May mga pagkakataong nararamdaman mong parang “wala ka sa mood.” Gayunpaman, kung napansing mong matagal ka nang walang gana o matagal nang mababa ang iyong sex drive, maaari ka nang magpakonsulta sa espesyalista. Pagdating sa pagpapataas ng sex drive, maaaring ipayo sa iyo ang therapy, medication, at iba pang exploratory treatment, depende sa diagnosis. Narito ang mga paraan kung paano itaas ang sex drive sa natural na pamamaraan.
Ano Ang Libido?
Libido ang tawag sa kadalasan nating tinutukoy na sexual desire o sex drive. Sa kabilang banda, ang sexual health naman ay ang estado ng social, mental, at emotional na pangkabuuang kalusugan na kaugnay ng seksuwalidad. Samakatuwid, mahalaga ang libido para sa kabuuang kalidad ng buhay at pangkalahatang kalusugan ng isang indibidwal.
Bakit Bumababa Ang Sex Drive?
Maraming dahilan ng pagbaba ng sex drive. Isa sa karaniwang dahilan nito lalo na para sa mga lalaki ay ang edad. Gayunpaman, hindi pare-pareho ang ibinababa ng sex drive sa bawat tao. Importanteng malaman kung bakit bumababa ang sex drive upang maiintindihan kung paano maitataas ang sex drive.
May posibilidad na magkaroon ng pare-parehong level ng sexual interest ang mga tao kahit nagkakaedad na sila, kung kaya’t ang pagbaba ng sex drive ay hindi lamang dahil sa edad. Maraming maaaring maging sanhi ang kakulangan sa sex drive. Halimbawa, ang isang lalaki ay maaaring hindi tinitigasan o nahihirapang panatilihin ito habang nakikipagtalik dahil sa erectile dysfunction.
Gayunpaman, maaaring makaranas ng pagbaba ng sex drive kahit walang iniindang kondisyong medikal. Narito ang ilan sa mga maaaring makaapekto sa sex drive ng isang tao:
- Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
- Pag-inom ng Alcohol
- Stress
- Depression
Obesity
Lumalabas sa isang pag-aaral na ang obesity at pagkakaroon ng sobrang timbang ay may kaugnayan sa pagbaba ng sex drive. Ang mataas na poryento ng taba sa katawan ay naiuugnay sa pagtaas ng kemikal na tinatawag na SHBG (sex hormone binding globulin) na kung saan nagbibigkis ito sa testosterone at nakapagpapababa ng pgkakaroon ng sexual drive. Bukod dyan, malaki ang tsansang bumaba ang self confidence ng mga taong may sobrang timbang, kaya bumababa rin ang kanilang sex drive. Paano itaas ang sex drive? Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng healthy weight, maaari mong mapataas ang iyong sex drive.
Medications
May mga partikular na gamutang nakapagpapababa ng sex drive ng tao. Higit na kapansin-pansin ang posibilidad ng pagkakaroon ng erectile dysfunction sa mga lalaking umiinom ng mga gamot na panmpababa ng presyon . Gayunpaman, kadalasang may kasamang erectile dysfunction ang pagkakaroon ng high blood pressure. Ito ang dahilan kung bakit maaari ding senyales ng hindi nasusuring mga sakit tulad ng heart disease o high blood pressure ang erectile dysfunction.
Surgery
Isa pang maaaring dahilan ay ang sumailalim sa operasyon. Totoo ito lalo na para sa mga taong nagkaroon ng operasyon na may kinalaman sa kanilang genital tract o kaya’y sa suso. May mga tao ring nakararanas ng sakit (kirot) habang nakikipagtalik kaya’t hindi sila gaanong ginaganahan.
Fatigue
Nakababawas ng sex drive ang matinding pagod o pagkahapo para sa babae man o sa lalaki. Maaaring mabawasan ang sex drive ng isang taong sobra-sobra kung mag-ehersisyo. Gayunpaman, maaari ding mabawasan ang sex drive ng isang taong hindi gaanong nag-eehersisyo.
Psychological Issues
Mayroon ding mga psychological issues ang mga babae at lalaki na dahilan upang mabawasan ang kanilang interes sa sexual activities. Halimbawa, ang mababang pagpapahalaga sa sarili (self-esteem) at mababang pagtingin sa imahe ng katawan ay maaaring makaapekto sa kanilang tiwala sa sarili. Dagdag pa rito, kung may negatibong karanasan sila sa pakiipagtalik o nakaranas ng pisikal na pang-aabuso ay maaaring makaapekto nang malaki sa kanilang sex drive.
Isang sintomas ng pagbaba ng sex drive ang kaunti o kawalan ng interes sa mga sexual activities gaya ng masturbation. Ang mga taong gaya nito ay madalang o maaaring hindi pa nagkaroon ng sexual thoughts. Bukod pa rito, maaari ring maging sintomas ng kawalan ng sex drive ang pag-aalala mo mismo tungkol sa iyong sex drive.
Mga Sanhi Ng Kawalan Ng Sex Drive Ng Mga Lalaki
Pagdating sa mga lalaki, mahalaga ang hormone na testosterone na nagmumula sa testicles. Responsable ito sa:
- Sex drive
- Sperm production
- Pagbuo ng mga buto
- Pagbuo ng mga muscle
- Normal na makaranas ang mga lalaki ng pagbaba ng testosterone habang sila ay nagkakaedad. Gayunpaman, maaaring nakabawas ng sex drive ang biglang pagbaba ng testosterone.
Mga Sanhi Ng Kawalan Ng Sex Drive Ng Mga Babae
Nakararanas din ang mga babae ng pagbaba ng sex drive kapag nagkakaedad. Gayunpaman, puwedeng makaapekto sa sex drive ng isang babae ang mga mahahalagang pagbabago na nangyayari sa kanyang buhay. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaaring makaapekto sa sex drive ng isang babae:
- Mga karamdaman
- Menopause
- Pagbubuntis
Gaya sa mga lalaking bumababa ang testosterone, maaari ding bumaba ang estrogen level ng mga babae. Mula sa body tissues at ovaries ng babae ang estrogen. Kapag bumaba ang estrogen ng babae, bababa rin ang sex drive niya.
May malaki ring epekto ang pagpapasuso (breastfeeding) ng babae sa kanyang sex drive. Nakararanas ang isang babae ng iba’t ibang pagbabago sa kaniyang hormones habang siya ay nagbubuntis at kahit hanggang matapos ito. Bukod diyan, maaaring maging stressful at nakapapagod ang pag-aalaga ng sanggol na maaaring dahilan kung bakit wala siyang interest sa sexual activities.
Nakaaapekto rin ang personal na interes ng babae sa kanyang sex drive. Ang stress at depression ay dalawa sa mahahalagang salik na nakaaapekto sa drive ng isang tao at performance sa kama.
Paano Itaas Ang Sex Drive Sa Natural Na Pamamaraan?
Paano itaas ang sex drive? Dahil ang anxiety ay karaniwang dahilan kung bakit ang parehong babae at lalaki ay nagkakaroon ng problema pagdating sa kanilang sex drives, puwede mong subukang i-manage ang iyong stress level. Maaaring dumaranas ka ng partikular na uri ng stress na may kaugnayan sa sex, kaya’t nahihirapan kang tigasan o ma-arouse.
Ilan sa mga paraan kung paano itaas ang sex drive at ma-manage mo ang stress ay:
- Magkaroon ng sapat na oras ng tulog
- Regular na pag-eehersisyo
- Magkaroon ng maayos na relasyon
- Bukod dyan, maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa isang therapist upang matukoy ang ugat na pinagmumulan ng iyong anxiety at matulungan ka rin kung paano masosolusyunan ito.
Mahalaga rin ang kalidad ng iyong relasyon sa iyong sexual partner pagdating sa iyong sex drive. Kung nawawalan ng gana o nagiging malamig kayo sa isa’t isa, puwede kang gumawa ng paraan upang muling sumigla ang inyong pagsasama. Puwede ninyong dalas-dalasan ang pag-uusap, date, maglaan ng mas maraming oras sa isa’t isa, at gumawa ng activities sa labas ng inyong bahay.
Kalusugan Ng Puso At Sex Drive
Ang kalusugan ng puso at sirkulasyon ng dugo ay maaaring makaapekto sa sex drive, lalo na sa kalalakihan. Kaya naman, nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na puso at magandang sirkulasyon ng dugo ang pagsunod sa healthy diet at pag-eehersisyo.
Dagdag pa, may mga pagkaing maituturing na aphrodisiacs. Ito ang mga pagkaing nakapagpapataas ng sex drive. Maaari ninyong subukan ang:
- Pakwan
- Talaba (oyster)
- Tsokolate
- Strawberries
Inirerekomenda Rin Ba Ang Alternative Medicine?
Bagaman marami pang mga pag-aaral ang kailangan upang makumpirma ang mga posibleng benepisyo nito, pinaniniwalaang isa sa epektibong nakapagpapataas ng sex drive sa natural na pamamaraan ang mga herbal medicine. Ilan sa mga herbal remedy ang ginseng, Tribulus, at maca na sinasabing nakatutulong upang mapaganda ang sexual function ng isang tao. Gayunpaman, mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor bago gumamit ng mga alternative medicine at herbal remedies.
Mahalagang Tandaan
Maaaring maging mahirap ang pagharap sa problemang may kinalaman sa sex drive.
Paano itaas ang sex drive? Maraming puwedeng gawin — mula sa medication hanggang sa therapy, at kahit ang alternative medicine ay maaaring gamitin upang itaas ang sex drive. Laging kumonsulta sa iyong doktor at maging bukas sa pakikipag-usap sa iyong sexual partner.
Matuto pa tungkol sa Tips sa Sex dito.