Ang pag-stimulate sa G-spot ng babae ay pwedeng magbigay ng mas matindi, at pleasurable na orgasm. Ngunit ang G-spot ng kababaihan ay nababalot pa rin ng misteryo at kontrobersiya. Sa katunayan, maraming mga eksperto ang hindi naniniwala na ang erogenous spot na ito ay umiiral.
Curious ka bang malaman ang mga bagay tungkol sa G-spot ng babae? Basahin ang arikulong ito, para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa G-spot ng kababaihan.
G-Spot Ng Babae
1. Ang ideya ng G-spot ay lumitaw lamang sa ilang dekada na nakalipas
Sa ideya na ang babae ay nagtataglay ng extremely sensitive spot— na may kakayahang magdulot ng matinding pleasure, ay lumitaw lamang noong 1950s. Nang sabihin ni Ernst Gräfenberg, isang German gynecologist, na makikita ito sa inner upper wall ng vagina.
Pinangalan ito sa gynecologist na unang nakapagbanggit nito. Kung saan, ang G-spot ay pwede ring tawaging “Grafenberg area” na nakabighani sa health experts at mag-couple.
2. Debatable ang pagkakaroon nito
Here’s the catch: Ang pagkakaroon ng G-spot ay kontrobersyal pa rin.
Mayroong mga kababaihan ang nagsasabi na sila ay nakakaranas ng napakalaking kasiyahan (immense pleasure). Kapag sila ay sexually stimulate sa G-spot. Habang ang iba ay nadidismaya dahil hindi nila ito mahanap.
Ang isang pag-aaral na pinamumunuan ni Adam Ostrzenski, M.D., Ph.D. ay “nakapagkumpirma” ng G-spot existence. Pagkatapos nilang suriin ang bangkay ng isang 83 taong gulang na babae. Inilarawan ni Ostrzenski ang G-spot bilang isang “sac structure” na matatagpuan sa likod ng perineal membrane, ilang millimeters mula sa itaas na bahagi ng urethral opening.
Ngunit, ang partikular na pag-aaral na ito ay naging sanhi ng confusion sa maraming tao. Dahil si Ostrzenski ay nagsuri lamang ng isang katawan at isang bangkay. Bagamat hindi na nabubuhay ang paksa, hindi nila makumpirma kung ang G-spot ng babae na nakita nila ay pwedeng magdulot ng matinding pleasure o orgasm.
Higit pa rito, makikita na tila may interes si Ostrzenski sa pagpapatunay na totoo ang G-spot. Ayon sa mga ulat, si Ostrzenski ay isang cosmetic gynecologist na nag-aalok ng mga serbisyo, tulad ng G-spot augmentation.
Sa kabila ng kontrobersiya, ang ilang mga educational reference, tulad ng Boston University School of Medicine – Sexual Medicine. Nakalista sa mga reference nila na bahagi ng female genital anatomy ang G-spot.
Itinuturo ng mga sanggunian na ito, ang G-spot bilang isang nasasabik na lugar “sa kahabaan ng urethra.” Sinabi rin nila na ang pag-stimulate ng G-spot ng kababaihan ay pwedeng magdulot ng agarang sexual arousal at ejaculation.
3. Ayon sa iba, ito ay female prostate
Naniniwala ang ilang mga tao na ang G-spot ay ang Skene’s glands. Minsan ay tinutukoy rin ito bilang “female prostate.” Ang mga glandula ay matatagpuan sa ibabang dulo ng urethra, malapit sa Gräfenberg area.
Bagamat, hindi pa rin sigurado ang mga eksperto kung ang Skene’s glands ay ang babaeng bersyon ng prostate. Sinasabi ng mga ulat na gumagawa sila ng liquids, na nagpapadulas sa urethral opening. Kaugnay nito, pwedeng magkaroon ng antimicrobial properties na nagpoprotekta sa mga babae laban sa UTIs.
Subalit, tulad ng G-spot, ang eksaktong sexual function ng Skene’s glands ay hindi pa rin ginagalugad o unexplored.
4. G-spot ng babae: Medyo mahirap hanapin ito
Dahil hindi pa rin sigurado ang mga eksperto kung totoo o hindi ang G-spot ng babae. Pwede kang mahirapan na hanapin ang lokasyon nito.
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamahusay na paraan para ma-hit ang spot— ay sa pamamagitan ng digital exploration. Magagawa mo ito nang mag-isa o i-ask sayong kapareha na hanapin ito para sa iyo.
Kasama sa general instructions ang pagmamasahe muna sa butas ng vaginal opening, bago ipasok ang isang daliri at iangat ito patungo sa belly button “come hither” gesture. Hindi rin inirerekomenda ng mga eksperto na hanapin ang specific spot na ito; sa halip, subukang maghanap ng pleasure sa general region.
5. Maaari mong maabot ang orgasm nang hindi hinahawakan ang iyong G-spot
Huwag kalimutan na ang mga kababaihan ay pwedeng magkaroon ng immense pleasure, at makapagkamit ng orgasm nang hindi ini-stimulate ang G-spot.
Pinapayuhan ng mga eksperto na ang pagsusumikap nang husto sa para ma-hit ang exact spot ay maaaring humantong sa frustrations kung hindi mo ito mahanap. Kaya, kung gusto mong makamit ang sexual pleasure sa’yong sarili o gusto mong gawin ito kasama ang iyong kapareha. Huwag kalimutang enjoyin ang buong karanasan.
Key Takeaways
Kailangan pa natin ng konkretong patunay na totoo ang G-spot ng kababaihan. Pinapaalalahanan ng mga eksperto ang mga babae na enjoyin ang buong sexual experience. Sa halip na subukang ma-hit ang isang particular spot.
Matuto pa tungkol sa Sex Tips dito.