Ang cystitis ay isang karaniwang impeksyon; ito rin ay isa sa mga pinakamasakit. Sa artikulong ito, alamin kung paano makakaiwas sa cystitis sa natural na paraan.
Senyales At Sintomas Ng Cystitis
Ang cystitis ay isang uri ng urinary tract infection (UTI). Ito ay pamamaga ng bladder wall dahil sa impeksyon ng bakterya. Ang magandang balita ay karamihan sa mga kaso ng cystitis ay mga hindi gaano malubha. Gayunpaman, kung hindi ito ipagagamot, maaari itong magresulta sa mga mas malulubhang komplikasyon, tulad ng impeksyon sa bato.
Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga pinakakaraniwang senyales ng cystitis:
- Nakararamdam ng pananakit habang umiihi
- Madilim na kulay ng ihi
- Madalas na pag-ihi
- Pagsakit ng pantog
- Mga sintomas ng impeksyon, tulad ng sinat at pagkakaroon ng masamang pakiramdam
Paano Makakaiwas Sa Cystitis?
Paano makakaiwas sa cystitis sa natural na paraan? Narito ang mga sumusunod na pag-iingat na maaaring isaalang-alang.
1. Magsagawa ng mga wastong hygiene practices.
Kung ikaw ay may mataas na tyansa na magkaroon ng cystitis, isaalang-alang ang paliligo sa pamamagitan ng shower imbes na sa bathtub. Ito ay dahil ang paliligo sa bathtub ay maaaring makapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng impeksyon. Ito ay lalo na kung gumagamit ng mga produktong panligo (bubble bath at sabon) na may mga matatapang o mapapangib na kemikal.
Dagdag pa, matapos gumamit ng banyo, siguraduhing magpunas mula sa harap papunta sa likod upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon mula sa anus papunta sa vulva.
2. Maging maingat sa paggamit ng mga produktong feminine care.
Binigyang-diin ng mga eksperto na hindi kinakailangan ang paggamit ng mga produktong feminine care. Sapat na ang paghuhugas gamit ang sabon at tubig. Gayunpaman, kung hindi sanay nang hindi gumagamit ng mga produkto, siguraduhing hindi ito naglalaman ng mga mapapanganib na kemikal.
3. Manatiling mainit-init.
Iminumungkahi ng ilang pag-aaral ang pagpapanatili ng puson at mga paa na mainit-init upang maiwasan ang impeksyon sa pantog.
4. Palakasin ang resistensya.
Dahil ang sanhi ng cystitis ay impeksyon, naniniwala ang mga eksperto na ang pagpapalakas ng resistensya ay mainam na paraan upang maiwasan ang sakit na ito.
5. Gumamit ng maluluwag na pantalon at cotton na underwear.
Maaaring mairita ng masikip na pantalon ang pribadong bahagi ng katawan. Ito ay maaaring mas makapagpataas sa tyansa ng iritasyon at impeksyon. Sa kabilang banda, ang mga hindi cotton na underwear ay hindi epektibong sumisipsip ng kasalumigmigan, na dahilan upang maging mamasa-masa ang bahagi ng underwear. Ang mga bakteryang sanhi ng impeksyon ay kadalasang nananatili sa mga mainit-init, mamasa-masang lugar.
6. Siguraduhing nailabas ang lahat ng laman ng pantog.
Kung mas matagal na nanatili ang ihi sa pantog, mas mataas ang tyansa ng impeksyon. Kaya naman, umihi nang mabuti upang mailabas ang lahat ng laman ng pantog.
7. Umihi kung lubhang kinakailangan.
Ilang minuto lamang ang kakailanganin upang umihi at mailabas ang lahat ng laman ng pantog, kaya gawing nakasanayan ang pag-ihi kung lubhang kinakailangan.
8. Subaybayan ang iyong diet.
Ang pagsubaybay sa iyong diet ay isa sa mga natural na paraan kung paano makaiiwas sa cystitis. Isaalang-alang ang pagdaragdag ng mga sumusunod sa iyong nakasanayang diet:
Tubig
Ang pagdaragdag ng maraming tubig sa iyong diet ay makatutulong upang natural na maiwasan ang cystitis. Maaari itong makatulong sa tatlong mga paraan:
- Ang pag-inom ng maraming tubig ay nangangahulugang pag-ihi nang madalas. Mahalaga ito dahil ang pagkakaroon ng tirang ihi sa pantog ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng impeksyong sanhi ng bakterya.
- Napalalabnaw ng tubig ang ihi, dahilan upang mabasawan ang acidity nito. Ang ihi na masyadong acidic ay maaaring makairita sa pantog, dahilan upang mas tumaas ang tyansa ng impeksyon.
- Ang pagiging hydrated ay nakatutulong sa pagpapabuti ng kabuoang kondisyon ng katawan
Iminumungkahi ng maraming eksperto na kung hindi magagawa ang ilang mga paraan upang maiwasan ang cystitis, ang pag-inom lamang ng mas maraming tubig sa buong araw ay lubhang malaking tulong.