backup og meta

Nakaranas ka ba ng sex dream? Heto ang maaring paliwanag!

Nakaranas ka ba ng sex dream? Heto ang maaring paliwanag!

Mayroon ka bang panaginip sa sex? Worried ka ba na may masama itong ibig sabihin, lalo na kung nasa healthy relationship ka at nakaranas ka ng sex dream sa ibang tao? Paano mo ito maiintindihan? Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang tungkol sa mga panaginip sa sex at ang mga posibleng kahulugan nito.  

Ano ang Sex Dreams?

Ang panaginip sa sex ay karaniwang mga panaginip na nagdudulot ng arousal o orgasm sa mga tao. Gayunpaman, itinuturing din ng ilan na isang erotikong panaginip kapag nananaginip sila ng anumang uri ng sekswal na aktibidad. 

Sa mga babae, ang sex dreams (wet dreams) ay kadalasang nagdudulot ng pagtaas ng lubrication (wetness). Maaaring mangyari na mag-ejaculate ang mga lalaki habang natutulog. 

Kung nag-aalala ka tungkol sa mga ito, tandaan na ang mga ito ay normal.  Sinasabi ng mga ulat na 70% ng mga tao ay mayroon nito kahit isang beses sa kanilang buhay.

Ngunit, marami pa rin ang mga tanong: May gustong sabihin ba sa iyo ang mga wet dreams? Nangangahulugan ba ito na kailangan mo ng ilang sizzle sa iyong mga bedsheet? Ito ba ay tumutukoy sa hindi kasiyahan sa iyong kasalukuyang kapareha?

Ang Science sa Likod ng Panaginip sa Sex

Ang mga teorya sa likod ng wet dreams ay katulad ng panaginip sa pangkalahatan. Ayon sa mga eksperto, ang mga panaginip ay: 

  • Mga hindi gustong kaisipan o maling impormasyon, na, kung hindi maalis, ay maaaring makagambala sa ating sistema (maaaring maging batayan ang mga ito para sa paranoia o obsession).
  • Mga pag-uugali na hindi natin nararanasan sa araw, kaya’t “sinasanay” natin ang mga ito sa ating mga panaginip.
  • Isang paraan ng paglilipat ng impormasyon sa pagitan ng mga bahagi ng utak. Maaari rin itong mangahulugan na ang mga panaginip ay isang paraan kung saan nagsasanay ang ating utak sa pag-prioritize, paglutas ng problema, at paggunita.
  • Isang paraan upang maghanda para sa mga totoong sitwasyon sa buhay
  • Mga side effect lang ng malalim na pagtulog

Syempre, teorya lamang ang mga ito. Wala pa rin tayong ganap, katanggap-tanggap sa siyensya na dahilan sa likod ng mga panaginip. 

Mga Pangkaraniwang Panaginip sa Sex At Mga Potensyal na Kahulugan

Nagtataka ka ba kung ano ang ibig sabihin ng iyong wet dreams?

Tingnang mabuti ang mga ito:

Pagtataksil

Ikaw ba ay nasa isang relasyon, ngunit may panaginip ng pakikipagtalik sa ibang tao? O baka naman ang panaginip mo ay niloko ka ng iyong partner? Marahil ay nakakaranas ka ng ilang uri ng selos.

Sa isang pagsisiyasat tungkol sa mga panaginip: “Ipinakikita ng mga natuklasan na ang mga taong nakakuha ng mataas na score sa romantic jealousy ay nagkaroon din ng mga imahe ng panaginip ng pagtataksil at kahulugan ng panaginip (pagtuklas) na nauugnay sa pagtataksil.”

Pakikipagtalik sa Isang Ex-Partner

Kung ikaw ay nasa isang relasyon, ang pakikipagtalik sa ex-partner ay maaaring mangahulugan na pinoproseso mo pa rin ang iyong kasalukuyang relasyon o nagdadalamhati sa pagkawala ng huli. Kung single ka at naghahanap ng date, mas malamang na mapanaginipan mo ang mga taong naka-date mo noon.

Sex With A Stranger

Ang pakikipagtalik sa isang estranghero ay maaari lamang magpahiwatig ng normal na sex drive. Kung ikaw ay nasa isang relasyon, hindi ito awtomatikong indikasyon na may pagnanais ka na manloko.

Sex With An Authority

Kung, sa iyong panaginip, nakikipagtalik ka sa isang authority figure (iyong amo, guro, atbp.), sasabihin ng mga eksperto na maaaring mangahulugan ito na hinahanap mo ang kanilang pag-apruba.

Dapat Ka Bang Mag-alala Tungkol sa Mga Panaginip sa Sex?

Maaaring nakakalito o hindi komportable na magkaroon ng wet dreams paminsan-minsan. Ngunit sa pangkalahatan, hindi ito dapat maging sanhi ng pag-aalala.

Gaya ng nabanggit kanina, karaniwan ang wet dreams, lalo na sa panahon ng puberty. Hindi nila naaapektuhan ang iyong pisikal na kalusugan. Hindi nila sinisira ang reproductive organs mo at hindi rin nila binabawasan ang mga sperm cell.

Sa ngayon, walang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng wet dreams.

Kung ang iyong mga panaginip sa sex ay nagbibigay sa iyo ng sobrang discomfort o stress, pinakamahusay na kumunsulta sa isang healthcare professional.

Key Takeaways

Tulad ng mga panaginip, sa pangkalahatan, ang mga panaginip sa sex ay mahirap bigyang-kahulugan. Sa ngayon, alam natin na ang mga ito ay normal (lalo na sa mga kabataan) at hindi sila nagdudulot ng anumang pisikal na pinsala. Dahil wala pa ring ganap na agham sa likod ng ating mga panaginip, hindi rin tayo makapagbibigay ng mga tiyak na kahulugan sa bawat uri ng wet dream na nararanasan ng isang tao.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Sexual dream and family relationships in frequent sexual dreamers and healthy volunteers, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32899040/, Accessed March 21, 2022
  2. The Possible Functions of REM Sleep and Dreaming, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK11121/, Accessed March 21, 2022
  3. Why do we dream when we sleep?, https://www.piedmont.org/living-better/why-do-we-dream-when-we-sleep#:~:text, Accessed March 21, 2022 
  4. An investigation among dreams with sexual imagery, romantic jealousy and relationship satisfaction, https://journals.ub.uni-heidelberg.de/index.php/IJoDR/article/view/472, Accessed March 21, 2022
  5. What Do Sex Dreams Mean?, https://www.sleepfoundation.org/dreams/dream-interpretation/dreaming-about-sex, Accessed March 21, 2022
  6. What Are Wet Dreams?, https://kidshealth.org/en/teens/expert-wet-dreams.html, Accessed March 21, 2022

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement