backup og meta

Anu-ano Ang Mga Risk Factors Para Sa Pagkakaroon Ng Cancer?

Anu-ano Ang Mga Risk Factors Para Sa Pagkakaroon Ng Cancer?

Sa mundo, kanser ang patuloy na nangungunang sanhi ng kamatayan. Sa katunayan noong 2018, mayroong 9.6 milyong ang namatay. Ayon sa World Health Organization (WHO), 141, 021 na kaso ng cancer ang na-diagnose noong 2018. Habang sa Asya naman, mahigit 9.5 milyong kaso ng cancer ang naitala noong 2020. Isa pa rin ito pinakamalaking alalahanin sa kalusugan hanggang sa kasalukuyan kaya mahalagang maunawaan ang iba’t ibang risk factors nito.

Ano ang Cancer?

Ang kanser ay tumutukoy sa mga sakit kung saan hindi makontrol ang paglaki at pagkahati ng mga selula ng ating katawan. Kapag nasobrahang magbigay ang selula, maaari itong bumuo ng mass na tinatawag na tumor – maaaring benign (non-cancerous) o malignant (cancerous). 

Mayroong higit sa 100 uri ng cancer na nakaaapekto sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Maaari din kumalat sa iba pang organ ang mga cancerous cell. Samantala, may iba pang uri ng cancer na hindi nagkakaroon ng mga tumor tulad ng leukemia.

Mga Pangunahing Salik na Nag-aambag sa Kanser

Mayroong ilang mga risk factors na nakakaimpluwensya sa pagkakataong ma-diagnose na ikaw ay may cancer. Bagamat hindi ito direktang nagdudulot ng cancer, ang pagkakaroon ng isa o higit nito ay dahilan upang magkaroon ng regular na screening ng cancer. Ito ay upang maagapan ang paglala nito kung mayroon man. 

Edad

Bagamat ang cancer ay maaaring tumama sa anumang edad, habang tumatanda ang isang tao, mas tumataas ang tyansa na magkaroon ng cancer. Mas maraming kaso ng cancer ang patuloy na tumataas dahil sa edad.

Mga Salik sa Pamumuhay

Ang paninigarilyo, diyeta na may mataas na taba, at pagtatrabaho sa mga nakalalason na kemikal ay halimbawa ng mga salik sa pamumuhay. Ito ay maaaring makapagpataas ng tyansang magkaroon ng kanser. 

Obesity

Ang mga tao na sobra sa timbang o obese ay may mataas na tyansa na magkaroon ng kanser. Pangunahing sanhi nito ang pamamaga na dulot ng visceral fat, o ang taba na pumapalibot sa mahahalagang organ. Humahantong ang pamamaga na ito sa mas mataas na insulin sa pancreas. Ang mga sobrang taba sa selula naman ay gumagawa ng mas maraming estrogen. Ang sobrang insulin at estrogen ay maaaring humantong sa paghahati ng mga cell nang higit kaysa karaniwan, na maaaring maging cancerous cells.

Family History

Pinakakaraniwang dahilan ng pagkakaroon ng tyansang magka-cancer ay ang family history. Posibleng magkaroon ng cancer na may iba’t ibang anyo nang higit sa isang beses sa isang pamilya. Hindi pa natutukoy kung genetic mutation ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit o hindi kaya ang pagkakalantad sa mga kemikal na malapit sa tirahan ng isang pamilya, o kombinasyon ng mga salik na ito o nagkataon lamang.

Mahinang Immune System

Immune system ang nagpoprotekta sa ating katawan laban sa impeksyon at sakit. Kapag binago ng isang bagay ang immune system, napapahina nito ang katawan sa pagdepensa laban sakit. Nawawalan ng kakayahan ang katawan na masira ang mga cancerous cell o labanan ang impeksyon lalo na sa mga pasyenteng umiinom ng immunosuppressive na gamot. Kabilang din kung ang kanilang katawan ay immunocompromised (tulad ng mga taong may HIV/AIDS). Mayroon ding mga genetic disorder na maaaring makapagpabago sa immune system tulad ng Wiskott-Aldrich at Beckwith-Wiedemann syndrome.

Exposure sa Ilang mga Virus

Ang pagkakalantad sa ilang mga virus ay nauugnay sa mas mataas na panganib na magkaroon ng mga kanser sa pagkabata gaya ng Hodgkin at non-Hodgkin lymphoma. Kabilang dito ang Epstein-Barr virus at HIV, ang virus na nagdudulot ng AIDS.

risk factors para sa cancer

Mga Exposure sa Kapaligiran

May ilang partikular na exposure sa paligid ang sumisira sa ating DNA at nagreresulta sa pagbabago ng mga selula. Ito ay ang mga environmental carcinogens.

Ang ilan sa mga pinakakaraniwang carcinogen sa kapaligiran ay kinabibilangan ng asbestos, secondhand smoke, wood dust, soot, at higit pa.

Exposure sa Radiation

Taliwas sa popular na paniniwala, ang nakikitang liwanag at enerhiya mula sa mga cellphone ay hindi risk factor ng cancer. Ang high-energy radiation, tulad ng radon, x-ray, gamma ray, alpha particle, beta particle, at neutron, ay maaaring makasira sa DNA. Dagdag pa rito, maaaring maging sanhi ito ng cancer.  Maaaring mangyari ang mga ito sa pamamagitan ng pagkaka-expose sa mga bato at lupa na may mataas na lebel ng radon, o sa mga aksidente sa nuclear powerplant.

Matuto pa tungkol sa cancer dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

11/16/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement