Iba’t-iba ang tawag kung ano ang ingrown hair tulad ng razor bumps, barber bumps o shave bumps. Ang ingrown hair ay isang hibla ng buhok na tumutubo pabalik sa iyong balat. Lumalabas ito pagkatapos mong mag-ahit gamit ang tiyani o mag-wax. Maaaring masakit o makati ang mga ito. Karaniwang lumilitaw ang ingrown hairs sa paligid ng iyong mukha, binti, kilikili at pubic area.
Karaniwan ang pagkakaroon ng ingrown hair. Subalit, mas malamang na magkaroon ka nito kung may kulay ang iyong balat o mayroon kang makapal, magaspang o kulot na buhok. Nakakairita ang ingrown hair sa iyong balat. Maaari mong mapansin na mayroong pulang bukol na parang isang maliit na tigyawat o pigsa sa iyong balat na nangangati at nagdadala ng pagkairita.
Ano ang sanhi ng ingrown hair
Ang pag-alis ng buhok sa pamamagitan ng pag-ahit, pag-wax o paggamit ng tiyani ay maaaring magdulot ng ingrown hair. Hindi inaalis ng prosesong ito ang mga hair follicles kung hindi nag-aalis lamang ng mga hibla ng buhok sa itaas na bahagi. Kalaunan ay tumutubo ang mga bagong buhok sa mga follicle sa ilalim ng iyong balat. Kapag tumubo ang bagong buhok, maaari itong mamaluktot pabalik at pumasok pabalik sa iyong balat. Ang mga taong may mataas na antas ng ilang mga sex hormones ay maaaring magkaroon ng mas maraming buhok kaysa karaniwan. Dahil dito, mas malamang na magkaroon ng ingrown hair lalo na pagkatapos mag-ahit.
Diagnosis ng ingrown hair
Madaling makilala ang mga ingrown hair. Gayunpaman, maaaring kumpirmahin ito ng doktor sa panahon ng pisikal na pagsusuri. Mapapansin nila ang iyong itsura at mga sintomas, at maaari silang magtanong ng mga paraan mo sa pag-aalaga ng balat tulad ng sumusunod:
- Palagi ka bang mayroong ingrown bumps o nawawala at bumabalik ito?
- Nag-aahit ka ba, nagwa-wax o gumagamit ng tiyani at gaano kadalas?
- Anong uri ng pang-ahit ang ginagamit mo?
- Paano mo inihahanda ang iyong balat bago ka mag-ahit?
Kadalasan ay mawawala ang ingrown hair kahit hindi ginamot. Ngunit kapag ito ay hindi natanggal maaari kang magkaroon ng:
- Impeksyon
- Pangingitim ng area kung saan may ingrown hair
- Peklat
Pag-iwas sa kung ano ang ingrown hair
Maaari mong maiwasan ang pagtubo ng ingrown hair sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga proseso na nagreresulta dito tulad ng pag-aahit, pag-wax o pag-gamit ng tiyani. Ngunit kung hindi maiiwasan, mas mabuting gumamit ng blade o electric razor. Dapat ay hinuhugasan ng tubig ang blade pagkatapos ng bawat stroke. Maiiwasan ang pangangati at mga hiwa sa balat kapag madalas na pinapalitan ang razor blade. Hugasan ng maligamgam na tubig at banayad na panglinis at shaving cream ang iyong balat. Makabubuti rin ang pag-exfoliate bago ka mag-ahit ng buhok. Sundin ang direksyon ng buhok sa pag-ahit upang maiwasan ang pagkasugat ng mukha.
Paggamot: Ano ang ingrown hair
May mga gamot na maaaring gamitin laban sa pamamaga at impeksyon tulad ng antibiotic ointment, tabletas, prescription medication laban sa acne tulad ng retinoid upang matanggal ang mga patay na balat, steroid pills at creams para mabawasan ang pamamaga.. Subalit maaaring tumagal ng ilang araw bago mo makita ang epekto ng mga gamot. Mas agaran ang resulta ng electrolysis at laser hair removal na gumagamit ng electric zap at init upang matanggal ang mga ugat ng buhok.
Ang isang mahusay na skin care routine ay nakakatulong na maiwasan ang pagbubuo ng mga ingrown hair. May mga home remedies tulad ng maligamgam na tubig na may tea tree oil na makakatulong sa pagpapalabas ng buhok mula sa ilalim ng iyong balat at magbigay ng ginhawa. Makipag-ugnayan sa iyong doktor kung napapansin mo ang anumang mga palatandaan ng impeksyon.