Ano ang mga sanhi ng pagkapanis ng mga pagkain lalo na kung marami kang naitabi noong nakaraang handaan? Paano malalaman kung panis na ang pagkain?
Ang pagtatabi ng mga natirang pagkain ay isang magandang paraan upang maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain. Problema nga lamang sa mga tirang pagkain ang kawalan ng mga petsa ng pagkasira nito. Kakailanganin mo siguro ang kaunting pagsisiyasat. Ang paningin, pang-amoy at pagpindot ay madaling mga paraan upang malaman kung sira ang pagkain.
Kapag ang mga pagkain ay sumailalim sa pisyolohikal, kemikal, o biyolohikal na mga pagbabago, maaaring hindi na sila ligtas kainin. Ang mga palatandaan ng pagkasira ng pagkain ay ang sumusunod:
- Pagbabago sa kulay
- Pag-iiba ng texture
- Hindi kanais-nais na amoy
- Masamang lasa
Sanhi ng pagkapanis ng mga pagkain
Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay nagdudulot ng pagkasira ng pagkain. Kasama na dito ang liwanag, oxygen, init, halumigmig, temperatura at mga nabubulok na bakterya. Ang mga ito ay maaaring makaapekto sa parehong kaligtasan at kalidad ng mga pagkain. Kapag napasailalim sa mga salik na ito, ang mga pagkain ay unti-unting nasisira.
Ang mga mikroorganismo ay nasa kapaligiran lamang. Kung kaya laging may panganib ng pagkasira kapag ang mga pagkain ay nalantad sa hindi angkop na mga kondisyon. Ang pagkasira ay maaaring resulta ng bacteria, molds, at yeast. Bagama’t hindi lahat ng mga mikroorganismo ay nakakapinsala ang mga waste products nito na napupunta sa pagkain ay maaaring hindi kasiya-siya sa panlasa. Ang ilang bakterya ay kapaki-pakinabang din dahil tumutulong sila sa pag-convert ng gatas sa curd.
Dahil sa mikroorganismo
Mga organismo na may responsibilidad sa pagiging panis ng pagkain:
Pathogenic bacteria
Uri na nagdudulot ng sakit na nakukuha sa pagkain. Ang mga pathogen bacteria ay maaaring mabilis na lumaki sa “danger zone,” ang hanay ng temperatura sa pagitan ng 40 °F at 140 °F. Hindi madaling malaman kung may pathogen ang isang pagkain dahil sa pangkalahatan, hindi ito nakakaapekto sa lasa, amoy, o itsura ng pagkain. Maaaring lumaki ang mga nakakapinsalang bacteria sa malamig na temperatura, tulad ng sa refrigerator. Sa kalaunan ay nagiging sanhi sila ng hindi magandang lasa at amoy ng pagkain.
Spoilage organisms
Uri ng bacteria na nagiging sanhi ng pagkasira ng pagkain kung kaya ito ay nagkakaroon ng hindi kasiya-siyang amoy, panlasa, at texture. Ang spoilage organisms ay mga mikroorganismo na nangangailangan ng mikroskopyo para makita. Kadalasan ito ang sanhi ng paglambot o paglansa ng mga prutas at gulay, pati na rin ang masamang amoy ng karne.
Dahil sa temperatura
Ang temperatura ay isa sa mga pangunahing aspeto kung paano malalaman kung panis ang pagkain. Nagpapabagal sa pagkabulok ng pagkain ang lamig sa pamamagitan ng paggawa ng natitirang kahalumigmigan sa yelo. Ito ay humahadlang sa paglaki ng karamihan sa mga uri ng bacteria. Pinipigilan ng nagyeyelong temperatura ang nakakasirang epekto ng mga mikroorganismo sa pagkain. Ngunit maaari rin nitong mapanatili ang ilang mga pathogen na hindi naaapektuhan sa mahabang panahon.
Pinakamabilis na tumubo ang mga bacteria sa “danger zone” o partikular na temperatura. Kaya naman pinapayuhan ang mga mamimili na huwag iwanan ang pagkain sa labas ng ref ng hihigit sa dalawang oras.
Dahil sa humidity
Ang sobrang humidity o kahalumigmigan ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng pagkalutong ng mga pagkain gaya ng crust ng pizza. Maaari rin nitong hadlangan ang proseso ng pagpapatuyo ng harina na kinakailangan para sa pasta. Ang mga mahalumigmig na kondisyon ay nagtataguyod din ng paglaki ng amag na humahadlang sa pagpapanatili ng kalidad ng mga produktong pagkain.
Ang kahalumigmigan sa kapaligiran ng imbakan ay dapat na mababa. Kung ang mga pinatuyong pagkain ay kumukuha ng kahalumigmigan mula sa lugar ng imbakan, maaaring tumubo ang mga amag at bakterya. Ito ay maaaring humantong sa pagkasira at sakit. Ang kahalumigmigan ay maaari ring humantong sa pagkasira ng ilang mga materyales na pambalot tulad ng pagkasira ng papel at pagkalawang ng metal.
Dahil sa oxygen levels sa paligid
Ang oxygen ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng pagkain sa maraming paraan. Hinihikayat nito ang paglaki ng mga mikroorganismo, na nagreresulta sa paglaki ng amag at yeast. Ang mga oxidizing enzymes ay nagpapabilis ng mga reaksiyong kemikal sa pagkain, na nagreresulta sa mabahong amoy at pag-iba ng kulay. Inaatake ng oxidizing lipids ang mga matatabang bahagi sa pagkain, na nagreresulta sa mabahong amoy at hindi masamang lasa nito.