Ano ang urinalysis? Ang urinalysis ay ginagamit upang masuri ang iyong ihi. Nakakatulong itong suriin ang mga senyales ng impeksyon sa katawan, ilang partikular na sakit, o iba pang isyu sa pamamagitan ng ihi ng isang tao. At tuklasin ang mga abnormalidad na tumutulong sa pagsusuri.
Sinusuri ng urine test ang iba’t ibang aspeto ng ihi tulad ng:
- Ang pagkakaroon ng mga cast (tube-shaped na mga protina), mga cell, o mga kristal
- Acidity (pH level)
- Ang pagkakaroon ng bakterya o iba pang mga mikroorganismo
- Kulay
- Ang amoy
- Hitsura
- Naglalaman man ito ng dugo, protina, ketones, bilirubin, o glucose
Ang hitsura ng ihi ay nakakatulong na matukoy kung ang isang tao ay may ilang mga kondisyon sa kalusugan. Ano ang paraan ng urinalysis?
Ano ang Paraan ng Urinalysis?
Gagamit ang doktor ng isa o higit pa sa mga sumusunod na paraan para i-examine ang ihi.
Visual exam
Susuriin ng doktor ang sample ng ihi batay sa hitsura nito. Nakakatulong ito upang makita ang mga posibleng abnormalidad. Kabilang dito ang:
- Hitsura, malinaw man o cloudy
- Kulay ng ihi ( matingkad, light, red, o colorless)
- Anumang abnormal na amoy
Dipstick test
Para sa test na ito kung ano ang urinalysis, magpapasok ang doktor ng chemically treated plastic stick sa sample ng ihi. Nagbabago ang kulay ng stick batay sa pagkakaroon ng partikular na substance. Nakakatulong ito sa isang doktor na maghanap ng:
- Konsentrasyon o tiyak na gravity
- Protina
- Sugars
- Mga pagbabago sa antas ng pH o acidity
- Dugo
- Bilirubin, isang produkto ng red blood cell death
Microscopic exam
Ang test na ito ay nangangailangan ng pagsusuri sa mga patak ng ihi sa ilalim ng mikroskopyo. Pagkatapos, hahanapin ng doktor ang pagkakaroon ng:
- Casts
- Crystals
- White blood cells
- Red blood cells
- Bacteria
- Yeast
Batay sa lahat ng factors na ito, ang doktor ay maaaring gumawa ng ilang mga konklusyon at maaaring makakita ng mga posibleng abnormalidad. Dahil dito, ang doktor ay magkakaroon ng guide para sa mga karagdagang pagsusuri o paggamot.
Bakit ginagawa ang urinalysis? Ano ang urinalysis?
Ginagawa ang urinalysis:
- Bilang bahagi ng regular na pisikal o medikal na pagsusulit
- Bago ang operasyon
- Bilang isang preventive screening sa panahon ng pagbubuntis – antenatal checkup
Maaari ring i-suggest ang urinalysis upang matukoy ang ilang partikular na health conditions tulad ng:
Ang isang doktor ay maaaring gumamit ng urinalysis upang suriin ang pag-usad ng paggamot o kondisyon mismo kung ang isang tao ay nasuri na may mga kondisyong nabanggit sa itaas.
Gayundin, maaaring mag-utos ang isang doktor na sumailalim sa urinalysis kung siya ay nakakaranas ng ilang mga sintomas tulad ng:
- Masakit na pag-ihi
- Abdominal pain
- Dugo sa ihi
- Sakit sa likod
- Mga palatandaan ng impeksyon sa ihi tulad ng lagnat, panginginig, at iba pang reklamo sa ihi
Mga kinakailangan bago ang isang urinalysis
Ano ang kailangan sa urinalysis? Bago ang urine test, uminom ng maraming tubig upang makakuha ng sapat na sample ng ihi. Gayunpaman, iwasan ang pag-inom ng labis na dami ng tubig dahil maaari itong magdulot ng hindi tumpak na mga resulta.
Hindi kailangang mag-fasting o baguhin ang diet para sa test. Bago ang urinalysis, tiyaking umiinom ng isa o dalawang baso ng likido, mas mabuti na tubig. Sundin ang payo ng iyong doktor para sa anumang partikular na kinakailangan.
Gayundin, dapat sabihin ng pasyente sa kanyang doktor ang mga iniinom na mga gamot o kung gumagamit ng supplements, bago ang pagsusuri. Maaaring mag-suggest ang doktor na umiwas sa ilang mga gamot para maiwasan ang mga hindi tumpak na resulta. Ang mga gamot na maaaring makaapekto sa mga resulta ay:
- Metronidazole
- Riboflavin
- Anthraquinone laxatives
- Vitamin C supplements
- Nitrofurantoin
- Methocarbamol
Pag-unawa sa mga Resulta
Ang pag-unawa sa proseso at pamamaraan ay makakatulong sa isang tao na mas maunawaan ang mga resulta. At kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Narito ang ilang karaniwang ugnayan sa pagitan ng mga resulta ng iba’t ibang paraan ng urinalysis at ang posibleng indikasyon.
Mga Resulta ng Visual Examination
Ang dilaw, straw color, o halos walang kulay ay itinuturing na normal. Ang abnormal na kulay ay maaaring magpahiwatig ng posibleng kondisyon ng sakit, isang bagay na ti-nake o kinain ng isang tao. Halimbawa:
- Ang matingkad na dilaw ay maaaring magpahiwatig ng dehydration.
- Greenish-brown o brown ay maaaring senyales ng hepatitis o iba pang mga problema sa atay.
- Ang green color ay makikita sa mga tao dahil sa epekto ng ilang mga gamot tulad ng mga sedatives na iniinom sa mahabang panahon.
- Pula o pink na kulay ay maaaring senyales ng pagdurugo o resulta lamang ng pagkain ng beetroots.
- Ang bright yellow color ay kadalasang dahil sa multivitamin supplements.
Ang urine clarity ay tumutukoy sa kung gaano kalinis ang ihi. Karaniwan, ang ihi ay inaasahang medyo malinaw o bahagyang cloudy.
Ang pagiging sobrang cloudy ng ihi ay kadalasang sanhi ng labis na substance o abnormalidad sa katawan, na maaaring magpahiwatig ng mga sumusunod:
- Uric acid crystals-posibleng senyales ng gout
- White blood cells –posibleng senyales ng impeksyon
- Prostate fluid
- Labis na protina (proteinuria)
- Fungus – kabilang ang yeast (Candida)
- Nana – tanda ng impeksyon
- Bakterya – kabilang ang bacteria na nakukuha sa pakikipagtalik
- Semen – tanda ng retrograde ejaculation
- Red blood cells – posibleng senyales ng pagdurugo
- Calcium crystals – posibleng palatandaan ng mga bato sa bato
Mga Resulta ng Chemical Examination
Ang chemical exam ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga reagent strip na impregnated ng reactive chemicals at inilubog sa ihi. Ang anumang abnormalidad sa ihi ay nagdudulot ng pagbabago ng kulay sa loob ng ilang segundo.
Madalas ginagamit ng doktor ang pagsusulit na ito upang suriin ang mga sumusunod:
- Nitrite – nagpapahiwatig ng bacterial infection
- Leukocytes – tanda ng impeksyon
- Urobilinogen – nakikitang may hepatitis at sakit sa atay
- Specific gravity – na sumusukat sa konsentrasyon ng ihi
- Glucose – ang elevation ay maaaring magmungkahi ng diabetes
- Protina – ang pagtaas ay maaaring magmungkahi ng kapansanan sa bato
- Erythrocytes – posibleng senyales ng pagdurugo
- pH – na sumusukat kung gaano ka acidic ang ihi
- Bilirubin – isang madilaw na pigment na nauugnay sa mga problema sa atay
- Ketones – ang elevation ay maaaring magmungkahi ng diabetes
Mga Resulta ng Microscopic Examination
Sa pagsusulit na ito, titingnan ng doktor ang mga patak ng ihi sa ilalim ng mikroskopyo upang hanapin ang pagkakaroon ng:
- Mga kristal na maaaring magpahiwatig ng mga bato sa bato
- Mga nakakahawang bacteria o yeast
- Ang mga abnormalidad sa puti o pulang selula ng dugo ay maaaring senyales ng sakit sa dugo, sakit sa bato, impeksyon, o kanser sa pantog
Kailan ito dapat ulitin?
Maaaring ulitin kung ano ang urinalysis para kumpirmahin ang mga resulta ng test o tandaan para sa anumang mga pagbabago pagkatapos ng isang tiyak na panahon.
Maaaring ipayo ng doktor mo na ulitin ang urinalysis na ito upang suriin ang pagbuti ng kondisyon pagkatapos ng paggamot. Kung ikaw ay nasa mas malaking panganib ng mga impeksyon sa ihi o mga problema sa bato o may diabetes, maaaring payuhan ka ng iyong doktor na ulitin ang pagsusuri bawat ilang buwan.
Ang pagsusulit na ito ay paulit-ulit din sa mga regular na agwat. Upang ma-monitor ang mga kasalukuyang problemang medikal o masuri ang panganib ng mga komplikasyon.
Dahil bahagi rin ito ng karaniwang taunang preventive health checkup, ang pagsusuri sa ihi ay maaaring ulitin bawat taon.
Ang doktor ay maaaring magmungkahi ng paulit-ulit na urinalysis bilang bahagi ng isang regular na pagsusuri sa kalusugan o regular. Para sa anumang partikular na dahilan tulad ng pag-monitor sa mga underlying health conditions o mga impeksyon, mga pagsusuri sa pagbubuntis, atbp.
Pamamaraan
Ang urinalysis ay ang pagkolekta ng isang pasyente ng kanyang ihi sa isang specimen cup, sa bahay man o sa klinika ng doktor. Ano ang pamamaraan ng urinalysis? Karamihan sa mga doktor ay nagmumungkahi na kolektahin muna ang sample ng ihi sa umaga. Ito ay dahil ang ihi ay sinasabing mas puro na nagbibigay ng mas madaling basahin na mga resulta.
Kadalasan, inirerekumenda ng isang doktor na ang isang pasyente ay mangolekta ng ‘clean catch’ sample- ang ihi na kinokolekta nang hindi hinahawakan ang balat ng ari ng lalaki o mga tisyu ng ari.
Sundin ang mga hakbang na ito upang makakuha ng malinis na sample ng ihi:
- Gamit ang tissue, linisin ang urinary opening. Dapat punasan ng mga lalaki ang dulo ng ari. Dapat linisin ng mga babae ang kanilang labia mula sa harap hanggang likod.
- Magsimulang umihi sa toilet. Huwag kolektahin ang paunang daloy ng ihi.
- Ipunin ang ihi sa sample na lalagyan sa gitna ng agos.
- Tiyakin na ang lalagyan ay may hindi bababa sa 30 hanggang 60 ML ng ihi.
- Isara ang lalagyan, linisin ang lalagyan at takip ng tissue.
Dapat mong sundin ang mga tagubilin at mungkahi ng iyong doktor bago sumailalim sa pagsusuri sa ihi at alamin kung ano ang urinalysis.














