Ano ang learning poverty para sa karamihan ng mga Pilipino na nakakaranas nito? Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank, ang learning poverty ngayon ay itinuturing na isang malaking krisis para sa bansa. Pinapakita ng isang tsart na batay sa sinasabing pag-aaral ang katayuan ng sampung bansa sa usaping ito. Ayon dito, kulelat ang Pilipinas na nasa pinakahuli sa listahan at may antas na 90.9 porsyento ng learning poverty ang mga batang nag-aaral.
Tinutukoy ang kahirapan sa pag-aaral bilang kawalan ng kakayahang magbasa at umunawa ng mga tekstong naaangkop sa edad na sampu. Ibig sabihin, halos lahat ng mga nag-aaral na batang Pilipino ay kulelat kumpara sa mga kaedad nila sa ibang rehiyon. Ang masakit pa nito, ito ang mga pangunahing kasanayan na pinakamahalaga sa mundo ngayon.
Tingnan ang mga antas ng learning poverty sa ibang bansa:
- Singapore 2.8%
- Vietnam 18.1%
- Thailand 23.4%
- Malaysia 42%
- Indonesia 52.8%
Ano ang learning poverty
Ang learning poverty ay nangangahulugang hindi nababasa at naiintindihan ng mga batang nasa sampung taong gulang ang mga simpleng teksto. May mga bagong tagapag pahiwatig na ginawa katulong ang UNESCO Institute for Statistics. Pinagsasama-sama nito ang mga tagapagpahiwatig ng ng pag-aaral at pagkatuto. Nagsisimula ito sa bahagi ng mga bata na hindi nakakamit ang pinakamababang kasanayan sa pagbabasa tulad ng sinusukat sa mga paaralan. Inayos din ang proporsyon ng mga batang wala sa paaralan at ipinapalagay na hindi marunong magbasa.
Panukala ng World Bank at UNESCO kung ano ang learning poverty
Natukoy na 53 porsyento ng mga bata sa mga low at middle-income na mga bansa ay hindi makakabasa at makakaunawa ng isang simpleng kwento sa pagtatapos ng elementarya. Sa mahihirap na bansa, ang antas ay kasing taas ng 80 porsyento. Ang ganito kataas na antas ng kamangmangan ay isang maagang babala. Nasa panganib ang lahat ng mga layuning pang-edukasyon sa buong mundo.
Kelan dapat matutong magbasa ang mga bata?
May ugnayan ang pagbabasa at ang learning poverty. Lahat ng mga bata ay dapat na marunong magbasa sa edad na sampu. Ang pagbabasa ay isang lagusan ng karunungan habang nag-aaral ang bata. Kung kaya, ang kawalan ng kakayahang magbasa ay nagsasara ng lagusang ito. Higit pa rito, isa itong malinaw na indikasyon ng kawalan ng maayos na sistema sa paaralan. Ibig sabihin, ang mga sistema ng edukasyon ay walang kakayahang tulungan ang mga bata na matuto ng:
- Matematika
- Agham
- Humanities
Posibleng matuto sa bandang huli ng buhay kapag may sapat na pagsisikap. Ngunit kadalasan ang mga batang hindi nagbabasa sa edad na sampu o sa pagtatapos ng elementarya ay mahihirapang magbasa para sa kanilang karera.
Kahirapan at learning poverty
Ang kahirapan at pag-aaral ay madalas na pinag-uusapan nang magkasama. Dahil ito sa katotohanan na ang edukasyon ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan. Para sa isang tao ang edukasyon ay maaaring magbigay ng maginhawang buhay. Maari din itong magdala sa iyo sa kahirapan. Ang mga posibleng epekto ng edukasyon ay:
- Para sa mga batang babae, ang edukasyon ay maaaring magtanggal sa kanila sa kahirapan.
- Maaaring mapabuti ng edukasyon ang seguridad sa pagkain.
- Mapapabuti nito ang mga pamantayan sa kalusugan.
- Maabot ang ang pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Ugnayan ng kahirapan at pag-aaral
Mahalagang malaman ang usapin ng kahirapan upang maintindihan kung ano ang learning poverty. Ang kahirapan ay nakakaapekto sa mga bata sa iba’t-ibang antas kasama na ang sumusunod:
- Pisikal
- Social-Emotional
- Cognitive Development
May malaking epekto ang kahirapan sa kakayahan ng mga bata upang matuto. Kahit na ang mga paaralan sa mga lugar na mas mababa ang kinikita ay lumilikha ng mga balakid para sa mag-aaral. Halimbawa, kahit na libre ang matrikula, may mga gastusin tulad ng mga libro, gamit sa paaralan, uniporme at transportasyon. Marami ding mga hadlang sa ekonomiya na maaaring maging dahilan upang hindi na pumasok sa paaralan ang mga batang galing sa mahihirap na pamilya,