backup og meta

6 Na Dapat Mong Gawin Para Sa Paghahanda Sa Bagyo!

6 Na Dapat Mong Gawin Para Sa Paghahanda Sa Bagyo!

Kilala ang bagyo sa pagiging mapanganib dahil sa kakayahan nitong makasira, at makapagdulot ng malawakang pinsala, at pagkawala ng buhay. Kung saan madalas na inilalarawan ang mga bagyo sa anyo ng malalakas na hangin, ulan, storm surge, at pagbaha, na pwedeng magresulta sa pagguho ng lupa, pagkawala ng kuryente, at pinsala sa imprastraktura at mga gusali. Dagdag pa rito, ang mga bagyo rin ay maaaring makabuo ng malalaking alon, magdulot ng coastal at maging sanhi ng mga buhawi o waterspout, na pwedeng makadagdag sa pinsala at panganib sa lahat.

Samakatuwid, ang kumbinasyon ng malakas na hangin at ulan, storm surge, at mga epekto nito sa kapaligiran, at tao, ang dahilan upang maging malaking banta ang mga bagyo sa mga tao, at ari-arian sa mga apektadong lugar.

Kaya naman, ipinapayo na para maiwasan ang mga pinsala na dulot ng bagyo, mahalaga na maging handa tayo sa oras ng kalamidad, kaya patuloy na basahin ang article na ito upang malaman ang mga paghahanda sa bagyo na dapat mong gawin.

6 Tips Para Maging Ready Ka Sa Kalamidad

Ang paghahanda sa bagyo ay mahalaga para matiyak ang inyong kaligtasan, at mabawasan ang pinsala sa iyong ari-arian. Kaya naman narito ang ilang bagay na maaari mong gawin sa paghahanap sa bagyo

1. Manatiling informed

Makinig sa mga balita at mga update mula sa mga lokal na awtoridad at sundin ang kanilang mga instruction. Maaari ka ring mag-download ng typhoon tracking apps o i-access ang mga weather website upang makatanggap ng mga real-time na update.

2. I-secure ang iyong ari-arian at kagamitan

Tiyaking secure ang iyong mga bintana, pinto, at bubong. Putulin ang anumang mga puno o sanga na maaaring mahulog at magdulot ng pinsala. Kung nakatira ka sa isang lugar na madaling bahain, ilipat ang iyong mga mahahalagang bagay at mahahalagang dokumento sa mas mataas na palapag o lugar.

3. Mag-imbak ng mga suplay

Magkaroon ng sapat na pagkain, tubig, at iba pang mga panustos upang tumagal nang hindi bababa sa tatlong araw. Kabilang dito ang mga pagkain na hindi nabubulok, bottle water, mga flashlight, mga baterya, first aid kit, at battery-operated radio.

4. Lumikas o mag-evacuate kung kinakailangan

Kung pinapayuhan ka ng mga awtoridad na lumikas, gawin ito kaagad. Sundin ang mga itinalagang ruta ng paglikas at dalhin ang iyong emergency kit.

5. Magkaroon ng communication plan

Siguraduhing mayroon kang paraan para makipag-usap sa iyong pamilya at mga kaibigan. Panatilihing naka-charge ang iyong mga mobile phone at magkaroon ng backup kung maaari.

6. Manatili sa loob ng bahay

Kung sa lokasyon o lugar ninyo tumama ang bagyo, manatili lamang sa loob ng bahay at iwasang lumabas. Lumayo sa mga bintana at pintuan, at panatilihin ang iyong emergency kit at mahahalagang dokumento sa iyo. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito, mas makakapaghanda ka para sa isang bagyo at masisiguro ang iyong kaligtasan at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay.

Bakit mahalaga ang paghahanda sa mga kalamidad?

Mahalaga ang pagiging handa sa bagyo, dahil isang malakas at mapangwasak na natural disaster ito na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa ari-arian, imprastraktura, at buhay ng tao. Ang paggawa ng mga hakbang upang makapaghanda sa bagyo ay nakakatulong na mabawasan ang mga potensyal na pinsala, at mga panganib na maaaring idulot ng bagyo. Malaking bagay rin ito para makapagligtas ng mga buhay, at matiyak na mabilis na makakabangon ang isang pamilya o komunidad mula sa pinsalang dulot ng bagyo.

Huwag mong kakalimutan na sa paghahanda sa bagyo, kasama dito ang paggawa ng mga bagay tulad ng paghahanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, at mga medikal na suplay, pag-secure ng mga mahahalagang bagay at outdoor furniture, paglikas sa mga mabababang lugar, at pagsunod sa mga instruction mula sa mga lokal na awtoridad.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Filipinos are advised to prepare for a ‘Super Typhoon’, https://pia.gov.ph/news/2023/05/22/filipinos-are-advised-to-prepare-for-a-super-typhoon#:~:text=Prepare%20an%20emergency%20go%20bag,for%20at%20least%203%20days. Accessed June 20, 2023

Tips for severe weather planning, https://newsnetwork.mayoclinic.org/discussion/tips-for-severe-weather-planning/ Accessed June 20, 2023

Preparing for a Hurricane or Other Tropical Storm, https://www.cdc.gov/disasters/hurricanes/before.html Accessed June 20, 2023

Typhoon and storm, https://preparemanila.org/typhoon/ Accessed June 20, 2023

​Emergency Preparedness, https://sheriff.deschutes.org/divisions/special-services/emergency-management/before-a-disaster-emergency-preparedness/ Accessed June 20, 2023

Kasalukuyang Version

06/29/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement