Ano ba ang katangian ng masarap na orgasm? Ito ang ilan sa mga tanong ng mga indibidwal na aktibo ang sex life. Dagdag pa rito, ang pagsasabi pa lamang ng salitang “orgasm” ay pwedeng magdulot ng controversy sa lahat. Bagaman nasa ika-21 siglo na ang mundo marami pa rin ang nag-aalangan na pag-usapan ang tungkol sa sex sa publiko.
Nasa center of any conversation ang salitang orgasm, lalo na sa usaping sex. Maraming tao rin ang naghahanap nito upang magkaroon at maranasan ang pinakamahusay na orgasm hangga’t maaari. Ngunit, paano nga ba nila mararanasan ito? Ano ang mga katangian ng masarap na orgasm— in the first place? Gaano nga ba kabuti ang orgasms para sa’yong katawan?
Katangian Ng Masarap Na Orgasm: Ang Paglalarawan
Kapag sinabing orgasm — ito ang pakiramdam ng matinding pisikal na kasiyahan at pagpapalabas ng tensyon, na kadalasan ay sinasamahan ito ng hindi sinasadyang rhythmic contractions ng iyong pelvic floor muscles.
Ang orgasm at kung paano ito damhin ay naiiba sa bawat kababaihan at indibidwal. Kung saan, kilala ang orgasm bilang rurok ng sexual response cycle na kinabibilangan ng pagnanais, arousal at resolution.
Tinagurian din ang orgasm bilang “shortest of the phases” kung saan sa pangkalahatan tumatagal lamang ito ng ilang segundo.
Ano Ang Mga Katangian Ng Masarap Na Orgasm?
Ang pangkalahatang katangian ng isang orgasm ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Pagkakaroon nang hindi sinasadyang pag galaw at higpit ng kalamnan o muscle contractions.
- Ang blood pressure, heart rate, at paghinga ay nasa highest rates at may mabilis na paggamit ng oxygen.
- Pasma ang mga kalamnan sa paa.
- Mayroong biglaang, malakas na paglabas ng sekswal na pag-igting o sexual tension.
- Sa mga kababaihan, ang mga kalamnan ng ari ng babae ay humihigpit (vagina contract) at ang matris ay maaari ding sumailalim sa rhythmic contractions.
- Sa mga lalaki, ang rhythmic contraction ng mga kalamnan sa base ng ari ng lalaki ay nagreresulta sa pagbuga ng semilya .
- Maaaring lumitaw ang pantal o “sex flush” sa buong katawan.
Ang most common types ng orgasm ay clitoral, vaginal, anal at ang ilang erogenous zone.
Tandaan din na pwedeng mag-trigger ng orgasms sa mga taong sensitibo ang mga tainga, leeg, nipples, elbows, at tuhod.
Female Orgasm
Maling sabihin na ang sex ay nagtatapos sa orgasm, dahil itinatanggi ng maraming kababaihan ang kanilang orgasm. Dagdag pa rito, hindi lahat ng sex ay nangangailangan ng orgasm at hindi ito laging nangangahulugang na mahusay ang sex kapag nagkaroon na nito.
Maraming kababaihan ang namemeke ng orgasm habang at pagkatapos makipag-sex. At sumasalamin ito minsan ng matinding pagnanais na palakasin ang sexual drive at sexual skills ng kapareha.
Kaugnay ng mga nabanggit, makikita na ang orgasm ay nagpapakita ng kapangyarihan ng interpersonal na koneksyon at ng mga kasiyahan sa masturbation at iba pang non-penile-vaginal intercourse behaviors.
Tandaan din na pagdating sa mga kababaihan, ang orgasms ay maaaring maging sandali lamang at maganap nang maraming beses sa isang momentum. Hindi rin ito palaging nagaganap sa mga babae dahil iba-iba ang katawan ng tao at indibidwal.
Male Vs. Female Orgasm
Ang orgasms ay nasa ilalim ng strong selective pressure sa mga lalaki. Makikita na ang kanilang orgasms ay may kaakibat ng ejaculation. Ito ay nag-aambag sa tagumpay ng reproduktibong estado ng lalaki, habang ang orgasms ng kababaihan sa pakikipag-sex ay nagbabago. Ito’y dahil ang mga ito ay nasa ilalim ng maliit na selective pressure at hindi ito isang reproductive need.
Bagama’t madaling hulaan ang orgasm ng lalake lalo na kapag nag-ejaculate na sila, mayroong teorya ang nagsasabi na ang mga babae ay ginagawa lamang ang orgasm bilang isang “fantastic bonus” kumpara sa mga kalalakihan.
Ayon pa kay Elisabeth Lloyd, isang mananalaysay sa agham sa Indiana University-Bloomington na halos 8% lamang ng mga kababaihan ang mapagkakatiwalaan sa pagkakaroon ng unassisted orgasms sa panahon ng pakikipag-sex sa penile-vaginal.
Dagdag pa rito, dahil sa tensyon na inilalabas sa panahon ng orgasm ng babae at lalaki, nakakatulong ito para mapabuti ang katawan sa pagpapahintulutan nitong mag-unclench at mag-relax kapag naabot na ang climax.
Key Takeaways
Bagama’t inaakala ng karamihan na ang orgasms ang end goal sa sex, hindi naman ganoon lagi ang kaso. Huwag ding kakalimutan na maraming paraan ang mga kababaihan para makamit ang orgasm.
Ang muscles spasming, pagbuti ng presyon ng dugo, pagkakaroon ng heart rates rising at isang forceful release ng sekswal tensyon ay ilang tanda ng mahusay na orgasm.
Huwag ding kakalimutan na kahit ang ejaculation ay isang magandang tanda ng orgasm para sa mga lalaki, mayroon pa ring ibang mga paraan upang ma-trigger ang orgasm sa mas sensitibong mga indibidwal. Dagdag pa rito, maganda na magkaroon ng open communication ang magkapareha sa bagay na ito para makamit ang pinakamahusay na orgasm sa sex.
Para sa higit pa sa Sex Tips, mag-click dito.