backup og meta

Zoonosis: Ano Ito at Papaano Nakukuha Ang Sakit Na Ito sa Hayop?

Ang sakit na nakukuha sa hayop o zoonosis ay tinukoy ng World Health Organization bilang anumang impeksyon na naililipat mula sa mga vertebrate na hayop patungo sa tao. Normal na ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa hayop sa pang-araw-araw na buhay. Maraming benepisyo ang ibinibigay ng mga hayop sa tao tulad ng sumusunod:

Milyun-milyong sambahayan sa United States ang may isa o higit pang alagang hayop. Maaaring makipag-ugnayan sa mga hayop sa lungsod o kanayunan, sa panahon ng paglalakbay, habang bumibisita sa mga exhibit ng hayop, o habang nag-eenjoy sa mga aktibidad sa labas.

Sanhi ng sakit na nakukuha sa hayop

Gayunpaman, kung minsan ang mga hayop ay maaaring magdala ng mga mapaminsalang mikrobyo na maaaring kumalat sa mga tao at magdulot ng sakit. Ito na nga ang tinatawag na mga zoonotic na sakit. Ang zoonotic diseases ay sanhi ng mga mapaminsalang mikrobyo tulad ng:

  • Virus
  • Bacteria
  • Parasite
  • Fungi 

Ang mga mikrobyo na ito ay maaaring magdulot ng maraming iba’t ibang uri ng sakit sa mga tao at hayop. Maaring mula sa banayad hanggang sa malubhang sakit, o sa kamatayan. Ang mga hayop ay maaaring magmukhang malusog kung minsan kahit na sila ay nagdadala ng mga mikrobyo na maaaring magdulot ng sakit sa mga tao.

Dahil sa malapit na koneksyon sa pagitan ng mga tao at hayop, mahalagang malaman ang mga karaniwang paraan na maaaring mahawaan ng mikrobyo ng hayop ang mga tao, na siya ring maaaring magdulot ng mga sakit na zoonotic.

Zoonotic disease: Pano ito nakukuha sa hayop

Ang zoonotic disease ay anumang sakit ng mga hayop na maaaring maipasa sa mga tao. Maaaring kumalat ito sa mga tao sa pamamagitan ng direktang kontak (tulad ng laway, dugo, ihi, dumi, at ano pang sabaw ng katawan ng tao), indirektang kontak tulad ng paglapat sa mga lugar na na-contaminate ng mikrobyo, maaaring galing sa kagat ng lamok o garapata, sa pamamagitan ng pagkain, o pwede rin galing sa tubig na nakontamina ng dumi ng hayop na may impeksyon.

Zoonotic disease: Ilan sa mga sakit na nakukuha sa hayop

Anthrax

Ang anthrax ay sanhi ng isang spore-forming bacteria na kadalasang taglay ng mga ligaw at domestic na hayop na kumakain ng tanging dahon lamang. Bihirang makakita ng mga infected na hayop sa United States. Ang mga tao ay maaaring mahawaan ng anthrax sa pamamagitan ng:

  1. Paghawak ng mga produkto mula sa mga infected na hayop 
  2. Sa pamamagitan ng paghinga ng anthrax spores mula sa mga infected na produkto ng hayop tulad ng lana, balat, balat, o buhok.

Ang mga bihirang kaso ng inhalational, cutaneous, at gastrointestinal anthrax ay konektado sa kontaminadong imported na mga dram na may balat ng hayop. Maaaring mangyari ang gastrointestinal anthrax pagkatapos kumain ng di-gaanong luto na karne mula sa nahawaang hayop.

Mga komplikasyon dulot ng anthrax

Hindi lamang ordinaryong sakit na nakukuha sa hayop ang anthrax. Ginamit din itong biological weapon noong 2001 sa Estados Unidos. Nagulantang ang mga tao nang may nagpadala ng mga liham na may anthrax spores  sa pamamagitan ng postal system.

Ang pinakamalubhang komplikasyon ng anthrax ay kinabibilangan ng: 

  • Hindi normal na pagtugon ng katawan sa impeksyon na humahantong sa pagkasira ng maraming organ system o sepsis 
  • Pamamaga ng mga lamad at likido na tumatakip sa utak at spinal cord, na humahantong sa sakit sa utak (hemorrhagic meningitis) at kamatayan

Cat scratch disease

Ang sakit na nakukuha sa hayop partikular na ang cat scratch disease ay sanhi ng Bartonella henselae, isang bacteria na maaaring makuha galing sa laway ng mga infected na pusa at sa mga pulgas galing sa pusa. Kadalasang naipapasa ito sa pamamagitan ng mga gasgas galing pusa, bagama’t maaari rin itong maipasa kapag dinilaan ng pusa ang bukas na sugat ng tao. Maaaring makaranas ang mga apektadong indibidwal ng:

  • Lagnat
  • Sakit ng ulo
  • Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  • Pagkapagod
  • Pagkawala ng gana

Toxoplasmosis

Ang toxoplasmosis ay isang sakit na nakukuha sa hayop partikular na sa dumi ng mga nahawaang pusa. Ang mga sintomas nito ay:

  • Lagnat
  • Sakit sa kalamnan
  • Pagkapagod
  • Sama ng pakiramdam
  • Sakit ng lalamunan
  • Pamamaga ng mga kulani

Proteksyon laban sa sakit na nakukuha sa hayop

Ngayong may kaalaman sa mga sakit na nakukuha sa hayop, dapat ay panatilihing ligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng madalas na paghugas ng kamay lalo na kapag may mga hayop sa paligid o kung mayroon ding alagang hayop sa bahay. Dapat gawin ito kahit hindi mo hinawakan ang hayop. Kapag walang tubig, maaaring gumamit ng alcohol. Iwasan uminom o kumain sa tuwing hahawakan ang alaga o kahit anong hayop. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Infections That Pets Can Spread

https://kidshealth.org/en/parents/pet-infections.html

 

Animal Transmitted Diseases

https://doh.wa.gov/you-and-your-family/illness-and-disease-z/animal-transmitted-diseases

 

Zoonotic Disease: What Can I Catch from My Cat?

https://www.vet.cornell.edu/departments-centers-and-institutes/cornell-feline-health-center/health-information/feline-health-topics/zoonotic-disease-what-can-i-catch-my-cat

 

Zoonoses Associated with Cattle

https://iacuc.wsu.edu/zoonoses-associated-with-cattle/

 

Zoonotic Diseases

https://www.cdc.gov/onehealth/basics/zoonotic-diseases.html

 

Kasalukuyang Version

10/25/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement