backup og meta

Paano Maiiwasan Ang Syphilis? Mga Tips Na Dapat Tandaan

Paano Maiiwasan Ang Syphilis? Mga Tips Na Dapat Tandaan

Paano maiiwasan ang syphilis? Upang tiyak na makaiwas sa sakit na ito, kailangan nating maunawaan kung paano ito naipapasa. Kumakalat ang syphilis sa pamamagitan ng direktang contact sa syphilis sore na kadalasang sa pamamagitan ng sexual activity. Hindi naipapasa ang sakit na ito ng indirect contact. Bukod dyan, hindi rin ito naipapasa sa pamamagitan ng pagpapahiram ng kagamitan sa pagkain, paggamit ng parehong palikuran, o paghawak ng alinmang gamit ng taong may syphilis.

Paano Kumakalat Ang Syphilis?

Kumakalat ang syphilis sa pamamagitan ng unprotected sexual contact. Kasama rito ang anal, oral, at vaginal sex. Tumataas ang panganib nito kapag hindi safe ang ginagawang sexual practices ng mga tao. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng maraming sexual partners.

Higit ding naiuugnay ang syphilis transmission sa Men having Sex with Men (MSM).

Maaari ding maikalat ang impeksyon sa pamamagitan ng vertical transmission, o mula sa buntis na ina papunta sa fetus na nasa sinapupunan sa pamamagitan ng placenta.

Maaari rin itong maipasa habang nanganganak ang isang buntis. Nangyayari ito kapag ang bata ay dumaan sa birth canal at madikit sa syphilis sore ng ina.

Posible ring maikalat ang impeksyong ito sa dugo sa pamamagitan ng karayom at pagpapahiram nito. Isang halimbawa nito ang kaso ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na drugs.

Paano Maiiwasan Ang Syphilis: Ligtas Na Sexual Practices

Mahalaga ang ligtas na sexual practices upang matuto kung paano maiiwasan ang syphilis. Kabilang dito ang paggamit ng barrier contraceptives gaya ng condoms na may kasamang water-based lubricants at dental dams para sa oral sex. Ipinapayo ring limitahan ang pakikipagtalik sa isang tao lamang na kilala mo na upang makaiwas sa impeksyon, at iwasang makipagtalik sa taong may syphilis na hindi pa natatapos sa kanyang treatment regimens.

Paano Maiiwasan Ang Syphilis: Gumamit ng Condom

Paano maiiwasan ang syphilis? Gumamit ng panlalaking condoms upang mapababa ang panganib na mahawahan ng syphilis habang nakikipagtalik. Kahit na ikaw ay lalaking nakikipagtalik sa babae o sa kapwa lalaki, mahalaga ang tamang paggamit ng barrier contraceptives.

Upang magamit nang tama ang condom:

  • Gamitin ang condom tuwing makikipagtalik.
  • Palaging isuot ang condom kapag nakikipagtalik, at huwag itong tatanggalin hanggat hindi pa tapos makipagtalik.
  • Tingnan ang expiration date ng condom dahil ang expired na condom ay maaaring tuyo na at mabilis mabutas kapag ginamit na.
  • Suriin kung may butas, punit, o anumang sira ang condom bago gamitin. Kung mayroon, itapon na ito at palitan ng bago.
  • Itago ang condom sa malamig at tuyong lugar.
  • Tiyaking gawa sa latex o polyurethane ang iyong condom na gagamitin.
  • Gumamit ng water o silicone-based lubricants upang maiwasang masira ang iyong condom habang nakikipagtalik.
  • Huwag ulitin ang nagamit nang condom.

Paano Ko Malalaman Kung Nasa Panganib Ako Ng Pagkakaroon Ng Syphilis?

Ang mapanganib na sexual behavior ang naglalapit sa tao sa impeksyon. Kasama rito ang:

  • Paggamit ng ipinagbabawal na IV drugs
  • Pakikipagtalik sa magkakaibang partner nang walang proteksyon
  • Pakikipagtalik sa kilalang nahawahan ng impeksyon
  • At pakikipagtalik sa kapwa lalaki nang walang proteksyon

Sa mga ospital, ang aksidenteng pagkakatusok ng iyong daliri ng kontaminadong karayom ay nagpapataas ng posibilidad na nahawahan ka na.

Ang mga pasyenteng buntis ay maaaring sumailalim sa screening para sa syphilis sa unang bahagi ng pagbubuntis, o bago pa man lang sila mabuntis.

Mahalagang sumailalim sa screening upang makaiwas sa syphilis.

Key Takeaways

Paano maiiwasan ang syphilis? Dahil ang syphilis ay kumakalat sa pamamagitan ng pagdikit (direct contact) sa syphilis sore, mahalaga ang safe sex practice upang maiwasan ito. Gumamit ng condom at limitahan ang sexual partners. Iwasang makipagtalik kung nakararanas ng mga sintomas nito, o kung sa palagay mo ay may syphilis ka na.
Mag-apply para sa syphilis testing kung sa tingin mo ay nahawahan ka na nito, kahit na ikaw ay asymptomatic.
Kailangang magpatingin para sa syphilis ang mga buntis upang makaiwas sa vertical transmission ng sakit na ito.
Sa healthcare setting, kailangang sumailalim sa screening para sa syphilis ang mga taong naiulat na aksidenteng natusok ng kontaminadong karayom.

Matuto pa tungkol sa Syphilis dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sexually Transmitted Infections, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/sexually-transmitted-infections-(stis), Accessed on January 8, 2021

Syphilis Prevention, https://www.healthdirect.gov.au/syphilis-prevention, Accessed on January 8, 2021

Syphilis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/syphilis/symptoms-causes/syc-20351756, Accessed on January 8, 2021

Sexually Transmitted Diseases (STDs): Syphilis: Detailed Fact Sheet, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-syphilis-detailed.htm, Accessed January 8, 2021

Syphilis, https://www.nhs.uk/conditions/syphilis/, Accessed January 8, 2021

Syphilis and MSM Fact Sheet, https://www.cdc.gov/std/syphilis/stdfact-msm-syphilis.htm, Accessed January 8, 2021

Syphilis During Pregnancy, https://www.cdc.gov/std/tg2015/syphilis-pregnancy.htm, Accessed January 8, 2021

Male Condom Use, https://www.cdc.gov/condomeffectiveness/male-condom-use.html, Accessed on January 8, 2021

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto Ng HIV Sa Katawan, Anu-Ano Nga Ba?

Antibiotic Para Sa STI: Anu-Ano Ang Karaniwang Nirereseta Ng Doktor?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement