Narito ang mga sumusunod: 

  1. Pananakit sa likod o tagiliran, sa ibaba ng tadyang

Ito ang isa sa mga pinakakaraniwang sintomas na may bato sa kidney ang isang tao. Ang pananakit na dulot ng bato sa kidney ay maaaring biglaan at matindi.

  1. Masakit na pag-ihi

Maaaring makaramdam ka ng burning sensation o pananakit habang umiihi, kapag nagtataglay ka ng bato sa kidney.

  1. May dugo sa ihi 

Tandaan na pwedeng makita ng ating mata ang dugo sa ihi o maaari lamang matukoy ang dugo sa pamamagitan ng pagsusuri sa ihi.

  1. Pagduduwal at pagsusuka

Pwede kang makaramdam ng pananakit ng tiyan at makaranas ng pagsusuka dahil sa pananakit ng tiyan.

  1. Lagnat at panginginig

Kapag mayroon kang impeksiyon na nauugnay sa mga bato sa kidney, maaari kang magkaroon ng lagnat at panginginig.

Huwag mong kakalimutan na kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na ito, mahalagang kumunsulta sa isang doktor para sa tamang pagsusuri at paggamot. Bukod pa rito, kung mayroon kang kasaysayan ng mga bato sa kidney — o nasa panganib  ka na magkaroon ng mga ito, dapat kang gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagbuo ng mga bato. Maaaring gawin ang pangangalaga ng kalusugan ng kidney sa pamamagitan ng pagpapatiling hydrated, at pag-iwas sa mga pagkaing mataas sa oxalate. Mahalaga rin na magkaroon ng regular na check-up sa doktor upang masubaybayan ang kalusugan ng iyong kidney.

5 Prevention tips para maiwasan ang bato

Narito ang ilang tips ni Dr. Liza Ramoso-Ong kung paano maiwasan ang kidney stones:

  1. Manatiling hydrated
  2. Ang pag-inom ng maraming fluid, lalo na ang tubig ay maaaring makatulong na maiwasan ang pagbuo ng mga bato sa kidney. Maganda kung makakainom ka ng hindi bababa sa 8-10 baso ng tubig bawat araw.

    1. Limitahan ang paggamit ng asin at animal protein intake

    Huwag kakalimutan na ang pagkonsumo ng sobrang asin at protina ng hayop ay maaaring magpataas ng panganib ng pagbuo ng bato sa kidney. Kaya’t dapat limitahan ang pagkain ng maaalat na pagkain at animal protein. 

    1. Bawasan ang pag-intake ng mga pagkaing mataas sa oxalates

    Ang mga oxalates ay mga compound na matatagpuan sa ilang partikular na pagkain na maaaring mag-ambag sa pagbuo ng bato sa kidney. Kung saan ang mga pagkaing mataas sa oxalates ay kinabibilangan ng spinach, rhubarb, beets, nuts, at tsokolate. Gayunpaman, hindi mo naman kailangang ganap na alisin ang mga pagkaing ito mula sa iyong diet, pero magandang ideya na kainin ang mga ito sa katamtaman.

    1. Kumuha ng sapat na calcium

    Tandaan na ang pagkuha ng sapat na calcium ay makakatulong na maiwasan ang mga bato sa kidney. Dahil ang calcium ay naba-bind sa oxalates sa digestive tract, na pini-prevent ang mga ito na masipsip sa bloodstream at potensyal na mabuo bilang bato sa kidney.

    1. Panatilihin ang isang malusog na timbang

    Ang pagiging sobra sa timbang o napakataba ay maaaring magpataas ng panganib ng mga bato sa kidney. Kaya naman ang pagpapanatili ng malusog na timbang sa pamamagitan ng balance diyeta at regular na ehersisyo ay maaaring makatulong na mabawasan ang panganib na ito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.



    Narebyung medikal ni

    Hello Doctor Medical Panel

    General Practitioner


    Isinulat ni Lornalyn Austria · a

    ad iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    ad iconadvertisement
    ad iconadvertisement