backup og meta

Komplikasyon ng UTI: Maaari Bang Humantong sa Trichomoniasis?

Komplikasyon ng UTI: Maaari Bang Humantong sa Trichomoniasis?

Ang trichomoniasis ay isang STD, o isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Ngunit mayroon bang iba pang mga paraan upang mahawaan ng sakit na ito? Maaari bang maging sanhi ng trichomoniasis ang UTI? Magbasa para malaman ang tungkol sa komplikasyon ng UTI, at kung paano nauugnay ang mga ito sa isa’t isa.

Ano ang Komplikasyon UTI?

Bago natin pag-usapan kung ang UTI (urinary tract infection) ba ay maaaring magdulot ng trichomoniasis o hindi, kailangan muna nating pag-usapan kung ano ang UTI.

Ang UTI ay nangangahulugan ng impeksyon sa ihi. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ito ay nangyayari kapag ang urinary tract ng isang tao ay may impeksiyon. Ang karaniwang sanhi ng UTI ay bacteria, ngunit ang ibang microorganism ay maaaring magdulot ng impeksiyon.

Ang mga karaniwang sintomas ng impeksyon sa ihi ay kinabibilangan ng:

  • Pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan
  • Isang mahapding pakiramdam (burning sensation) habang umiihi
  • Madalas na pag-ihi
  • “Balisawsaw”
  • Dugo sa ihi
  • Maulap at/o mabahong ihi
  • May kahirapan sa pag-ihi

Kung hindi ginagamot, ito ay maaaring humantong sa mga seryosong komplikasyon ng UTI. Posible para sa impeksyon na umakyat sa ihi at maging sanhi ng mga problema sa bato ng isang tao. Ang kondisyong ito ay tinatawag na pyelonephritis.

Maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng UTI. Ang sakit na nakukuha sa sekswalidad ay maaaring maging sanhi, habang sa ilang mga kaso, ang kawalan ng kalinisan ay maaari ring maging dahilan.

Ano ang trichomoniasis?

Ang trichomoniasis, o trich, ay karaniwang STD. Trichomonas Vaginalis, ito ay single-celled protozoan, ang parasite na nagiging sanhi ng trich.

Ang mga sintomas ng trich ay karaniwang mga discharge na may napakabahong amoy na nagmumula sa kiki/puki o titi. Ang mga taong may trich ay maaari ring makaranas ng parang nasusunog na pakiramdam (burning sensation) kapag umiihi, pangangati ng mga maselang bahagi ng katawan, o kahit sakit o pamamaga ng mga maselang bahagi ng katawan.

Nangyayari ito dahil nahawahan ng parasite ang urinary tract ng isang tao. Ito ay nagiging sanhi ng pamamaga at nag-trigger ng mga karaniwang sintomas na kaugnay ng trich.

Posible rin para sa isang taong may trich na walang anumang sintomas. Ito ay higit na karaniwan sa mga lalaki at maaaring maging peligroso dahil madali nilang maipakalat ang sakit sa iba.

Dahil ang mga sintomas ng trich ay katulad ng iba pang mga STD, kung minsan ay napagkakamalan itong gonorrhea o chlamydia. Ito ay maaaring mapagkamalan lamang bilang impeksyon sa ihi.

Bilang resulta, maaari silang maging mga carrier ng STD, at ikalat ito sa ibang tao.

Maaari bang maging sanhi ng trichomoniasis ang UTI?

Tungkol sa tanong na “Maaari bang maging sanhi ng trichomoniasis ang UTI?” Ang sagot ay hindi. Ang UTI ay hindi maaaring maging sanhi ng isang STD.

Gayunpaman, ang pagkakaroon ng STD ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa ihi. Ang ibig sabihin nito, ang anumang mikroorganismo ay maaring magdulot ng STD, tulad ng Trichomoniasis, gonorrhea, o chlamydia, maaari ring maging sanhi ng isang UTI.

Kung ikaw ay sekswal na aktibo, magandang ideya na magpa- test kung mayroong UTI, dahil ang iyong kondisyon ay maaaring sanhi ng isang STD, kaya pinakamainam na makakuha ng iyong self – checked sa lalong madaling panahon.

Mabuti rin na ipaalam sa iyong kapartner ang tungkol sa iyong kalagayan, upang makakuha rin ng test.

Maaari kang makakuha ng trichomoniasis nang hindi nakikipagtalik?

Ito ang nakagugulat, na may ilang mga paraan upang makuha ang impeksyon sa trich, kahit na hindi ka sekswal na aktibo.

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa sa Zambia, ang mga bathwater at toilet seat ay maaaring pagmulan/ o maging sanhi ng di-sekswal na paghahatid ng trichomoniasis. Bukod pa rito, may ilang katibayan na ang parasite ay maaaring mabuhay sa labas ng katawan sa maikling panahon.

Gayunpaman, ang mga kasong katulad nito ay bihira, at madaling pigilan kung may napapanatili ang tamang kalinisan o hygiene.

Key Takeaways

Ang pagkakaroon ng komplikasyon ng UTI ay hindi palaging nangangahulugan na mayroon kang STD. Gayunpaman, mainam na magkamali upang makapag-ingat, lalo na kung ikaw ay sekswal na aktibo.
Kung nakararanas ka ng anumang mga sintomas ng isang UTI o STD, kumonsulta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon. Magandang ideya din na sumailalim sa pagsusuri sa STD upang matiyak na wala kang anumang STD.

Matuto pa tungkol sa Trichomoniasis dito.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Alwyn Batara.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What is a Urinary Tract Infection? | Symptoms & Causes, https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/urinary-tract-infections-utis, Accessed January 21, 2021

Men and urinary tract infections – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mens-health/men-and-urinary-tract-infections, Accessed January 21, 2021

Urinary symptoms in adolescent females: STI or UTI? – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17448399/, Accessed January 21, 2021

A pilot study on Trichomonas vaginalis in women with recurrent urinary tract infections, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6139873/, Accessed January 21, 2021

Trichomonas – Womens Health Specialists – Womens Health Specialists, https://www.womenshealthspecialists.org/health-information/sexually-transmitted-infections/trichomonas/, Accessed January 21, 2021

Non-Sexual Transmission of Trichomonas vaginalis in Adolescent Girls Attending School in Ndola, Zambia, https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0016310, Accessed January 21, 2021

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamutin Ang Trichomoniasis? Alamin Kung Ano Ang Maaaring Gawin Dito

Sex Habang May Period: Safe Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement