Ang pagkakaroon ng mahusay na memorya ay importante sa bawat isa, dahil nagbibigay-daan ito sa’tin para makapag-recall at makapag-retain ng mga impormasyon. Kinakailangan din ang malakas na memorya para sa pagkatuto, problem-solving, at paggawa ng mga desisyon sa buhay. Bukod pa rito, maaaring mapahusay rin ng pagkakaroon natin ng malakas na memorya ang ating mga kasanayan sa komunikasyon, mga relasyon at pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit ipinapayo ng mga doktor na alagaan ang kalusugan ng ating utak.
Pero alam mo ba na mayroong mga habit na nakakasira ng memorya? Kung gusto mo malaman ang sagot sa tanong na ito, at matukoy ang mga habit na nakakasira ng memorya, patuloy na basahin ang article na ito.
Mga Habit Na Nakakasira Sa Iyong Memorya
Ayon kay Dr. Willie Ong maraming habit ang tao na maaaring makasira sa kanilang memorya, at narito ang mga sumusunod:
1. Nagtatrabaho kapag may sakit
Laging tandaan na kapag may sakit ka ang iyong katawan ay nangangailangan ng pahinga upang gumaling. Kung ipipilit mo ang iyong sarili na magtrabaho, pwedeng humahantong ito sa matagal na pagkakasakit at pagkapagod, na pwedeng negatibong makaapekto sa iyong memorya.
2. Pagtulog na nasa ilalim ng unan ang iyong ulo
Ang pagtulog na nasa ilalim ng unan ang iyong ulo ay maaaring humantong sa mahinang sirkulasyon ng hangin, na nagpapahirap sa iyong paghinga. Ito’y pwedeng humantong sa poor quality of sleep, na sa huli ay maaaring makapinsala sa memory consolidation.
3. Paggamit ng malakas na mga headphone
Nabanggit din ni Dr. Willie Ong na ang paggamit ng mga malalakas na headphone ay maaaring makapinsala sa mga hair cell ng ating mga tainga, na humahantong sa pagkawala ng pandinig. Maaari itong makaapekto sa ating kakayahang marinig at makapagproseso ng impormasyon, na maaaring makaapekto sa ating memorya.
3. Pananatili sa masyadong madilim na lugar
Ang matagal na exposure sa kadiliman ay maaaring makagambala sa natural circadian rhythm ng ating katawan, na maaaring humantong sa mahinang kalidad ng pagtulog. Kung saan ang mahinang kalidad ng pagtulog ay pwedeng makapinsala sa memory consolidation at pagre-recall.
4. Kakulangan ng sikat ng araw
Isa sa habit na nakakasira ng memorya ay kakulangan mo sa sikat ng araw. Kung saan mahalaga ang pagkakaroon mo ng exposure sa sikat ng araw para sa production ng vitamin D, na gumaganap ng isang papel sa paggana ng utak. Ang kakulangan sa pagkakalantad sa sikat ng araw ay maaaring humantong sa kakulangan sa bitamina D, na naiugnay sa kapansanan sa pag-iisip.
5. Madalas na stress
Kapag madalas kang makaranas ng stress, maaari itong magresulta sa paglalabas mo ng stress hormones na nakakasira ng brain cells at mag-impair ng iyong memory function.
6. Kakulangan ng tulog
Ang habit ng pagpupuyat mo ay maaari na maging sanhi ng pagkasira ng iyong memorya, dahil ang tulog ay mahalaga para sa memory consolidation. Sa madaling sabi, pwede kang magkaroon ng mahinang memory recall at masira ang iyong cognitive function.
7. Hindi madalas na pag-inom ng tubig
Batay sa mga pag-aaral at sa pahayag na rin ni Dr. Willie Ong, ang kakulangan ng pag-inom ng tubig ay humahantong madalas sa pagkakaroon ng dehydration. Kung saan sa ang dehydration ay maaaring mag-impair ng ating brain function o mag-lead ito sa poor memory recall.
8. Madalas na pagmulti-tasking
Pwedeng makasira ng iyong memorya ang multi-tasking, dahil ang ang paggawa ng maraming bagay sa iisang oras at panahon ay maaaring maging sanhi pag-overload ng iyong utak, na nagpapahirap sa pag-focus at pag-alala ng impormasyon.
9. Hindi pagkain o paglaktaw sa almusal
Kapag madalas mong laktawan ang pag-aalmusal sa umaga, maaaring humantong ito sa mababang antas ng asukal sa dugo, na pwedeng negatibong makaapekto sa pag-andar ng pag-iisip at memory recall ng isang tao.
10. Madalas na pag-upo/Kakulangan sa pag-eehersisyo
Ang madalas na pag-upo at kakulangan sa pisikal na aktibidad ay maaaring humantong sa mahinang daloy ng dugo sa utak, na pwedeng makapinsala sa pag-andar ng pag-iisip at memorya.
11. Kakulangan ng magagandang pag-iisip at stimulations
Ang laging pag-iisip ng hindi maganda at kakulangan ng mental stimulation ay maaaring humantong sa pagbaba ng iyong cognitive at mahinang memory function.
12. Pagkonsumo ng masyadong maraming asukal
Sinasabi na ang sobrang pagkonsumo ng asukal ay maaaring humantong sa pamamaga at oxidative stress, na maaaring makapinsala sa mga selula ng utak at makapinsala sa cognitive function.
13. Masyadong pagkonsumo maraming asin
Ang labis na pagkonsumo ng asin ay maaaring humantong sa mataas na presyon ng dugo, na pwedeng makapinsala sa mga daluyan ng dugo sa utak at makapinsala sa pag-andar ng pag-iisip.
14. Pag-inom ng alak at paninigarilyo
Tandaan na ang sobrang pag-inom mo ng alkohol at paninigarilyo ay maaaring makapinsala sa cells ng iyong utak at makapinsala sa pag-andar ng pag-iisip, na humahantong sa mahinang memory recall at pagbaba ng cognitive.
15. Polusyon sa hangin
Ang pagkakalantad sa polusyon sa hangin ay maaaring humantong sa pamamaga at oxidative stress, na maaaring makapinsala sa cells ng utak at makapinsala sa pag-andar ng pag-iisip.
Bakit ipinapayo ng doktor na alamin mo ang habits na pwedeng makasira ng iyong utak?
Sa katunayan, pinapayuhan ng mga doktor ang kanilang mga pasyente na magkaroon ng kamalayan sa mga habit na nakakasira ng memorya at nakakapinsala sa pag-andar ng pag-iisip. Dahil ang ating utak ay gumaganap ng isang kritikal na papel sa lahat ng ating ginagawa, mula sa pag-iisip at pag-alala hanggang sa paggawa ng mga desisyon at paglutas ng mga problema.
Dagdag pa rito, pwedeng magkaroon ng malaking epekto ang pagbaba ng cognitive sa ating kalidad ng buhay. Kaya’t mahalagang maunawaan at maiwasan ang mga gawi na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ng ating utak. Sapagkat sa pamamagitan ng pagiging maingat sa pagpili ng habits at lifestyle choices, makakatulong ito na protektahan ang ating pag-andar ng pag-iisip at mapanatili ang isang matalas na pag-iisip habang tayo ay tumatanda.