Ano ang Dapat Gawin sa Tigyawat sa Bata?
Ano ang preadolescent na tigyawat?
Ang tigyawat sa bata ay karaniwang iniuugnay sa puberty. Dahil dito, ang pagkakaroon nito ay maaaring hindi mabigyang pansin ng mga magulang na naniniwala na normal na magkaroon ng tigyawat habang nasa puberty. Gayunpaman, ang mga suporta ng magulang ay kinakailangan sa mga panahon na mahirap sa preadolescent. Karagdagan, nagpakita ang estadistika ng pagtaas ng tigyawat sa mga mas nakababata.
Nangyayari ang preadolescent na tigyawat kung ang bata ay nasa edad na 7-12 na taong gulang. Ito ay sanhi ng produksyon ng androgen dahil sa pagtaas ng adrenal gland activity bago ang puberty.
Ang pre-puberty o preadolescent na tigyawat sa bata ay maaaring makita sa pamamagitan ng iba’t ibang sugat. Kabilang dito ang comedones, na napoporma kung ang pore ay maging barado. Ang mga ito ay hindi infected o namamaga. Saradong comedones ang mga whiteheads habang ang blackheads ay open comedones. Karaniwan na makikita ang mga ito sa T-zones ng mukha. Kabilang dito ang noo, kilay, ilong, at bahagi ng labi.
Sa kabilang banda, ang tigyawat sa bata ay maaaring mamaga, mamula, at masakit. Ang mga sugat na ito ay maaaring may impeksyon. Ang mga uri ng tigyawat na ito ay kabilang ang pustules, papules, nodules, at cysts.
Ang pustules ay mas malapit sa surface ng balat. Maaaring maranasan ito kung ang follicle ng buhok ay namaga. Napoporma ang papules kung ang follicle ng buhok, na mas malalim sa balat, ay nairita. Ang nodules ay mas makapal at mas matigas na mga umbok na nasa ilalim ng balat. Ang mga cyst ay nodules na napupuno ng nana.
Maaaring makita ang tigyawat sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan mayroong maraming sebaceous glands, kabilang dito ang:
- Mukha
- Leeg
- Mga balikat
- Itaas na bahagi ng likod
Epekto ng tigyawat sa self-esteem ng bata
Ang adolescence ay kung saan nagsisimula na mag-develop ang bata ng self-image. Ang mga batang may tigyawat ay prone sa kahihiyan, na negatibong makaaapekto sa kanilang aspektong emosyonal at sikolohikal. Napag-alaman ng pag-aaral na ang mga bata ay nagsabi na ang kanilang balat ay nagpapadama sa kanila na sila ay pangit, napapahiya, o self-conscious. Ang mga sentimiyento na ito ay maaaring maging sanhi sa kanila na iwasan ang pagsali sa sports, pagkuha ng part-time na trabaho, o pagkuha ng klase.
Ang tigyawat sa bata ay may kaugnayan sa pagdalas ng pangamba, kalungkutan, at pagpapatiwakal. Karagdanan, ang mga teenagers na may tigyawat ay kadalasang hindi gaanong aktibo sa harap ng mga tao, madalas mahiyain at nabu-bully. Maaari itong humantong sa negatibong epekto sa paraan kung paano nakikita ng mga batang may tigyawat ang kanilang kondisyon.
Lunas sa tigyawat sa bata
Ang lunas sa tigyawat sa bata ay nakadepende sa pagiging malala ng tigyawat at ang kabuuang kalusugan ng bata. Maaaring ang lunas sa tigyawat ng bata ay tulad ng sa matatanda, liban sa tiyak na antibiotics. Mahalaga na malunasan ang tigyawat nang mas maaga upang maiwasan na lumala ito at magbuo ng pagpepeklat ng tigyawat na maaaring maapektuhan ang kanilang tiwala sa sarili.
Ang mga sumusunod na lunas ay maaaring ikonsidera:
- Paggamit ng over-the-counter na facial o body cleansers, creams, at gels
- Therapies tulad ng injections para sa cysts o cyst draining
- Light, laser, o chemical peels
- Topical o oral na inireseta ng dermatologist
Ang mga iniresetang topical na gamot para sa tigyawat ay kabilang ang adapalene, benzoyl peroxide, antibiotics, tretinoin o kombinasyon ng mga ito. Maaaring ito ay cream, gel, lotion, o liquid form.
Tips upang makatulong na i-manage ang tigyawat sa bata
Tip# 1: Panatilihing malinis ang mukha
Mahalaga na manatiling malinis ang mukha. Turuan ang iyong anak na linisin ang kanilang mukha dalawang beses kada araw upang maiwasan ang oil, dumi, at dead skin cells mula sa pagdami sa surface ng balat.
Maaari mo ring sabihin sa kanila na iwasan na hawakan ang kanilang mga mukha dahil maaaring magpasa ito ng bacteria mula sa kanilang mga kamay. Maaari itong magresulta sa iritasyon at pamamaga ng balat, na hahantong sa tigyawat sa bata.
Tip# 2: Pumili ng non-comedogenic na mga produkto
Siguraduhin na ang produkto na ginagamit ng iyong mga anak sa kanilang balat ay hindi nagiging sanhi ng pagbara ng pores. Gawing gawi ang pagbabasa ng label sa likod ng produkto na bibilhin. Hanapin ang terminong “non-comedogenic”, na ang ibig sabihin ay naglalaman ang produkto ng sangkap na hindi nagpapabara ng pores sa balat.
Tip# 3: Kumain ng masustansyang diet
Pakainin ang iyong anak ng masustansyang pagkain, na maraming mga prutas at gulay. Ang mga nutrisyon mula sa mga pagkain ay nakapagpapa-nourish ng katawan, na makikita sa balat. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina C at beta carotene ay nakatutulong din na mabawasan ang pamamaga.
Kahalagahan ng suporta ng magulang habang nilulunasan
Ang tigyawat sa bata ay kondisyon sa balat na nangangailangan ng suporta at pangangalaga ng mga magulang. Kung ikaw ay may anak na nakararanas ng tigyawat sa bata, maaari mo silang tulungan sa pagsasagawa ng mga sumusunod:
- Maging malay sa emosyonal na epekto ng pagkakaroon ng tigyawat sa bata. Kausapin sila tungkol sa kanilang nararamdaman sa pagkakaroon ng tigyawat at ang lunas na maaari nilang gawin. At ipakita sa kanila na susuportahan ninyo sila rito.
- Paalalahanan ang iyong anak na huwag pisilin o putukin ang tigyawat dahil maaari itong maging sanhi ng iritasyon at pagpepeklat.
- Dalhin ang bata sa dermatologist upang mabigyan ng akmang gamot para sa tigyawat sa bata.
Kung nagpatuloy ang sintomas, konsultahin ang iyong doktor.
Nakararanas ng tigyawat? Subukan ang acne severity scanner at ang aming acne scarring risk screener, at makipag-ugnayan sa isang dermatologist.
Pakiusap na i-click dito upang ipadala ang iyong mga tanong at alalahanin. Ang Foods, Drugs, Devices at Cosmetics Act ay ipinagbabawal ang pagkakalat ng ethical o iniresetang gamot nang walang reseta. Para sa mga sinususpetyahan na adverse drug reaction, i-report ito sa FDA sa www.fda.gov.ph.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.