backup og meta

Ano ang Vaginismus, at Bakit ito Nangyayari?

Ano ang Vaginismus, at Bakit ito Nangyayari?

Maaaring nakarinig ka na ng kwento tungkol sa mga lalaki at babae na na-stuck dahil sa problema sa “vagina lock”. Ito ay pinaniniwalaan ng mga tao na dahil sa vaginismus. Ngunit sanhi nga ba ng vaginismus ang pagka-lock sa ari? Ito ay sitwasyon kung saan ang ari ng lalake ay naiiwan sa loob ng ari ng babae habang nakikipagtalik. Sa artikulong ito, aalamin natin kung ano ang vaginismus.

Myth #1 – Kung ang Babae ay may Vaginismus, Nai-stuck dito ang Ari ng Lalaki

Ang unang sabi-sabi na bibigyan natin ng kalinawan ay ang paniniwala na nai-stuck palagi ang ari ng lalake kung ang babae ay may vaginismus.

Katotohanan: Maaaring ma-stuck ang ari ng lalaki kung naranasan ng babae ang vaginismus, ngunit ang mga kaso na ito ay sobrang dalang sa punto na nakilala lang ng mga doktor ang mga kasong ito sa pamamagitan ng anekdoktal na pag-uulat.

Ipinaliwanag nila na ang ari ng lalaki ay maaaring ma-stuck dahil sa pagka-lock ng ari ng babae, na maaaring mangyari kung nag o-orgasm at nag-contract ang muscles. Kung ito ay nangyari, gayunpaman, pinaniniwalaan na ito ay panandalian. Kinalaunan ang vaginal walls ay magiging relaxed. Ang ari ng lalaki ay mawawalan ng kaunting dugo kaya ito ay mas nagiging maliit. 

Ang pagka-stuck ng ari ng lalaki ay hindi isa sa pinaka pangunahing manipestasyon ng vaginismus. Sa pangkalahatan, ang vaginismus ay nagpapahirap sa mga babae na magpasok ng kahit na ano (maging ang tampon) sa ari ng babae. Ngunit ang vaginismus ay maaaring magsanhi ng masakit na pakikipagtalik.

Myth #2 – Ang Vaginismus ay “Nasa Isip Lamang”

Isa sa mga sabi-sabi tungkol sa vaginal lock ay ilan sa mga tao ay naniniwala pa rin na ang vaginismus ay nasa isip lamang. Sa ibang salita, ang babae ay maaaring pwersahin na i-relax ang vaginal walls.

Katotohanan: Ang vaginismus ay kabilang ang hindi boluntaryong spasms (contractions) ng musculature ng puke. Dahil hindi nais ng mga babae na mangyari ito, hindi nila ito kayang kontrolin.

At habang ang takot sa pakikipagtalik ay maaaring makadagdag sa vagina lock, maraming mga salik na maaaring ikonsidera, tulad ng anxiety disorders, vaginal tears, nakaraang surgeries, at ibang mga kondisyon, tulad ng urinary tract infections (UTI) at yeast infection.

Hindi lamang mga babae ang natatakot tungkol sa pakikipagtalik na nakararanas ng vaginismus. Pati ang mga babae na natutuwa sa pakikipagtalik ay maaaring maranasan ang vaginismus.

Myth #3 – Nangyayari ang Vaginismus Dahil sa Sexual Abuse o Dahil Hindi Nais ng Babae ang Pakikipagtalik

Dahil ang vaginismus ay maiuugnay sa takot sa pakikipagtalik o negatibong emosyon tungkol sa intercourse, ang ilan sa mga tao ay iniisip na ang sexual abuse o hindi pagnanais sa pakikipagtalik ay sanhi ng vaginismus.

Katotohanan: Ang sekswal na pang-aabuso at takot sa pakikipagtalik ay maaaring makadagdag sa salik, ngunit hindi ito ang pinaka pangunahing nagti-trigger.

Ang paniniwala na nangyayari ang vagina lock dahil sa sexual abuse ay masama para sa mga babaeng hindi naabuso. Maaaring makaramdam sila na hindi sila nauunawaan, malilito, o mas malala ay mapasawalang-bahala. 

Gayundin, maraming mga babae na nakararanas ng vaginismus ay nagnanais ng kasiya-siyang pakikipagtalik sa kanilang partner.

Myth #4 – Mawawala rin ang Vagina Lock; Hindi Nito Kailangan na Lunasan

Dahil maraming mga tao ang naniniwala na ang vaginismus ay “nasa isip lamang,” ang ilan ay naniniwala na hindi na nito kailangan ng lunas.

Katotohanan: Ang vaginismus ay nagagamot. Ang mga babaeng may vaginismus ay hindi kailangan na pwersahin ang kanilang sarili na iwasan o tiisin ang sakit at discomfort habang nakikipagtalik.

Ang mga lunas para sa vagina lock ay kabilang ang gamot na pamahid, tulad ng lidocaine upang mawala ang sakit. Maraming mga eksperto na nagrerekomenda ng therapies, tulad ng pelvic floor therapy, cognitive behavioral (talk) therapy. At syempre, ang relaxation techniques ay kabilang din dito.

Mahalagang Tandaan

Ang problema sa ari ng babae o vaginismus ay maaari o hindi maaaring makita sa mga sitwasyon tulad ng pagka-stuck ng ari ng lalake Ang pinaka pangunahing sintomas ng ganitong kondisyon ay kabilang ang masakit na pakikipagtalik at mahirap na pagpasok na kahit na anong bagay (kabilang ang tampon o tite) sa loob ng puke.

Kung mayroon kang ,mga sintomas na ito, ang pinaka mainam na gawin ay konsultahin ang iyong doktor. Huwag magpaniwala sa mga sabi-sabi na ito ay nasa isip lamang at hindi mo kailangan ng lunas. Ang vaginismus ay kailangan ng lunas, at kung mas maaga mong magagawa ang lunas, mas mainam.

Matuto pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1. Penis captivus-did it occur?, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1596579/pdf/brmedj00096-0031.pdf, November 19, 2021

2. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1600543/pdf/brmedj00001-0055d.pdf, November 19, 2021

3. Vaginismus, https://www.nhs.uk/conditions/vaginismus/, November 19, 2021

4. Vaginismus, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15723-vaginismus, November 19, 2021

5. Vaginismus, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/vaginismus, November 19, 2021

Kasalukuyang Version

07/26/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Tinatawag na Multiple Orgasm?

Alamin: Para Saan Ang Lube?


Narebyung medikal ni

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement