Benepisyo ng strength training ang pakay ng mga taong isinasali ang ehersisyong ito sa kanilang programa. Kung magagawa mo ang isang bagay upang mapabuti ang iyong kalusugan, ang pagsasanay sa lakas o strength training ay dapat na nasa tuktok ng iyong listahan. Kabilang dito ang paggamit ng isa o higit pang mga grupo ng kalamnan upang magsagawa ng isang partikular na gawain, tulad ng pag-angat ng timbang o pag-squat.
Dahil sa dumaraming katawan ng ebidensya na sumusuporta sa maraming benepisyo nito, ang strength training ay naging pangunahing bahagi ng karamihan sa mga programa sa ehersisyo. Natural na nawawalan ng muscle mass habang tumatanda, kaya ang strength o resistance training ay mahalaga para sa mga matatanda. Kapag malalakas ang kalamnan ay maaaring maging mas madali ang paggawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad. Tulad na lang ng paghahardin o paglilinis ng bahay.
Ano ang strength training
Ang strength training ay isang uri ng ehersisyo na nakatuon sa paggamit ng resistance upang palakasin ang iyong mga kalamnan. Ito ay kilala rin bilang pagsasanay sa timbang, pagsasanay sa paglaban, at pagsasanay sa kalamnan. Ang pangkalahatang kahulugan nito ay anumang pisikal na paggalaw kung saan ginagamit mo ang bigat ng iyong katawan o ang mga dumbbells at resistance band upang bumuo ng muscle mass, lakas, at tibay.
Makakatulong ang strength training kung nais mong lumakas, gumanda ang hitsura at pakiramdam sa ilang maiikling session bawat linggo. Inirerekomenda ng American Diabetes Association ang paggawa ng ilang uri ng strength training na hindi bababa sa dalawang beses sa isang linggo.
Ang sumusunod ay ilang mga halimbawa ng mga aktibidad sa strength training:
- Mga weight machine sa gym
- Paggamit ng mga resistance band
- Pagbubuhat ng weights o bagay tulad ng mga delatang pagkain o bote ng tubig
- Push-ups, sit-ups, squats, lunges, wall sits at planks
- Yoga Tai Chi
Benepisyo ng strength training sa mga matatanda
Ang pagtanda ay nauugnay sa mga paghina ng kakayahan na nag-aambag sa kapansanan, pagkasira at pagkahulog. Humihina rin ang lakas at bumababa ang muscle mass habang tumatanda. Iniulat ng Academy of Nutrition and Dietetics na ang karamihan ay nagsisimulang mawalan ng mga kalamnan sa edad na 30 anyos. Kasama na dito ang may tatlo hanggang walong porsiyentong pagbawas sa lean muscle mass bawat dekada.
Ang mga ehersisyong pampalakas ay kapaki-pakinabang para sa mga matatanda. Nakakatulong ang mga pagsasanay na ito sa pagbuo ng lakas ng kalamnan at muscle mass. Tumutulong din itong mapanatili ang density o kakapalan ng buto. Ang strength training ay may kakayahang labanan ang kahinaan at karupukan ng katawan. Maaari nitong bawasan ang panganib ng osteoporosis. Ito ay kapaki-pakinabang din para sa mga diabetic dahil nakakatulong ito na magamit ng katawan ng mas mahusay ang insulin upang mapababa ang antas ng glucose sa dugo.
Iba pang benepisyo ng strength training
- Bumuo ng malakas na buto
- Pamahalaan ang iyong timbang
- Pagandahin ang kalidad ng iyong buhay
- Pamahalaan ang mga malalang kondisyon tulad ng arthritis
- Patalasin ang iyong mga kasanayan sa pag-iisip
Iminumungkahi ng ilang pananaliksik ang regular na strength training at aerobic na ehersisyo. Painitin ang iyong katawan bago simulan ang strength training. Magsimula sa magaan na aerobic exercise tulad ng paglalakad o pagbibisikleta nang humigit-kumulang limang minuto bilang karagdagan sa mga pag-inat.