Ang pagka-adik sa sex, na kilala rin bilang compulsive sexual behavior, ay walang sariling pormal na pamantayan. Sa halip, ito ay nauugnay sa iba pang mga kondisyon tulad ng mga sakit sa pagkontrol ng impulse o behavioral addiction. Ang pinakamadaling paraan para ma-detect ang compulsive sexual behavior o pagka-adik sa sex ay ang pagtukoy sa mga clinical features nito. Ngunit ang mga ito ay maaaring iba-iba.
Mga Clinical Features ng Sex Addiction
Ang mga pasyenteng adik sa sex o dumaranas nito ay kadalasang nagpapakita ng signs ng patuloy na paggawa ng mga sexual activities. Ito ay kahit na may mga negatibong kahihinatnan ang kanilang mga aksyon. Ito ay halos kapareho sa hindi pangkaraniwang bagay na nakikita natin sa mga pasyente ng substance use at impulse control disorders.
Tulad ng iba pang mga adiksyon, ang mga pasyente na may compulsive sexual behavior ay may posibilidad na gamitin ang kanilang addiction upang makatakas mula sa pisikal o emosyonal na sakit.
Ginagamit nila ang sex bilang coping mechanism para sa kanilang mga stressors sa buhay. Ang nangyayari dito ay ang kanilang inaasal ay posibleng magresulta sa mas maraming problema sa kanilang buhay. Ito ay nagiging sanhi na mapunta sila sa isang dangerous stress cycle, coping, at karagdagang stress.
Diagnosis ng Compulsive Sexual Behavior
Ang diagnosis ng compulsive sexual behavior ay nahahati sa paraphilic at nonparaphilic.
Paraphilic sexual behavior
Kung titingnan ang kanilang kaibahan, ang paraphilic sexual behavior ay tumutukoy sa mga pasyenteng may significant impairment. Ito ay dahil sa kanilang pagka-adik sa sex na kinabibilangan ng exhibitionism, voyeurism, sexual masochism, sexual sadism, transvestic fetishism, fetishism, at frotteurism.
Tandaan, upang maiuri ito bilang sex addiction, ang pag-uugali ay dapat na nakababahala at nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay ng isang tao. Kaya naman ang pedophilia at fetishism ay hindi karaniwang nauugnay sa pagiging adik sa sex.
Nonparaphilic sexual behavior
Ang nonparaphilic sexual behavior naman ay ang mga aktibidad na sekswal na mas karaniwan. Maaaring kabilang dito ang compulsive masturbation, pagbabayad sa mga prostitute, labis na panonood ng pornograpiya, extramarital affairs, at pagdalo sa mga strip club.
Sex Addiction Therapy
May iba’t-ibang uri ng treatment na available para sa pagka-adik sa sex. Ang widely available na sex addiction therapy ay ang Sexual Addicts Anonymous, Sexaholics Anonymous, at Sex and Love Addicts Anonymous. Sa Pilipinas, maaaring mahirap na makahanap ng mga support group. Ito ay tulad ng mga nabanggit, isang modelo mula sa 12-step theory and practice. Ito rin ay kadalasang ginagamit sa Estados Unidos.
Ang mga inpatient at outpatient treatment programs para sa sex addiction ay makakatulong sa pamamagitan ng pag-identify sa core triggers. Kasama dito ang mga paniniwala ng pasyente tungkol sa kanilang adiksyon.
Makakatulong ito sa kanila na gumawa ng mas mahusay na mga desisyon at bumuo ng iba pang mga coping mechanism para mapababa ang mga urges at pag-give in sa mga ito.
Ang Indibidwal na Psychotherapy para sa sex addiction ay karaniwang may kasamang 2 uri ng therapy:
-
Cognitive Behavioral Therapy (CBT)
Ang ganitong uri ng therapy ay ang karaniwang ginagamit sa mga pasyente na may mga substance use disorder. Ang pokus ng therapy na ito ay upang matukoy ang mga nag-trigger para sa mga sexual behavior. Gayundin, ito ay para subukang baguhin ang mga pangit na pagtingin ng pasyente tungkol sa kanilang mga sekswal na pag-uugali. (Halimbawa, kapag ang isang pasyente ay niloloko ang kanyang asawa at sinabing “Nagbabayad lang ako para sa sex, wala akong pakialam sa kanya”). Nakatuon ang CBT sa pagpigil sa mga pagbabalik ng negatibong gawi na mangyari.
-
Psychodynamic psychotherapy
Sinasaliksik ng pamamaraang ito ng therapy ang mga iniisip ng pasyente at sinusubukang tukuyin ang mga pangunahing conflicts para sa negatibong sexual behavior.
Mayroon ding mga anyo ng sex addiction therapy, gaya ng motivational enhancement therapy (MET) at couples therapy. Maaaring maging kapaki-pakinabang ang motivational enhancement therapy. Matutulungan nito ang mga pasyente na maging mas motivated na baguhin ang kanilang pag-uugali. Kung may cravings, maaari nilang i-resist ang kanilang addiction. Ang therapy ng mga mag-asawa ay nakadirekta sa kanilang relasyon na maaaring nasira dahil sa pagka-adik sa sex.
Sex Addiction Therapy Through Medication
Walang partikular na gamot/mga gamot na partikular na ginagamit para sa treatment ng sex addiction. Gayunpaman, ang Selective Serotonin Reuptake Inhibitors (SSRIs) at Mood Stabilizers ay nakita na nababawasan ang nararamdamang urges ng pasyente para sa sexual activities. Higit pa rito, ang mga SSRI ay ginamit sa mga pasyenteng may depresyon. Ito ay maaaring makatulong sa paggamot sa mga sintomas ng depresyon na nauugnay sa pagka-adik sa sex.
Ang isa pang gamot na ginagamit sa treatment ng pathological gambling at kleptomania (parehong compulsive disorder) ay ginagamit din sa sex addiction therapy.
Gaano Kabisa ang Mga Paggamot?
Nakadepende ng husto sa pasyente kung magkakaroon ng malaking epekto sa kanyang kondisyon ang therapy at medications. Kung ang pasyente ay handang magbago at humingi ng tulong sa sariling kagustuhan, mas mataas ang posibilidad na magtagumpay sa paggamot.
Key Takeaways
Mayroong maraming mga option sa paggamot na magagamit para sa mga pasyenteng dumaranas ng sex addiction. Maaaring kabilang dito ang iba’t ibang uri ng psychotherapy pati na rin ang mga gamot.
Ang unang hakbang sa recovery ay ang pag-alam at pagtanggap na may problema at paghingi ng propesyonal na tulong.