Ang sex, gaano man ito ganap na natural, normal, at healthy act, ay itinuturing pa ring bawal na paksa. Maging ang regla ay mayroon ding partikular na stigma. Kaya naman, ang sex habang may regla ay itinuturing na marumi o hindi safe.
May mga risk ba sa pakikipag sex habang may regla? Ano ang myths at mga maling akala dito? Safe ba ang sex kung may menstruation? Basahin dito ang tungkol sa regla at safe sex.
Menstruation At Safe Sex
Isa sa mga pinaka karaniwang tanong ng mga kabataan pagdating sa regla at safe sex ay kung posible bang makipagtalik kung may buwanang regla ang babae.
Ayon sa mga eksperto, oo, ang pakikipagtalik ay ganap na posible kahit na siya ay may regla. Gayunpaman, mahalagang pumayag ang parehong adults dito at maunawaan nila ang kalagayan ng babae sa panahong ito. Maaaring nakararanas siya ng kaunting discomfort dahil sa cramps, sakit ng ulo, at ibang bagay kaugnay ng regla.
Bagama’t ang ilang mga tao ay maaaring makaramdam ng pagkahilo dahil sa regla, ang iba ay okay lang dahil ito ay isang natural at normal sa isang babae.
Menstruation At Safe Sex Tips
May partikular na stigma sa pakikipag sex habang may regla dahil ito ay itinuturing na “marumi.” Ang paniniwalang ito ay maaaring nagmula sa isang biblikal na pag-unawa sa pakikipagtalik.
Gayunpaman, sa modernong panahon, lalo na kung titingnan sa isang medikal na paraan, ang sex sa panahon ng regla ay hindi marumi o isang kabuktutan.
Sa medikal na pagsasalita, ligtas ba ang pakikipagtalik sa panahon ng regla? Tulad ng anumang uri ng pakikipagtalik, may mga tiyak na panganib dito lalo na kapag nakipagtalik nang hindi protektado. Ang mga indibidwal na hindi gumagamit ng proteksyon ay maaaring magkaroon ng mga sexually transmitted disease (STD) tulad ng chlamydia at gonorrhea.
Ang mga penetrative sex tulad ng vaginal at anal sex ay maaaring humantong sa impeksyon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV), na walang lunas. Ito ay maaaring lumala sa paglipas ng panahon kung hindi ginagamot. Maaari din mauwi sa Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), na maaaring humantong sa kamatayan.
Kapag nakikipagtalik, lalo na kung bagong partner, inirerekumenda na gumamit ng proteksyon – may regla man o wala ang isang babae. Kumunsulta sa doktor kung paano maiiwasan ang mga STD.
[embed-health-tool-ovulation]
Sex habang may regla: Ito Ba Ay Isang Uri Ng Birth Control?
Maraming tao ang naniniwala na ang pagbubuntis ay hindi posible kung sila ay nakikipag sex sa isang babae habang may regla. Dahil sa paniniwalang ito, marami ang gumagawa ng mas maraming sekswal na aktibidad sa panahong ito. Gayunpaman, ito ay isang maling kuru-kuro. Ang pagbubuntis sa panahon ng regla ng isang babae ay posible pa rin, bagaman bihira.
Ayon sa mga eksperto, maaaring mabuntis ang isang babae kahit na ginawa ang sex habang may regla dahil:
- Maaaring maganap ang ovulation bago tumigil ang pagdurugo.
- Ang isang babae ay maaaring naniniwala na siya ay may regla, ngunit ito ay maaaring aktwal na dumudugo dahil sa ovulation.
- Nangyayari ang ovulation ilang araw pagkatapos na huminto ang pagdurugo. Ang mga sperm cell ay maaaring mabuhay ng hanggang 3 araw sa katawan ng isang babae, kaya maaari pa ring mafertilize ang itlog sa mga araw pagkatapos ng pakikipagtalik. Kung ang isang babae ay nakipagtalik sa kanyang huling araw at nag-ovulate pagkalipas ng ilang araw, maaari pa ring mafertilize ng sperm cell ang itlog at mauwi sa pagbubuntis.
Para maiwasan ang unwanted pregnancy, maaaring gumamit ng kumbinasyon ng contraception. Tulad ng condom at pills, o condom at IUD, na itinuturing na epektibo. May iba’t ibang uri ng mga birth control na magagamit. Pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa pinakamabuti para sa iyo at sa iyong pamumuhay.
Ligtas ba ang sex habang may regla para sa mga ayaw mabuntis? Ang mabuntis sa panahon ng regla ay medyo mababa. Ginagamit ng ilang kababaihan ang kanilang cycle bilang isang paraan ng birth control. Gayunpaman, ito ay karaniwang gumagana lang sa mga babaeng may regular na cycle ng regla.
Menstruation At Safe Sex: Mga Tip Sa Paano Magkaroon Ng Period Sex
Isang pangunahing dahilan kung bakit ang mga mag-asawa ay madalas na umiwas sa pakikipagtalik sa panahon ng regla ay dahil ito ay messy o makalat. Bagama’t maaaring kailangan ng karagdagang paghahanda, posible ang sex habang may regla at maaari pa ring maging kasiya-siya para sa couple.
Para sa mga gustong subukan ito, narito ang ilang mga tip para sa mas mahusay na karanasan:
- Palaging maging open at makipag-usap sa iyong kapareha. Dapat palaging consensual o pinagkasunduan ang pakikipagtalik. Kahit na matagal na kayong magkasama ng iyong kapareha.
- Gumamit ng latex condom para gawing mas madali ang paglilinis.
- Tulad ng anumang uri ng sex, gumamit ng condom at maiwasan ang mga STI, HIV, at unwanted pregnancy.
- Pinakakomportable at maginhawa ang missionary position. Dahil makakatulong ito na bawasan ang daloy ng dugo, salamat sa gravity.
- Gumamit ng dark towel at ilagay ito sa kutson para sa anumang pagtagas ng dugo.
- Upang maiwasan ang anumang kalat, isaalang-alang ang paggawa nito sa banyo. Ngunit laging mag-ingat para maiwasan ang anumang aksidente.
- Gumamit ng wet wipes o washcloth para sa paglilinis.
- Subukang gumamit ng female condom o menstrual cup para mabawasan ang kalat.
Key Takeaways
Ligtas ba ang sex habang may regla? Oo, kung ang partners ay responsable.
Bago makipagtalik sa isang babae habang may regla, pinakamahusay na maging open sa pakikipag-usap sa kanya.
Unawain ang mga espesyal na pagsasaalang-alang at mga risk nito, lalo na ang posibleng pagbubuntis at mga STD. Posible ang sex habang may regla. Ito ay natural, at normal, at maaari ding maging kasiya-siya.
Matuto pa tungkol sa Mga Tips sa Sex dito.
[embed-health-tool-bmr]