backup og meta

Sintomas Ng Syphilis, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?

Sintomas Ng Syphilis, Anu-Ano Nga Ba Ang Mga Ito?

Ang syphilis ay isang sexually transmitted disease na may apat na stages — ang primary, secondary, latent, at tertiary stages. Bagaman pinangalanan sila ayon sa pagkakasunod-sunod, hindi naman palaging sumusunod sa parehong ayos ang mga sintomas nito, at may mga pagkakataong nag-o-overlap ang mga ito. Ilan sa mga maagang sintomas ng syphilis ay ang paglitaw ng mga syphilis sore na kilala rin sa tawag na chancre. 

Mayroong apat na stages ang syphilis at ang kani-kanilang sintomas:

Ang Primary Stage

Paglitaw Ng Mga Syphilis Sore

Ang primary stage ang unang stage. Ito ay kapag unang lumitaw ang syphilis sore. Kalaunan, lalala, lalalim (ulcerate) ito at magkakaroon ng indurated border. 

Lilitaw ang sore sa lugar kung saan pumasok ang bacteria sa iyong katawan. Madalas itong nangyayari sa genitals (ari) ngunit maaari ding lumitaw sa iba pang bahagi ng katawan. Taglay ng syphilis sore ang lubhang nakahahawang bacteria na tinatawag na Treponema pallidum. Kadalasang buo, bilog, at hindi masakit ang syphilis sore.

Puwedeng tumagal ang sore nang 3-6 na linggo at mawawala ito gamutin man o hindi. Gayumpaman, nananatili pa rin ang bacteria na nakapasok na sa katawan kaya’t mahalagang gamutin ito upang maiwasang lumala. 

Ang Secondary Stage 

4-10 Na Linggo Matapos Ang Syphilis Sore

Humigit-kumulang 25% ng mga taong may primary infection ay mag-de-develop sa second stage. May malawak na bilang ng mga pangkalahatang sintomas ang secondary stage, at maaari ding isama rito ang mga pantal sa balat, pagkalagas ng buhok, gastrointestinal, muscular, renal, at neurological abnormalities. 

Bagaman maaaring lumabas ang secondary stage sa maraming paraan, ang pinakakaraniwang mga sintomas ng syphilis ay pamumula, hindi makating mga pantal at batik-batik sa balat na magsisimula sa trunk (torso) hanggang sa tuluyang balutin ang katawan. Maaari ding maging pustular ang mga pantal na ito. Kadalasan itong sinasamahan ng fluid-filled, wart-like sores sa lugar ng ari at puwetan. Lubhang nakahahawa ang mga ito at may mataas na tsansang maikalat ang sakit sa pamamagitan ng contact.  

Maaaring lumitaw ang mga pantal sa palad at talampakan. Puwede ring lumitaw ang mga whitish erosions sa dila at sa iba pang mucosal surfaces. 

Maaaring lumitaw ang secondary sinomas ng syphilis gaya ng:

  • Lagnat
  • Sore throat
  • Malaise
  • Pagbaba ng timbang
  • Pagkalagas ng buhok
  • Pananakit ng ulo

Mas malalang mga sintomas ng syphilis gaya ng:

  • Kidney disease
  • Pamamaga ng kasukasuan
  • Pamamaga ng atay
  • Periostitis
  • Uveitis
  • Interstitial keratitis

Humuhupa ang mga sintomas pagkalipas ng 3-6 na linggo, ngunit maaari itong bumalik.

Ang Latent Stage

1-30 Taon Pagkatapos Ng Unang Syphilis Sore

Sa stage na ito, walang mga senyales o ano pa mang sintomas ng syphilis.

Maaaring manatili sa ganitong stage ang mga pasyente sa loob ng hanggang 15 taon, na nagbibigay sa tao ng maling pakiramdam ng seguridad, habang ang syphilis ay patuloy na nagiging mapaminsala sa mga tao at maaari ding maging nakamamatay. Bagaman 15-40% lamang ng mga tao na nasa latent stage ang umaabot sa final stage, napakahalaga pa ring ma-check ka nang mabuti para sa mga senyales pa ng aktibong syphilis bago itigil ang gamutan.

Ang Tertiary Stage

Ito na ang huli at ang pinakaseryosong stage ng syphilis. Maliit na bilang lamang ng mga pasyente ang umaabot sa stage na ito, at hindi na nakakahawa. Gayunpaman, puwede itong maging nakamamatay kung hindi magagamot. Kadalasang nag-de-develop ang tertiary stage sa isa sa tatlong anyong ito:

Gummatous Syphilis

Nangyayari ito sa 15% ng mga pasyenteng nasa tertiary stage. Lumalabas ito 15 taon o higit pa pagkatapos mangyari ang primary infection. Inilalarawan ito bilang isang soft, inflamed, tumor-like balls na maaaring makaapekto sa mga buto, balat, at organs tulad ng atay, ngunit maaari ding lumitaw sa kahit saan. 

Cardiovascular Syphilis

Nangyayari sa 10% ng mga tertiary patients. Lumilitaw ang syphilis na ito ng mga 10-30 taon pagkatapos ng primary infection. Kadalasang nagdudulot ito ng syphilitic aortitis, inflammation, at posibleng pagputok ng aorta–bahagi mula sa puso na nagdadala ng dugong puno ng oxygen sa iba’t ibang parte ng katawan.

Neuro At Ocular Syphilis

Tinatayang 6.5 % ng tertiary patients ang nasa grupong ito. Sa hanay ng iba’t ibang anyo ng tertiary stage syphilis, ito ang partikular na uri na mapanganib at mapaminsala. Target nito ang nervous system gaya ng spinal cord, nerves, at mga mata. Matinding pagsakit ng ulo, poor muscle coordination, pamamanhid, dementia, pagbabago sa paningin, at maging paralysis at pagkabulag ang ilan lamang sa mga sintomas ng syphilis na kasama ng anyong ito ng tertiary stage.

Key Takeaways

Bagaman maaaring magamot ang sakit na syphilis, puwede pa rin itong maging mapanganib, na tumatagal pa ng ilang taon. Tiyaking maisasagawa ang safe sex upang maiwasan ang sakit na ito. Kumonsulta sa iyong medical practitioner kung sa tingin mo ay mayroon kang syphilis sore o anumang sintomas na kaugnay ng sakit na ito.

Matuto pa tungkol sa syphilis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

SYPHILIS – CDC FACT SHEET, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis.htm#:~:text=The%20rash%20usually%20won’t,fatigue%20(feeling%20very%20tired) Accessed January 5, 2021

SYPHILIS, https://www.avert.org/sex-stis/sexually-transmitted-infections/syphilis, Accessed January 5, 2021

SYPHILITIC AORTITIS, https://www.ahajournals.org/doi/pdf/10.1161/01.CIR.29.3.346, Accessed January 5, 2021

SYPHILIS, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/syphilis/symptoms-causes/syc-20351756, Accessed January 5, 2021

WHAT ARE THE SYMPTOMS OF SYPHILIS?, https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/syphilis/what-are-the-symptoms-of-syphilis, Accessed January 5, 2021

Kasalukuyang Version

05/30/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano ang amoy ng Chlamydia? Alamin ang mga Sintomas ng STD na ito

Uri ng Oral STD na Maaaring Makuha Sa Oral Sex


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement