Isa ang gout sa masakit na karaniwan na uri ng arthritis na pwedeng taglayin ng isang tao. Kapag ang iyong katawan ay nagtataglay ng extra uric acid, at matutulis na kristal na nabuo sa kasukasuan. Madalas nagreresulta ito ng pananakit at pamamaga sa hinlalaki na maaari mong maranasan sa panahon ng pag-atake ng gout.
Tatlong beses ang mga lalaki na mas malamang na magkaroon ng gout kumpara sa mga babae. May posibilidad na magkaroon ng gout ang lalaki pagkatapos ng edad na 40 — o mas maaga pa. Habang ang mga kababaihan naman ay sa panahon na matapos ang kanilang menopause at nawala kanilang “protective effects of estrogen”.
Sa dami ng mga taong nakakaranas ng kondisyong ito, marami ang nagtatanong kung paano gamutin ang gout at kung maiiwasan ba ang sakit na ito?
Para malaman ang sagot sa mga tanong na ito, patuloy na basahin ang article na ito.
Paano gamutin ang gout sa oras na atakihin ka nito?
Ayon sa Mayo Clinic available ang gout medications sa dalawang uri at nakapokus sa dalawang magkaibang problema. Nakakatulong ang unang uri na bawasan ang pamamaga at pananakit na nauugnay sa pag-atake ng gout. Habang ang pangalawang uri naman ay gumagana upang maiwasan ang mga komplikasyon ng gout sa pamamagitan ng pagpapababa ng dami ng uric acid sa’yong dugo.
Tandaan mo rin na ang ilang uri ng gamot na gagamitin mo ay depende sa dalas at kalubhaan ng iyong mga sintomas, kasama ng anumang iba pang mga problema sa kalusugan na taglay mo.
Batay muli sa Mayo Clinic, narito ang mga paraan kung paano gamutin ang gout at maiwasan ang mga hinaharap na pag-atake;
1.Maaari kang gumamit ng gamot para sa iyong treatment, ngunit mas ligtas kung may pahintulot at supervision ito ng doktor;
-
Nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
Maraming NSAIDs ang maaari mong mabili sa over-the-counter options at more-powerful prescription NSAIDs na pwedeng magdala ng mga panganib ng pananakit ng tiyan, pagdurugo at ulsers.
-
Colchicine
Kapag nagpatingin ka sa doktor maaaring magrekomenda sila ng mga anti-inflammatory na gamot na epektibong nakakabawas sa pananakit ng gout. Gayunpaman may mga side effect ito tulad ng pagduduwal, pagsusuka at pagtatae.
-
Corticosteroids
Maaaring kontrolin ng mga gamot na corticosteroid ang pamamaga at pananakit ng gout. Ang mga corticosteroid ay maaaring nasa pill form, o pwede silang iturok sa’yong kasukasuan. Maaaring kabilang sa mga side effect ng corticosteroids ang mga sumusunod:
-
- pagbabago sa mood
- pagtaas ng blood sugar
- pagtaas ng presyon ng dugo
2. Pwede kang gumamit ng mga medication na pang-iwas sa gout complications
Ayon muli sa Mayo Clinic kung nakakaranas ka ng ilang pag-atake ng gout bawat taon, o kung ang pag-atake ng iyong gout ay hindi naman gaanong madalas ngunit masakit, ang iyong doktor ay pwedeng magrekomenda ng gamot para mabawasan ang iyong risk ng mga komplikasyon na nauugnay sa gout.
Para mabigyan ka ng angkop na gamot, mainam kung ibabahagi mo sa doktor ang medical history at iba pang sakit kung mayroon ka man.
Narito ang mga gamot na maaaring irekomenda sa iyo:
-
Gamot na maaaring mag-block sa uric acid production
Pwedeng magrekomenda ang iyong doktor ng mga gamot na makakatulong sa iyo na limitahan ang dami ng uric acid na ginagawa ng iyong katawan.
-
Gamot na magpapaunlad ng iyong uric acid removal
Maaaring magbigay ang doktor ng mga medications na makakatulong na mapabuti ang kakayahan ng iyong mga bato na alisin ang uric acid sa iyong katawan. Kasama sa mga side effect ng mga gamot na ito ang pantal, pananakit ng tiyan at mga bato sa bato.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Tandaan mo na dapat kang bumisita sa doktor kung nakakaranas ka ng biglaang matinding pananakit sa alinman sa’yong mga kasukasuan, lalo na kung ang iyong kasukasuan ay namamaga din at ang iyong balat ay pula o kupas.
Huwag mong kakalimutan na ang gout ay maraming sintomas na may mga impeksyon na kailangang gamutin kaagad. Kaya dapat na magpakonsulta ka sa doktor, para mabigyan ka rin ng mga angkop na paggamot batay sa iyong pangangailangan. Dapat mo rin na sundin ang magiging payo ng iyong doktor sa mga gamot na kinakailangan mo na inumin, at kung ano ang mga lifestyle na dapat mong isagawa at gawing habit.