backup og meta

STD Clinic Sa Pilipinas: Heto Ang Ilan Na Maari Mong Puntahan

STD Clinic Sa Pilipinas: Heto Ang Ilan Na Maari Mong Puntahan

Ayon sa Department of Health, kung nais mong sumailalim sa pagsusuri para sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, ang iyong lokal na departamento ng kalusugan at klinika ng komunidad ay magandang lugar upang magsimula. Ngunit, siyempre, maaari ka ring pumili ng isang pribadong pasilidad o isa sa ibang munisipalidad. Saan ka maaaring pumunta para sa maingat na pagsusuri sa STD? Kung naghahanap ka ng isang STD clinic sa Pilipinas, narito ang isang listahan:

Mga STD Clinic Sa Pilipinas

My Health Clinic

Kung naghahanap ka ng maingat na clinic sa STD na hindi nangangailangan ng appointment, bisitahin ang website ng My Health Clinic at bilhin ang kanilang Red Package. Para sa 2,375 PHP, kasama sa package ang:

Complete Blood Count (CBC)

HIV Test

Hepatitis B Test (HBSAG)

RPR (Rapid Plasma Reagin), na sumusuri para sa syphilis

Urinalysis

Konsultasyon sa isang primary care physician

Pagkatapos bilhin ang kanilang package, pumunta sa isa sa kanilang mga sangay, ipakita ang patunay ng pagbabayad at isang balidong ID, at pagkatapos ay iyon na. Tiyak na maingat — walang mahabang talakayan tungkol sa iyong pagbisita at pag-aalala.

Love  Yourself 

Kung gusto mong magpasuri para sa STD (kabilang ang HIV), subukan ang Love Yourself. Bagama’t hindi isang STD clinic sa Pilipinas, ang kanilang Self-Care at Platinum services ay ang ehemplo ng maingat.

Ang Self-Care package ay nagbibigay sa iyo ng mabilis, confidential, at tumpak na pagsusuri sa HIV mula sa iyong tahanan. Ihahatid nila ang kit sa iyong bahay at maaari kang mag-self-test sa tulong ng kanilang video sa pagpapayo. 

Ang serbisyo ng Platinum, sa kabilang banda, ay isang buwanang subscription. Bawat buwan, matatanggap ng mga miyembro ang lokasyon ng inuupahang espasyo kung saan gaganapin ang one-on-one na konsultasyon. Sinusuri din ng package ang HIV, Hepatitis B, at syphilis. 

Ang Love Yourself ay mayroon ding mga community center na maaari mong bisitahin para sa libreng HIV testing at mga serbisyo sa pagpapayo. Para sa listahan ng kanilang mga sentro, pumunta dito.

Caduceus Medica Infectious Disease Clinic

Isang maingat na STD clinic sa Pilipinas na may mga doktor, nurse, at staff na may karanasan sa pamamahala, pagsusuri, at pagpapayo sa mga pasyenteng may mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik. Isinasaalang-alang din ng klinika na ito ang “privacy, respect, and professionalism” na pangunahing kahalagahan. 

Ang klinika ay hindi lamang nagbibigay ng pagsusuri sa STD, nag-aalok din sila ng check up, paggamot, at pagbabakuna. 

Mahahanap mo ang kanilang klinika sa San Miguel Ave, Ortigas Center, Pasig, Metro Manila.

Klinika Bernardo

Ang Klinika Bernardo ay ang kauna-unahang social hygiene clinic (SHC) na pangunahing tumutugon sa mga lalaking nakikipagtalik sa mga lalaki at transgender. 

Pinondohan ng Quezon City Health Department, ang Klinika Bernardo ay hindi lamang nag-aalok ng HIV testing, nagbibigay din sila ng mga serbisyo sa pag-iwas at paggamot. 

Matatagpuan ang Klinika Bernardo sa Ermin Garcia Ave, Quezon City, Metro Manila.

Iba Pang Social Hygiene Clinic

Maaaring isipin ng isang tao na ang pagiging maingat ay mahal, pero hindi kapag pumunta ka sa government-facilitated social hygiene clinics.

Ang mga social hygiene clinic ay hindi lang nag-aalok ng libreng HIV testing at STD consultations, ngunit nagbibigay din sila ng mga libreng condom, lubricant, at maging ARV (antiretrovirals). Dahil dalubhasa sila sa sexual wellness, maaari mong asahan ang isang maingat na serbisyo. 

Kung naghahanap ka ng isang STD clinic sa Pilipinas, subukang tingnan ang isang social hygiene clinic na malapit sa iyo. 

Key Takeaways

Ang pagsusuri para sa sexually transmitted diseases ay napakahalaga. Dahil nagbibigay ito sa iyo ng pakinabang: maagang paggamot na nagpapababa sa panganib ng mga komplikasyon o paglala ng sakit.
Kung naghihinala ka na mayroon kang STD, huwag maghintay. Bumisita sa doktor sa lalong madaling panahon.  Ganun din kung nakipagtalik ka nang hindi protektado.
Dahil walang isang test na susuri para sa lahat ng STD, maaaring humingi ang doktor ng ilang test sa iyo, lalo na kung wala kang mga sintomas. Maaari silang kumuha ng mga sample ng dugo, suriin ang ihi, o culture fluid o tissue mula sa iyong ari, o open sore.
Huwag ipagpaliban o patagalin pa ang iyong pagbisita sa isang STD clinic sa Pilipinas. Alam ng mga pasilidad kung gaano kahalaga ang privacy at confidentiality. Kaya maingat sila tungkol sa iyong alalahanin, testing, resulta, at paggamot.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

RED Package, https://www.myhealth.ph/product/std-screening/, Accessed Feb 4, 2022

HIV/STI TESTING, https://loveyourself.ph/hiv-sti-testing/, Accessed Feb 4, 2022

Caduceus Medica Infectious Disease Clinic, https://www.whatclinic.com/doctors/philippines/pasig-city/caduceus-medica-infectious-disease-clinic, Accessed Feb 4, 2022

Day and night, an HIV clinic in Quezon City serves as a beacon of hope, https://www.who.int/philippines/news/feature-stories/detail/day-and-night-an-hiv-clinic-in-quezon-city-serves-as-a-beacon-of-hope, Accessed Feb 4, 2022

HOW DO I GET TESTED FOR STIS?, https://doh.gov.ph/faqs/How-do-I-get-tested-for-STIs, Accessed Feb 4, 2022

Kasalukuyang Version

06/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement