backup og meta

Alamin: Ano Ang Dahilan Ng Masyadong Mapanghi Na Ihi? Dapat Bang Mag-alala?

Alamin: Ano Ang Dahilan Ng Masyadong Mapanghi Na Ihi? Dapat Bang Mag-alala?

Mapanghi na ihi ay hindi dapat ikabahala sa pangkalahatan. Kung tutuusin, ang ihi ay wala namang isang matamis na amoy kung kaya di dapat pagtakhan kung masangsang ito. Kadalasan ay may kakaibang amoy ang ihi. Isa itong liquid waste kung kaya maaari itong magkaroon ng lahat ng uri ng amoy batay sa:

  • Iyong kinakain
  • Mga gamot 
  • Kung ano ang iyong iniinom
  • Kung ano ang iyong ginagawa. 

Ang ihi ay kadalasang klaro o kulay maputlang dilaw na may banayad na amoy. Bagama’t ang mabahong amoy ay maaaring nakakaalarma sa iyong mga ilong, hindi agad ito dapat ipag-aalala

Tubig ang pangunahing bumubuo sa ihi. Ang mapanghi na ihi ay sanhi ng iba’t ibang mga produktong dumi na inilalabas ng iyong kidney.  Ang ihi na naglalaman ng maraming tubig at kakaunting mga dumi ay may kaunti hanggang walang amoy. Kung ang ihi ay highly concentrated, ibig sabihin may mataas na antas ng mga produktong dumi at may konting tubig, maaaring magkaroon ito ng malakas na amoy ng ammonia.

Ang mga bagay na kadalasang nakakapagpalakas ng amoy ng iyong ihi ay kinabibilangan ng sumusunod:

Diet sanhi ng mapanghi na ihi

Maaaring may mapanghi na ihi pagkatapos kumain ng asparagus o uminom ng kape. Ang bawang at sibuyas ay may mga kemikal na naglalaman ng asupre. Habang nabubulok ang mga ito, maaari nilang madungisan ang iyong ihi. Ang mga Brussels sprouts, isda tulad ng salmon, at ilang partikular na pampalasa ay maaaring magpabago rin ng amoy ng iyong ihi.

Kung pinaghihinalaan mo na ang mga pagkaing ito ang dahilan sa amoy ng iyong ihi, subukang alisin ang mga ito sa iyong diyeta sa loob ng ilang araw. Obserbahan kung ang amoy ng ihi ay nawala. Hindi mo kailangang iwasan ang mga pagkaing ito magpakailanman. Alamin lamang na maaari silang magdagdag ng isang tiyak na amoy sa iyong ihi kung pipiliin mong kainin ang mga ito.

Dehydration sanhi ng mapanghi na ihi

Kapag mataas ang konsentrasyon ng ihi, naglalaman ito ng mas maraming ammonia at mas kaunting tubig. Ito ay maaaring maging dahilan ng mapanghi na ihi. May posibilidad na maging mas puro ang iyong ihi kapag ikaw ay dehydrated. Ito ay madalas na nangyayari sa unang bagay sa umaga o kapag ang isang tao ay hindi umiinom ng sapat na tubig sa buong araw.

Kung ikaw ay dehydrated, maaaring mas kokonti ang ratio ng tubig sa mga kemikal sa ihi. Nagbibigay ang mga kemikal na ito ng mas malakas na pagkakataong makagawa ng amoy sa ihi. Ang tubig ay natural na nagpapalabnaw sa amoy ng iyong ihi..

Ang dehydration ay maaaring magresulta sa mapanghi na ihi. Ito ay nangyayari kapag gumagamit ka o nawalan ng mas maraming likido kaysa sa iniinom mo. Kapag ang iyong katawan ay walang sapat na tubig at iba pang mga likido upang maisagawa ang mga normal na paggana nito, maaari kang maging dehydrated. Kahit sino ay maaaring ma-dehydrate, ngunit ang kondisyon ay lalong mapanganib para sa maliliit na bata at matatanda. Ang pinakakaraniwang sanhi ng dehydration sa mga bata ay matinding pagtatae at pagsusuka. Natural na may mas mababang dami ng tubig sa katawan ng mga matatanda. 

Gamot at vitamins sanhi ng mapanghi na ihi

Maaaring baguhin ng ilang partikular na gamot, bitamina, at supplement ang amoy ng ihi. Ang ilang mga gamot na ginagamit upang gamutin ang rheumatoid arthritis, mga impeksyon, at diyabetis ay kilala na nakakaapekto rin sa amoy ng ihi..

Maaaring makaapekto ang mga Vitamin B, tulad ng thiamine at choline, sa balanse ng mga kemikal sa iyong ihi. Maaaring baguhin ng mga sobrang kemikal at bitamina na ito ang amoy ng iyong ihi.

Inaalis ng iyong katawan ang mga sustansya na hindi mo kailangan sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang sobrang Vitamin B6 ay maaaring magbigay dito ng isang malakas na amoy. Ang sobrang Vitamin B1 ay maaaring magresulta sa amoy isda na ihi.

Kapag pumunta ka sa banyo at napansin mo ang masyadong mapanghi na ihi, tratuhin ito na karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa iyong kalusugan. Ang amoy ng iyong ihi ay nagbibigay ng karagdagang pananaw sa kung ano ang nangyayari sa loob ng iyong katawan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/urinary-incontinence-oab/truth-about-urine#:~:text=When%20you’re%20dehydrated%20and,bladder%20infection%2C%20or%20metabolic%20diseases.https://www.mayoclinic.org/symptoms/urine-odor/basics/causes/sym-20050704https://www.medicalnewstoday.com/articles/smelly-urinehttps://health.clevelandclinic.org/why-does-my-urine-smell/https://www.nhs.uk/conditions/smelly-urine/

Kasalukuyang Version

08/01/2024

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Cystitis: Lahat ng Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Dugo Sa Ihi: Ano Ang Ipinapahiwatig Nito? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement