backup og meta

Nakakabuntis ba ang First Time? Alamin Dito!

Nakakabuntis ba ang First Time? Alamin Dito!

Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon ay isang hindi makakalimutang karanasan sa buhay ng tao. Ngunit dahil sa unang bese ito, maaaring makaramdam hindi pamilyar na mga bagay. Mayroong mga potensyal na panganib kung hindi alam kung paano mapoprotektahan ang sarili at maraming pangamba at pag-aalala ang nangyayari. Halimbawa, nakakabuntis ba ang unang pakikipagtalik?

Unang Pakikipagtalik: Paghahanda sa mga Posibilidad 

Nakakabuntis ba ang unang pakikipagtalik o mas nakakabuntis pa ang isang beses na pakikipagtalik? Iniisip ng maraming tao (partikular ang mga nagdadalaga) na ang unang beses pakikipagtalik ay hindi nakakabuntis, ngunit ito ay hindi totoo.

Ang totoo ay kung ang babae ay nakipagtalik nang walang anumang ligtas na pamamaraan ng contraception, may posibilidad na mabuntis, unang pagkakataon man ito o hindi.

nakakabuntis ba ang first time

Unang Pakikipagtalik? May mataas na pagkakataon na mabuntis 

Ayon sa mga obstetricians, ang mga babae na unang beses makipagtalik ay mas nabubuntis kumpara sa mga babae na regular na nakikipagtalik.

Ito ay dahil sa ang taong unang beses makipagtalik ay walang anumang karanasan sa birth control.

Ang unang beses na pakikipagtalik ay maaaring mabuntis, depende sa oras, at pisikal na kalagayan ng magkasintahan

Ilang mga tao ang naghihintay ng buwan o maging mga taon bago tuluyang magbuntis habang ang iba ay maaaring mabuntis sa kanilang regular na pakikipagtalik. Ang fertility ng magkasintahan ay nakakaapekto sa pagkakataon na mabuntis matapos makipagtalik. Kung ang isa sa magkasintahan ay baog (e.g menopausal, nagpa-vasectomy o hysterectomy), imposible sa magkasintahan ang mabuntis. 

Para sa mga kababaihan, ang mga araw ng ovulation at ang mga araw matapos ang ovulation ay ang mga pagkakataon na siya ay maaaring mabuntis matapos makipagtalik, maging ito man ay kanyang unang beses. Habang ang pagbubuntis ay malabong mangyari sa kalagitnaan ng cycle ng regla, ang pagkakaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik ay patuloy na nagdadala ng posibilidad ng pagbubuntis.

Mataas na tyansa ng Pagbubuntis kung makikipagtalik sa araw ng ovulation 

Sa kabila ng panganib ng teenage pregnancy, ang mga dalaga ay nakikipagtalik pa rin- o maiisip ito. Kadalasan, ang mga kabataan ay nagiging aktibo bagaman hindi pa lubusang nauunawaan ang mga konseptong may kaugnayan sa sex education tulad ng “fertilization”, “conception” at pagbubuntis.

Kung ang unang beses ng magkasintahan ay nasa pagitan ng fertile window, mataas ang posibilidad ng pagbubuntis. Ang fertile window ay kinabibilangan ng araw ng ovulation (paglabas ng mga egg cell). Dagdag pa ang limang araw bago at isang araw matapos ang ovulation. Kung ang regla ng babae ay 10 araw na nahuli matapos ang unang na pakikipagtalik, dapat sumailalim sa pregnancy test sa bahay upang malaman kung buntis o hindi.

Paano makipagtalik na maiiwasan ang pagbubuntis 

Ang pag-alam sa unang beses na pakikipagtalik at pag-iwas sa pagbubuntis ay hindi lamang mahalaga sa mga unang nakakaranas, ngunit makakatulong din sa mga nagnanais ng magandang plano sa kanilang pagbubuntis.

Paano makipagtalik na maiiwasan ang pagbubuntis: kalkulahin ang menstrual cycle 

Kung ikaw ay mayroong 28 araw na regular na regla, hindi na kailangan gumamit ng contraception sa pakikipagtalik sa araw ng 21 hanggang 28, o mga araw mula sa 1 hanggang 7 ng regla. Kung ang iyong regla naman ay hindi regular, hindi magagamit ang paraan na ito.

Sa iyong regla naman na regular ngunit mas mahaba o maikli sa 28 araw, maaaring gamitin ang mga ligtas na araw upang makipagtalik. Ang ligtas na araw ng pakikipagtalik ay 7 araw bago ang inaasahan petsa ng regla o unang araw matapos nito.

Oral contraceptives 

Sa proseso ng pag-iwas sa pagbubuntis, ang paggamit ng emergency contraceptive pills ay nakatutulong.

Ang gamot na ito ay katulad lamang sa mga pang-araw-araw na oral contraceptives. Naglalaman ito ng sex hormone na progesterone ng babae. Gayunpaman, ang lebel ng progestin hormone sa emergency na contraceptive na gamot ay mas mataas, kung kaya ito ay mabilis na umeepekto upang maiwasan ang ovulation ay pagbubuntis.

Ginagamit ang gamot na ito sa pakikipagtalik nang hindi na gumagamit ng iba pang-uri ng contraception. Gayunpaman, ito ay opsyon lamang sa mabilisang pangangailangan. Bagaman 75% ito na epektibo kung gagamitin sa loob ng 72 oras matapos ang pakikipagtalik, mayroon din itong ilang mga potensyal na panganib sa kalusugan.

Samakatuwid, iwasan na gamitin ng 2 beses kada buwan ang ganitong uri ng pill.

Paano maiwasan ang pagbubuntis matapos ang pakikipagtalik nang walang pills?

Bilang karagdagan sa paggamit ng emergency contraception matapos ang hindi protektadong pakikipagtalik, ang copper-wrapped IUD ay maaring ipasok sa medikal na pasilidad. Ito ay pangkaraniwang panukala na may 99% na epektibo. Komunsulta sa propesyonal na tagapangalaga sa ligtas na paglalagay ng contraceptive device na ito.

Paano ang unang beses na pakikipagtalik nang hindi nabubuntis: Gumamit ng condom 

Ang paggamit ng condom ay ang pinaka ligtas pa rin na paraan upang maiwasan ang pagbubuntis. At upang maiwasan ang sexually transmitted infections. Ang pamamaraang ito sa birth control ay pinipili ng maraming magkasintahan dahil bihira lamang ang ibang mga epekto nito. 

Mahalagang Tandaan 

Mahalagang yugto ang unang na pakikipagtalik sa relasyon ng magkasintahan.

Nawa’y ang mga impormasyon sa itaas ay magamit sa pagpigil sa pagkabuntis o sa pagpaplano ng pamilya, ito man ay unang pagkikita o nagsasama na sa loob ng ilang taon.

Matuto pa tungkol sa sexual wellness dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.avert.org/sex-stis/how-to-have-sex/anal-sex

https://www.nhs.uk/chq/Pages/3050.aspx?CategoryID=118

https://www.cdc.gov/hiv/risk/analsex.html;https://www.urccp.org/article.cfm?ArticleNumber=50;https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/whats-anal-sex-what-are-the-risks-of-it

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement