backup og meta

Gamot sa Trichomoniasis, Ano nga ba Ang Mainam?

Gamot sa Trichomoniasis, Ano nga ba Ang Mainam?

Ang paggamit ng antibiotic ang pinakakaraniwang treatment para sa trichomoniasis at karamihan sa mga STD. Ngunit may pagkakaiba ba sa pagitan ng mga gamot sa trichomoniasis na maaaring gamitin? 

Dapat bang gumamit ng isang uri ng antibiotic kaysa ng iba? At mayroon bang mga home remedy para sa kondisyon na ito? Alamin sa article na ito ang iba pang detalye.

Trichomoniasis Antibiotics

Tinatawag na antibiotic ang mga gamot na ginawa upang panlaban sa mga bakterya. Ngunit mayroon ding mga antibiotic na epektibo laban sa mga parasite tulad sa kaso ng trichomoniasis.

Bago natuklasan ang antibiotic, ginagamot ng mga doktor ang STDs gamit ang mga kemikal na naglalaman ng mga heavy metal. Kadalasang hindi mabisa ang ganitong klase ng treatment at nagdudulot din ng karagdagang panganib sa kalusugan ng mga pasyente. Sa kabilang banda, madali namang nagagamot ng antibiotic ang ilang sakit nang walang side effect.

Mahigpit na prescription drug ang mga antibiotic. Ang pagkakaroon ng antibiotic resistance dahil sa madalas na paggamit ng antibiotic ang rason sa likod nito.

Tulad ng sinasabi ng pangalan nito, tinatawag na antibiotic resistance ang pagkakaroon ng mga bakterya at microorganism ng resistensya sa gamot na ginagamit bilang panlunas sa kanila. Maaari itong maging seryosong suliranin dahil posibleng humantong ito sa mga impeksyon na hindi magagamot sa karaniwang paraan. Ito rin ang dahilan kung bakit palaging sinasabi ng mga doktor sa kanilang mga pasyente na huwag mag-self-medicate, at tapusin ang iniresetang paggagamot.

Para sa gamot sa trichomoniasis, karaniwang nagrereseta ang mga doktor ng alinman sa metronidazole o tinidazole.

Metronidazole

Bukod sa gamot sa trichomoniasis, ginagamit din ang metronidazole panggamot sa amoebiasis, bacterial vaginosis, at pelvic inflammatory disease. Karaniwan itong makikita sa tablet, gel, cream, o suppository.

Sa kaso ng trichomoniasis, karaniwang kailangang uminom ng 2 grams na katumbas ng single dose ang mga pasyente. Ibig sabihin, uminom ng apat na 500mg na tablet o kaya naman uminom ng 1 500mg na tablet dalawang beses sa isang araw sa loob ng 7 na araw.

Tulad ng ibang antibiotic, hindi dapat uminom ng alak ang mga pasyente habang umiinom ng gamot na ito. Dahil maaari itong magdulot ng mga side effect tulad ng pananakit ng tiyan, palpitation, at pananakit ng ulo.

Madali lang labanan ang side effect ng metronidazole, ngunit kasama dito ang pagduduwal, pagtatae, o paglalasang metal sa bibig.

Tinidazole

Isang antibiotic tulad ng metronidazole ang tinidazole. Sa katunayan, maaaring gamitin ang tinidazole bilang panggamot ng karamihan sa mga impeksiyon na ginagamot gamit ang metronidazole.

Ang mas mahabang half-life na 12-14 ng tinidazole kumpara sa 8 oras na half-life ng metronidazole ang pangunahing pagkakaiba ng dalawa. Ibig sabihin, maaaring mas maiksi ang therapy ng mga pasyenteng umiinom ng tinidazole.

Karaniwang nagrereseta ng tinidazole ang mga doktor para sa trichomoniasis at bacterial vaginosis, ngunit ibinibigay din nila ito para sa amoebiasis at giardiasis.

Tulad ng metronidazole, kailangang uminom ng mga pasyente na may trichomoniasis ng apat na 500mg tablets bawat isa. Ngunit kung bumalik man ang impeksyon o hindi gumana ang panggagamot, maaaring payuhan ang mga pasyente na uminom ng 2 tablet bawat araw sa loob ng 7 araw.

Pagdating sa mga side effect, katulad lamang ito ng sa metronidazole ngunit maaaring mas mild dahil nakagagamot ito sa mas mababang therapeutic doses. Bukod pa rito, dapat ding iwasan ang alak kung iinom ng tinidazole ang isang tao.

Bagaman kasing epektibo ng metronidazole, mas mahal ang tinidazole at hindi madaling mabili sa Pilipinas. Ito ang dahilan kung bakit karaniwang nagrereseta ang mga doktor ng metronidazole at nagrereseta lamang sila ng tinidazole kung kinakailangan.

gamot sa trichomoniasis

Mayroon bang anumang home remedy?

Walang home remedy para sa trichomoniasis. Dahil isa itong parasitic infection, kaya hindi magiging mabisa ang anumang home remedy sa paggamot ng parasite.

Ang pagkonsulta sa iyong doktor at pagkuha ng reseta para sa mga antibiotic ang pinakamagandang gawin kung mayroong trichomoniasis. Huwag kailanman mag-self medicate. Madaling magamot ng mga antibiotic ang karamihan sa mga STD nang mabilis at epektibo. Kaya hindi magandang subukan ang iba’t ibang mga home remedy kung madali lamang makuha ang antibiotic sa karamihan ng mga drug store.

Key Takeaways

Kung umiinom ng antibiotic para sa mga STD, napakahalagang sundin ang reseta ng iyong doktor. Pinakamainam ding iwasan ang anumang pakikipagtalik habang umiinom ng gamot, dahil maaari pa ring makahawa ng ibang tao.
Pagkatapos ng treatment, kumuha ng STD test upang matiyak na wala na ang sakit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Metronidazole: antibiotic to treat bacterial infections – NHS, https://www.nhs.uk/medicines/metronidazole/, Accessed January 22, 2021

Tinidazole (Tindamax) for Trichomoniasis and Bacterial Vaginosis – STEPS – American Family Physician, https://www.aafp.org/afp/2009/0115/p102.html#:~:text=EFFECTIVENESS,effective%20for%20metronidazole%2Dresistant%20trichomoniasis., Accessed January 22, 2021

CDC – Trichomoniasis Treatment, https://www.cdc.gov/std/trichomonas/treatment.htm#:~:text=treatment%20for%20trichomoniasis%3F-,Trichomoniasis%20can%20be%20cured%20with%20a%20single%20dose%20of%20prescription,women%20to%20take%20this%20medication., Accessed January 22, 2021

Trichomoniasis – Treatment – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/trichomoniasis/treatment/, Accessed January 22, 2021

Trichomoniasis: Care Instructions, https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=uh3143, Accessed January 22, 2021

In Vitro Metronidazole and Tinidazole Activities against Metronidazole- Resistant Strains of Trichomonas vaginalis, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC152533/, Accessed January 22, 2021

Kasalukuyang Version

04/11/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Gamutin ang Trichomoniasis? Heto ang Dapat Tandaan

Ano ang Ginagamit na Test para sa Trichomoniasis?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement