backup og meta

Paano Nakatutulong Ang Pelvic Floor Exercises? Alamin Dito!

Maraming kababaihan ang nakararanas ng sakit habang nakikipagtalik. Ito ay maaaring mangailangan ng pagpapakonsulta sa ob-gyne. Subalit ang physical therapy ay isang magandang paraan upang malunasan ito. Basahin ang artikulong ito upang malaman kung ano ang pelvic floor exercises at kung paano gawin ang mga ito.

Paano Nakatutulong Ang Pelvic Floor Exercises? Alamin Dito!

Ano Ang Dyspareunia (Painful Intercourse)?

Ang Dyspareunia, o tinatawag ding painful intercourse, ay ang salitang ginagamit na tumutukoy sa sakit na nararamdaman sa pribadong bahagi ng katawan o sa paligid ng balakang bago, habang, at pagkatapos makipagtalik. Ito rin ay mas karaniwang nararanasan ng mga kababaihan kaysa ng mga kalalakihan.

Ano-Ano Ang Mga Sanhi Ng Dyspareunia?

Maraming dahilan ang dyspareunia. Bukod sa mga pisikal na kadahilanan, ang sakit ay maaaring dahil din sa mga emosyonal na kadahilanan at sa medikal na kondisyon. Bago bumuo ng mga pala-palagay o i-diagnose ang sarili, mahalagang magpakonsulta sa doktor para sa mas tamang diagnosis.

Ang pangunahing dahilan ng pananakit ng balakang ay ang pelvic floor. Ito ay ang grupo ng muscles mula sa pubic bone hanggang sa tailbone (ibabang bahagi ng spine). Nakatutulong ito sa tamang paggana ng pantog at bituka at makatanggap ang  katawan ng penetration. 

Paano Magagamot Ang Dyspareunia?

Ang pananakit ng balakang ay katulad lamang din ng pananakit ng muscles, na maaaring dahilan ng panghihina o pagsikip ng muscles sa paglipas ng panahon. Ang sakit na nararamdaman sa pelvic floor ay maaaring humantong sa painful intercourse. Ano ang pelvic floor exercises? Ang mga ehersisyong ito ay hindi pamalit sa wastong medikal na pangangalaga. Ang mga ito ay makatutulong upang mabawasan o mawala ang sakit. Para sa anomang alalahanin, kumonsulta muna sa iyong doktor.

Paghinga

Bilang pagsisimula, mahalagang kontrolin ang iyong paghinga at tamang pagbabanat ng katawan.

  1. Humiga at ilapat ang likod sa sahig. Ilagay ang isang kamay sa dibdib, at ang isa naman ay sa tiyan.
  2. Huminga nang malalim, na dahilan upang tumaas ang iyong kamay na nasa tiyan, habang ang isang kamay naman ay panatilihin sa dibdib.
  3. Huminto at huminga. Ang kamay na nasa iyong tiyan ay dapat na bumaba, habang ang isa naman ay nasa dibdib pa rin.

Tandaang huwag madaliin ang proseso. Maaari itong gawin kung anoman ang posisyon at nakatutulong ito na marelaks ang muscles.

Ano Ang Pelvic Floor Exercises Para Sa Painful Intercourse?

Ang pag-eehersisyo ng pelvic muscle ay nakatutulong upang mawala ang anomang panghihina o pagsisikip na nararamdaman sa bahaging ito ng katawan. Ano ang Pelvic Floor Exercises na maaaring gawin nang walang kagamitan?

Squats

  • Tumayo nang tuwid. Iposisyon ang paa nang bahagyang mas malawak kaysa sa balikat. I-point out ang mga daliri sa paa.
  • Dahan-dahang bumaba sa pamamagitan ng pag-bend ng mga tuhod. Itulak patalikod ang iyong balakang at puwit katulad nang pag-umuupo sa upuan. Siguraduhing naka-tuck ang baba at pantay ang ulo.
  • Ilagay ang bigat ng iyong katawan sa talampakan. Bahagyang i-bow palabas ang mga tuhod.
  • Kapag ang iyong mga hita ay naka-parallel sa sahig, ituwid ang iyong binti at bumalik sa unang posisyon.

Glute Bridge

  • Humiga at siguraduhing ang buong likod ay nakalapat sa sahig. I-bend ang mga tuhod habang ang mga paa ay nakalapat sa sahig.
  • Huminga at itaas ang iyong balakang mula sa sahig habang ang buong bigat ay nasa talampakan. Pigain ang iyong glutes, hamstrings, at pelvic floor. Dapat na makabuo ng isang linya ang iyong katawan, mula sa itaas na bahagi ng likod hanggang sa tuhod.
  • Huminto habang nasa ganitong posisyon at muling ilapat ang likod sa sahig.

Bird Dog

  • Dumapa sa sahig. Siguraduhing tuwid ang likod at pantay ang ulo.
  • Kasabay nito, itaas at ituwid ang iyong kanang braso at kaliwang binti. Panatilihing pantay ang ulo at manatili sa ganitong posisyon sa loob ng dalawang segundo. Mahalagang panatilihin ang balanse ng katawan.
  • Muling dumapa at muling gawin ang proseso.

Tabletop

  • Humiga at ilapat ang likod sa sahig. I-bend ang mga tuhod upang ang iyong hita ay maging parallel sa sahig. Panatilihin ang braso sa tabi.
  • Dahan-dahang ibuka patagilid ang mga binti hanggang sa maging komportable sa posisyon.
  • Muling humiga at ilapat ang likod sa sahig. Ulitin ang proseso.

Ulitin ang mga ehersisyong ito at sa paglipas ng panahon, mas magiging malakas ang iyong pelvic floor muscles. Kung regular at laging gagawin, ang pelvic floor exercises na ito ay makatutulong upang mawala ang anomang pananakit sa tuwing nakikipagtalik.

Matuto pa tungkol sa mga Sex Tips dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Painful Intercourse (dyspareunia), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/painful-intercourse/symptoms-causes/syc-20375967, Accessed July 19, 2021

Painful Sexual Intercourse (Dyspareunia), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/painful-sexual-intercourse-dyspareunia-a-to-z, Accessed July 19, 2021

Dyspareunia, https://www.sciencedirect.com/topics/medicine-and-dentistry/dyspareunia, Accessed July 19, 2021

Why does sex hurt? https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/why-does-sex-hurt/, Accessed July 19, 2021

Sexual Health: Female Pain During Sex (Dyspareunia), https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/12325-sexual-health-female-pain-during-sex-dyspareunia, Accessed July 19, 2021

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Masakit Na Sex, Ano Ang Posibleng Mga Dahilan?

Gamot Sa Pelvic Inflammatory Disease, Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas