backup og meta

Ano ang Kidney Punch Test, At Saan Ito Ginagamit?

Ano ang Kidney Punch Test, At Saan Ito Ginagamit?

Ang Kidney Punch Test ay kilala rin sa tawag na Murphy’s kidney punch o Costovertebral Angle Tenderness Exam (CVA Tenderness Exam) ay isang clinical test na ginagawa upang masuri ang mga bato maging ang nakapaligid dito. 

Ito ay kadalasan na ginagawa tuwing physical examination, lalo na sa mga pasyente na nakararanas ng sintomas ng sakit sa tagiliran, singit at tiyan, pagsusuka, hapdi sa tuwing umiihi, lagnat, at chills. Kung ang pasyente ay nakararanas ng higit sa isa sa mga sintomas na ito, ang health professional ay magsasagawa ng kidney punch test.

Ang positibong resulta mula sa kidney punch test ay maaaring indikasyon ng posibilidad ng sakit sa bato. Sasailalim ang pasyente sa maraming mga test upang makumpirma kung sila ay may sakit at kung ano ang sanhi ng sakit na ito.

Kabilang sa kidney punch test ang pagsuntok sa costovertebral angle. Ang costovertebral angle ay ang acute angle na makikita sa ilalim ng rib cage at ng spine. Upang mahanap ang costovertebral angle, magbilang ng ika-12th ng rib sa rib cage ng pasyente at hanapin ang gitna kung nasaan nagtatagpo ang spine at rib.

Kung nasapol ang anggulo na ito ng pwersa, ang pasyente na may sakit sa bato tulad ng pyelonephritis at makakaramdam ng sakit. Ang sakit na ito ay dahil sa inflammation ng bato. Dahil ang bato ay direkta na malapit sa harap ng costovertebral na anggulo, ang disturbance sa namamagang tissue ay nagreresulta sa sakit.

ano ang kidney punch test

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kidney Punch Test

  1. Ang examiner ay tutulungan ang pasyente na maupo at sisiguraduhin na nakaupo siya ng komportable 
  2. Kailangan na pumosisyon ang examiner sa likod ng pasyente
  3. Ang layunin ay hanapin ang costovertebral angle sa pamamagitan ng paghahanap ng ika-12 na rib. Sa ilalim ng ika-12 rib ay may acute angle sa pagitan ng spine. Ang anggulo na ito ang costovertebral angle.
  4. Matapos ito, maglalapat ang examiner ng kanyang kamay sa bahaging ito.
  5. Ang dominanteng kamay ng examiner ay ang gagamitin niya bilang kamao.
  6. Gamit ang dominanteng kamay, marahan ngunit matigas na susuntukin o pupwersahin ang likod ng kanilang hindi dominanteng kamay.
  7. Matapos ito, tatanungin ng examiner kung ang pasyente ay nakaramdam ng sakit o discomfort.

Tandaan: Ang malakas na suntok ay magreresulta ng sakit kahit sa mga normal na pasyente. Kailangan na marahan ang examiner sa paglalagay ng pwersa sa costovertebral angle.

Kung nag-ulat ang pasyente ng sakit sa kidney punch test, siya ay positibo para sa test at maaaring may indikasyon na may inflammation sa mga bato o sa paligid ng mga bato.

Ang mga sakit na maaaring makuha sa “positibong” kidney punch ay:

  • Kidney infection (pyelonephritis) – Infection na sanhi ng bacteria na dumarami sa pangkalahatan na nagsisimula sa bladder at pumupunta sa isa o parehong mga bato.
  • Kidney Stones – Ang mga bato ang nagfi-filter ng dumi mula sa iyong dugo na nailalabas sa ihi. Kung ang katawan ay walang sapat na fluid, ang dumi sa kidney ay nagdidikit-dikit at nagpoporma na kidney stones.
  • Urinary Tract Infection – Infection na sanhi ng inflammations sa kahit na anong parte ng urinary tract kabilang ang bladder, kidney, ureters at urethra.
  • Ureteral Obstruction – Sanhi ng bara sa ureters. Ang ureters ay mga tubes na nagpapadala ng ihi mula sa bato papuntang bladder. Ang bara ay maaaring Tumors, pamamaga, ureteral stones o abnormalities na sanhi ng pagbara.

ano ang kidney punch test

Ibang mga Sakit na Maaaring Kaugnay ng CVA Tenderness

  • Pelvic Inflammatory Disease – infection sa kahit na anong parte ng female reproductive organs kabilang ang uterus, ovaries, at fallopian tubes.
  • Abdominal Abscess – Koleksyon ng pus o infected fluid sa tiyan (abdominal cavity). Ang infection na ito ay nangyayari malapit sa mga bato at ibang mga organs tulad ng atay at pancreas.

Ang kidney punch test ay hindi kabuuang makukumpirma ang diagnosis. Hindi lamang ito indikasyon na mayroong inflammation sa urinary tract at mga bahagi sa paligid nito. Kinakailangan ng karagdagang test ng stool, blood, at urine exam. 

Ang mga sintomas ng pasyente, physical exam, at diagnostic test ay kailangan na magkakaugnay lahat.

Key Takeaways

Ang kidney punch test ay clinical test na tumitingin kung ang isang tao ay mayroong sakit sa urinary tract, lalo na sa bato. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsuntok ng costovertebral angle. Kung ang kidney punch test ay masakit, maaaring ito ay senyales ng sakit sa urinary tract. Kinakailangan na sumailalim sa mga test upang makumpirma kung mayroon bang sakit.

Matuto pa tungkol sa Sakit sa Bato dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Costovertebral angle tenderness, https://dbpedia.org/page/Costovertebral_angle_tenderness, March 24, 2021

COSTO-VERTEBRAL ANGLE TENDERNESS, http://www.meddean.luc.edu/lumen/meded/medicine/pulmonar/pd/pstep87.htm, March 24, 2021

Kidney Stone Causes, Symptoms, Treatments, & Prevention, https://www.kidneyfund.org/kidney-disease/kidney-problems/kidney-stones/, March 24, 2021

Abscess – abdomen or pelvis, https://medlineplus.gov/ency/article/000212.htm#:~:text=An%20abdominal%20abscess%20is%20a,be%20one%20or%20more%20abscesses., March 24, 2021

Ureteral obstruction, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ureteral-obstruction/symptoms-causes/syc-20354676, March 24, 2021

Kidney infection, https://www.niddk.nih.gov/health-information/urologic-diseases/kidney-infection-pyelonephritis/symptoms-causes, Accessed September 20, 2021

Kidney infection, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/kidney-infection/symptoms-causes/syc-20353387, Accessed September 20, 2021

Kasalukuyang Version

11/07/2024

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Kidney Health: Pagkain para sa Kidney

5 Sintomas Na May Bato Ka Na Sa Iyong Kidney, Ayon Kay Dr. Ong!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement