backup og meta

Alcohol Use Disorder: 8 Senyales Na Mayroon Kang Alcohol Abuse!

Alcohol Use Disorder: 8 Senyales Na Mayroon Kang Alcohol Abuse!

Para sa ilang mga tao, ang pag-inom ng alak ay isang napakahalagang bagay, dahil nakapagbibigay ito ng “temporary escape” mula sa mga stress, at problema sa buhay. Habang ang ibang mga tao naman ay ginagamit ang pag-inom ng alak bilang isang paraan upang makihalubilo, makipag-ugnayan sa iba, at maibsan o mailabas ang mga negatibong pakiramdam. Bukod pa rito, ang lasa at flavor ng alak ay maaaring maging kasiya-siya para sa maraming tao. Gayunpaman, mahalagang tandaan mo na ang alak ay dapat inumin sa katamtaman na paraan. Dahil kapag naging sobra ang pag-inom mo nito, maaaring humantong ito sa pagkakaroon mo ng mga negatibong epekto sa parehong pisikal at mental na kalusugan.

Sa katunayan, ang sobrang pag-inom ng alak ay maaaring humantong sa pagkakaroon mo “Alcohol Use Disorder” (AUD), isang medical condition na nailalarawan sa anyo pagiging “impaired” o kawalan mo ng kakayahang na ihinto o kontrolin ang pagkonsumo mo ng alak, kahit nakakasama na ito sa iyong buhay, trabaho, at kalusugan. 

Para mas maunawaan mo kung ano ang alcohol abuse at malaman ang mga senyales ng pagkakaroon nito, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang alcohol abuse?

Ang alcohol abuse ay isang pattern ng pag-inom ng alak na humahantong sa makabuluhang impairement o pagkabalisa. Kung saan maaaring makita sa anyo ng sobrang pag-inom ng alak sa mas matagal na panahon o oras ang pagkakaroon ng alcohol abuse ng isang tao.

Sa maraming kaso, ang mga tao na may alcohol abuse ay hindi kayang bawasan o kontrolin ang kanilang pag-inom ng alak, sa kabila ng maraming pagtatangka na itigil ito at i-recover muna ang sarili mula sa mga epekto ng alak. 

8 senyales ng alcohol abuse

Bukod sa pagkakaroon mo ng kaalaman sa kung ano ang alcohol abuse, mahalagang tandaan mo rin na maaaring maging isang seryosong problema ito dahil sa mga negatibong epekto nito sa kalusugan, mga relasyon, at pangkalahatang kalidad ng buhay. 

Batay na rin sa mga pag-aaral, ang alcohol abuse ay karaniwang nailalarawan sa pamamagitan ng mga sumusunod na senyales.

  1. Madalas na pag-inom

Ang madalas at sobrang pag-inom ng alak ay isa sa karaniwang senyales ng alcohol abuse. Kung saan nahihirapan kang ihinto ang pag-inom ng alak kapag nagsimula ka na sa pagkonsumo nito.

  1. Pagkakaroon ng withdrawal symptoms

Kapag huminto ka sa pag-inom ng alkohol, madalas ay nakakaranas ka ng mga withdrawal symptoms, tulad ng panginginig, pagkabalisa, o pagduduwal. 

  1. Pabaya sa sariling resposibilidad

Sa pagkakaroon mo ng alcohol abuse hindi maiwasan na napapabayaan mo ang iyong mga responsibilidad sa bahay, trabaho, at iba dahil mas inuuna mo ang pag-inom ng alkohol.

  1. Patuloy na pag-inom kahit nakakasama na ito

Sa kabila ng mga negatibong epekto dulot ng sobrang pag-inom ng alkohol, tulad ng mga legal na problema, mga problema sa relasyon, o mga isyu sa kalusugan ay patuloy ka pa rin sa pag-inom ng alkohol.

  1. Pag-priotize sa pag-inom ng alak

Isa sa mga senyales ng alcohol abuse ang pag-una mo sa pag-inom ng alak kaysa sa paggawa ng iba pang aktibidad at libangan na dati mong kinagigiliwan. 

  1. Pagsasagawa ng mga mapanganib na pag-uugali habang na kainom

Ang paggawa ng mga hindi kaaya-syang bagay habang nasa ilalim ng impluwensya ng alkohol ay maaaring maging senyales ng alcohol abuse.  

  1. Pagkakaroon ng tolerance sa alak

Dahil sa madalas at sobrang pag-inom ng alkohol, maaari kang magkaroon ng tolerance sa alak bilang senyales na nagtataglay ka ng alcohol abuse. Kung saan kinakailangan mong uminom ng higit pa upang makamit ang ninanais mong epekto. 

  1. Blackout/memory loss

Kadalasan ang mga taong may alcohol abuse ay nakakaranas ng blackout o memory loss pagkatapos nilang uminom ng alak.

Paalala ng mga doktor

Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na nabanggit tungkol sa alcohol abuse, mahalagang humingi ng propesyonal na tulong. Ang pagkakaroon mo ng alcohol abuse ay maaaring maging mahirap na pagtagumpayan sa iyong sarili, ngunit sa tamang suporta at paggamot, posible na mapabuti ang iyong kalagayan. 

Huwag mo ring kakalimutan na ang alcohol abuse ay maging sanhi ng mga seryoso at long-lasting consequences sa pisikal at mental na kalusugan, mga relasyon, at pangkalahatang kagalingan. Maaari itong humantong sa isang hanay ng mga problema, tulad ng sakit sa atay, mataas na presyon ng dugo, depresyon, pagkabalisa, at mga problema sa trabaho at mga relasyon. Kaya naman ipinapayo ang paghahanap ng propesyonal na tulong at suporta upang matamang maharap ang kondisyon na ito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Alcohol Abuse, https://familydoctor.org/condition/alcohol-abuse/ Accessed June 21, 2023

Alcohol Abuse, https://www.health.harvard.edu/addiction/alcohol-abuse Accessed June 21, 2023

Understanding Alcohol Use Disorder, https://www.niaaa.nih.gov/publications/brochures-and-fact-sheets/understanding-alcohol-use-disorder Accessed June 21, 2023

Alcohol use disorder, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/alcohol-use-disorder/symptoms-causes/syc-20369243 Accessed June 21, 2023

Alcohol misuse, https://www.nhs.uk/conditions/alcohol-misuse/ Accessed June 21, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Nilalagnat Ang Buntis?

Paano Malalaman Kung Sira Na Ang Breastmilk? Narito Ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement