Ano ang genital herpes at paano ito magagamot? Ang Genital herpes ay sexually transmitted infection (STI) na umuusbong mula sa herpes simplex virus type 1 (HSV-1) o type 2 (HSV-2). Mayroon itong epekto sa balat at sa nervous system.
Naipapasa ito sa pakikipagtalik. Ibig sabihin hindi ito napapasa ng contact sa toilet seats, mga upuan at parehong mga bagay na ginamit ng infected na tao. Ang virus ay may maikling survival sa labas ng katawan, ngunit mas makatatagal ito sa mga lugar o bahagi na mainit at basa. Mabilis itong nawawala kung ito ay nasa hangin na.
Kung ang isang tao ay infected, ang virus ay nananatiling tahimik sa katawan. Ang mga epekto nito ay makikita muli maraming beses sa isang taon.
Sa Pilipinas, mayroong 977 na pasyenteng nagamot mula sa herpes sa Philippine Dermatological Society Institutions mula 2011 hanggang 2018.
Ano ang Genital Herpes at Paano ito Nagagamot?
Maraming mga pasyenteng may genital herpes na hindi alam na mayroon silang ganoong sakit dahil wala silang nararanasang sintomas nito. Karagdagan, ang mga pasyente ay kadalasang dumadaloy ang HSV virus sa genital tract, tulad ng vaginal discharge sa babae.
Minsan, lumalabas ang mga mild na sintomas, 2 hanggang 12 mga araw matapos makakuha ng virus. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- Sakit at Pangangati. Ang iyong genital na bahagi ay makararamdam ng sakit at tenderness hanggang mawala ang impeksyon.
- Maliit na pulang bumps, o maliit na puting blisters. Ang mga ito ay maaaring makita ilang mga araw o mga linggo matapos ang exposure.
- Ulcers. Maaaring lumitaw ito sa mga sugat, rupture, ooze, o pagdurugo. Ang ulcers ay nagpapahirap sa pag-ihi.
- Scabs. Ang balat ay magpoporma ng crusts or scabs simula na gumaling ang ulcers.
Sa unang outbreak, ang mga sintomas ng genital herpes ay maaaring kabilang ang sintomas na parang trangkaso, tulad ng namamagang lymph nodes sa singit. Ang iyong ulo at mga muscle ay sasakit, at maaari kang lagnatin.
Saan makikita ang mga Senyales?
Ang herpes sores ay makikita sa:
- Puwetan at Hita
- Anus
- Bibig
- Urethra (ang tube na dinadaluyan ng ihi mula sa bladder palabas sa katawan)
Ang genital herpes sa mga babae ay mararamdaman ang:
- Masakit sa bahagi ng ari
- Sugat o masakit sa labas na genitals
- Masakit na cervix
Ang genital herpes sa mga lalaki ay mararamdaman ang:
- Masakit sa bahagi ng ari
- Masakit sa scrotum
Pagkakaiba ng Sintomas sa Lokasyon
Ang sakit ay namumuo sa bahagi ng katawan kung saan nagsimula ang impeksyon. Ang infection ay kumakalat sa pamamagitan ng paghawak sa masakit na bahagi, pagkuskos o pagkamot sa iba pang bahagi ng katawan, kasama na ang iyong mga mata.
Paano mo Maiiwasan ang Genital Herpes?
Sa isang sexually transmitted infections, kailangan mong:
Iwasan ang sexual contact o limitahan ito sa isang taong hindi infected
Gumamit o pasuotin ang iyong partner ng latex condom habang nakikipagtalik. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa parte ng balat kung saan ang herpes sore ay hindi madaling makita. Ang condom ay hindi garantisado laban sa herpes.
Ang mga pinaka mainam na tips upang maiwasan ang STD
Practices sa Pagbubuntis
Kung ikaw ay mayroong herpes habang nagbubuntis, sabihin ito sa iyong doktor. Hilingin ang screening tests.
Ang iyong doktor ay maaaring ireseta ang antiviral na gamot para sa genital herpes sa iyong huling parte ng pagbubuntis. Ang layunin nito ay tignan ang outbreak kung ikaw ay manganganak na. Kung ang outbreak ay mangyari habang ikaw ay nagla-labor, ang iyong doktor ay irerekomenda ang cesarean section upang maprotektahan ang iyong sanggol laban sa virus.
Paano Nagkakaroon ng Genital Herpes?
Ang mga tao ay nakakukukuha nito kung:
- Nakipagtalik gamit ang vaginal o anal sa isang infected na tao (kahit na walang mga sugat).
- Hinawakan ang herpes sore, at ginawa rin ito sa kanilang genital na bahagi.
- Ang kanilang genital ay may contact sa genital ng bahagi ng infected na tao (kahit na walang mga sugat).
Ang genital herpes ay kakalat kahit na walang mga sugat dahil ang virus ay nananatili sa katawan.