backup og meta

Antibiotic Para Sa STI: Anu-Ano Ang Karaniwang Nirereseta Ng Doktor?

Antibiotic Para Sa STI: Anu-Ano Ang Karaniwang Nirereseta Ng Doktor?

Mayroong ilang iba’t ibang uri ng STI, lahat ng mga ito ay may iba’t ibang sanhi. Gayunpaman, ang bacterial infections ang dahilan ng karamihan sa mga STI. Para sa mga sakit na ito, ang pag-inom ng antibiotic para sa STD o STI ay ang karaniwan at pinakamabisang paraan ng paggamot.

Magbasa pa para matuto pa tungkol sa mga antibiotic para sa STI, kung paano gumagana ang mga ito, ano ang mga side effect nito, at kung aling mga STI ang maaari nilang gamutin.

Antibiotic Para Sa STD: Mga Karaniwang Inireresetang Antibiotic

Bago ang lahat, mahalagang malaman na hindi ka dapat mag-medicate ng sarili gamit ang antibiotics. Ang pagte-take ng antibiotic para sa STI ay maaaring makapagpagaling. Ngunit maaari rin itong magdulot ng iba pang mga problema sa kalusugan.

Ang biggest concern ay ang overuse ng mga antibiotic na maaaring maging sanhi ng antibiotic resistance. Nangyayari ito kapag ang isang bacteria, ay nagsisimulang magdebelop ng resistance sa antibiotics. Kung mangyari ito, ang gamot sa bacterial infection ay maaaring maging napakahirap dahil ang bakterya ay maaaring ma-withstand ang epekto ng mga antibiotic.

Kung sa tingin mo ay may STI ka, ang pinakamagandang gawin ay ang bumisita sa doktor sa lalong madaling panahon. Bibigyan ka nila ng reseta at bibigyan ka ng payo kung paano pinakamahusay na ima-manage at gamutin ang iyong kondisyon.

Narito ang ilan sa mga karaniwang inireresetang antibiotic para sa STD:

Ceftriaxone

Ang Ceftriaxone ay isang antibiotic na inireseta ng mga doktor para gamutin ang gonorrhea. Ang tipikal na dose ay ang pag-iinject ng 500mg ng Ceftriaxone intramuscularly. Makatutulong din ito sa gamot sa E. coli, pneumonia, at meningitis. Sa ilang mga kaso, ginagamit din ito sa mga pasyente na sasailalim sa operasyon upang maiwasan ang impeksyon.

Tungkol sa STIs, may mga kaso kung saan ang isang tao ay maaaring parehong mahawaan ng gonorrhea at chlamydia. Kung mangyari ito, maaaring magreseta ang doktor ng Ceftriaxone kasama ng isa pang antibiotic para sa STI, na maaaring Doxycycline o Azithromycin. Ang kumbinasyong ito ng mga antibiotic ay dapat makatulong sa pagharap sa parehong mga impeksiyon.

Doxycycline

Ang Doxycycline ay kadalasang ginagamit na antibiotic ng mga doktor para gamutin ang ilang bilang ng mga bacterial infection. Pagdating sa STIs, ang Doxycycline ay partikular na epektibo sa paggamot sa chlamydia at syphilis sa kanilang mga unang yugto. Ang ilan sa mga posibleng side effect ng antibiotic na ito para sa STI ay ang pagduduwal at pagtatae.

Bukod sa chlamydia at syphilis, inirereseta din ang Doxycycline bilang prophylaxis laban sa leptospirosis at para sa mga taong infected ng leptospirosis. Marahil ito ang isa sa mga pinakakaraniwang gamit ng antibiotic na ito sa Pilipinas, dahil ang leptospirosis infection ay medyo karaniwan lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Erythromycin

Ang isa pang antibiotic para sa STD na inirereseta ng mga doktor ay ang Erythromycin. Habang ang mga doktor ay hindi karaniwang nagrereseta nito para sa chlamydia, maaari maging isang epektibong alternatibo ito para sa Doxycycline kapag ginagamot ang chlamydia.

Marahil ay narinig mo na rin ang Erythromycin dati, dahil ginagamit din ito sa paggamot sa mga impeksyon sa mata, acne, pati na rin sa iba pang mga problema sa balat na dulot ng bakterya. Kapag ginamit ito para sa balat, karaniwang ay nasa anyo ito ng isang cream.

Para sa treatment sa STIs, inirereseta ng mga doktor ang oral form ng Erythromycin.

Azithromycin

Panghuli, ang Azithromycin ay isang antibiotic na inirereseta ng mga doktor para sa chlamydia o gonorrhea. Karaniwang inirereseta ng mga doktor ang mga antibiotic na ito para gamutin ang mga STI. Pareho itong epektibo at walang masyadong side effect kumpara sa ibang nabanggit.

Makakatulong din ito sa treatment sa mga impeksyon sa ilong, lalamunan, at sinus, gayundin sa pulmonya.

Key Takeaways

Maaaring magreseta ang isang doktor ng iba’t ibang uri ng antibiotic depende sa STI. Ito rin ay depende sa kalubhaan ng impeksyon, availability ng gamot, pati na rin ang anumang mga kondisyon na maaaring mayroon ang pasyente.
Mahalaga ring tandaan na huwag makipagtalik kung umiinom ka ng iyong gamot. Ito ay dahil maaari ka pa ring makahawa sa iba ng STI. Sa hinaharap, makabubuting gumamit ng proteksyon para matiyak na maiiwasan mo ang mga STI sa tuwing nakikipagtalik ka.

Matuto nang higit pa tungkol sa mga STI at STI dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Medications for Sexually Transmitted Infections – HealthyChildren.org, https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/sexually-transmitted/Pages/, Accessed December 2, 2021Medications-for-Sexually-Transmitted-Infections.aspx

2 CDC – Gonorrhea Treatment, https://www.cdc.gov/std/gonorrhea/treatment.htm#:~:text=Gonorrhea%20Treatment%20and%20Care,-Antibiotics%20have%20successfully&text=CDC%20recommends%20a%20single%20dose,damage%20done%20by%20the%20disease., Accessed December 2, 2021

3 Doxycycline in the management of sexually transmitted infections | Journal of Antimicrobial Chemotherapy | Oxford Academic, https://academic.oup.com/jac/article/73/3/553/4647739, Accessed December 2, 2021

4 Erythromycin against Chlamydia trachomatis infections. A double blind study comparing 4- and 7-day treatment in men and women – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/4053698/, Accessed December 2, 2021

5 Azithromycin in the treatment of sexually transmitted disease – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/2154428/, Accessed December 2, 2021

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Genital Herpes: Mga Dapat mong Tandaan

Sintomas Ng Hepatitis B, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement