backup og meta

Sex Nang Nakatayo: Safety Tips At Benefits Ng Standing Sex Position

Sex Nang Nakatayo: Safety Tips At Benefits Ng Standing Sex Position

Maaari niyong gawing mas exciting ang iyong sex life sa pamamagitan ng mga bagong experiences at ibang sex positions. Pero importanteng tandaan na, kapag hindi ginawa ng tama, maaaring nakakapagod ito. Narito ang isang maaaring subukan: ang standing sex position o sex nang nakatayo.

Hindi lamang mas intimate ang contact kapag nag-sex nang nakatayo, meron rin itong mga benepisyo sa iyong katawan. 

Sex Nang Nakatayo: Paano Gawing Safe?

Ang standing sex position ay maaaring maging risky dahil kinakailangan nito ng balance at pagbubuhat kumpara sa common na missionary position. Ang pagkontra sa gravity kapag nakikipagtalik ay maaaring magdulot ng muscle strain. Maaaring mangalay o maipit ang hamstrings, calf, at muscles sa likod lalo na kung hindi ka nakapag-train o exercise nang madalas. May risk rin na madulas o matumba kapag hindi tama ang posisyon ng mag-partner.

Narito ang ilang mga tips kung paano ito gawing safe para ma-enjoy ang posisyon.  

1. Ilagay ang iyong bigat sa isang stable na bagay o pader

Kung ikukumpura sa mga pelikula ang pagtatalik nang nakatayo ay tila madali lamang. Pero marahil nakakalimutan lamang natin ang bigat na kailangang buhatin kapag nag-sexual contact nang ganitong posisyon. 

Siguraduhing magtalik sa mga stable na lugar, tulad ng furniture na nakapako sa sahig o matitibay na pader. Bago mag-simula, i-check ang area kung saan best itong gawin, maging sa kwarto, banyo, o kusina. Medyo mahirap sa banyo dahil sa risk ng pagkadulas, so labis na mag-ingat!

2. Suportahan ang bigat ng iyong partner

Kung alam niyo ang inyong ginagawa, mababawasan ang risk ng aksidente sa sex nang nakatayo. Maaaring madala na ng bugso ng damdamin at kaligayahan pero ang pagiging aware ay makaka-benefit sa inyo ng iyong partner. 

Kung may times na mahihirapang ang partner mong kumapit sa iyo, gamitin ang pader upang hindi kayo matumba. Maaaring subukan i-shift ang iyong weight sa mas kumportableng side o bumukaka kung ikaw ang nagbubuhat sa iyong partner upang mas ma-center at balanse kayo. 

3. Mag-experiment gamit ang combination ng posisyon na nakatayo at nakaupo

Subukan ang iba’t ibang bagay kapag nag-contact kayo sa ganitong posisyon. Sa sex nang nakatayo, puedeng nakatayo ang isa sa likod habang ang isa’y nakaupo sa lamesa or parehong nakatayo, kayo ang bahala. Ang mas importante ay safe kayo during sex at ineenjoy niyo ang intimate moment na shinishare ninyo. 

Maaari ring magsimula sa sitting position, bago buhatin ang iyong partner sa isang standing position. 

4. Magsimulang nakatayo at magtapos sa bedroom

Maaaring nakakapagod ang sex nang nakatayo nang matagal para sa iba at sasakit na ang tuhod nila at paa kapag ginawa nila ito. Maaari niyong subukan ang sex nang nakatayo sa simula, bilang part ng foreplay. At kapag paparating na sa ganap na pagtatalik, puwedeng mag-move kayo sa ibang lokasyon. Ang variety o ang pagiiba-iba ng style ng sexual contact ay maaaring gawin itong mas exciting at makakatulong rin sainyong maiwasan ang stress o injury kinabukasan. 

5. Mag-ehersisyo

Kinakailangan ng muscle power kapag nag-experiment sa iba’t ibang posisyon. Nae-engage ang iyong core kapag sinubukan ang cowgirl o standing sex position. Ang pag-e-ehersisyo ay makakatulong sainyong magawa ang stunts na ito at binabawasan ang posibilidad ng injuries. Pinapanatili nito ang tibok ng iyong puso tulad ng cardio exercise. Maaari rin itong makatulong na mapatagal ang sexual contact. 

Sex Nang Nakatayo: Mga Benepisyo 

Narito ang ilan sa mga benefits ng sex (kasama na rito ang sex nang nakatayo). Maaari rin itong maiakma sa ibang posisyon. 

  • In-e-engage nito ang iyong core muscle
  • Binabawasan ang risk ng hypertension
  • Nakakatulong ibsan ang epekto ng anxiety at depression
  • Maaaring lunasan o bawasan ang migraines o cluster headache
  • Pinapababa rin ang risk ng breast o prostate cancer
  • Nagpo-promote ng healthy relationship sa pamamagitan ng endorphins
  • Pinapatibay ang mga muscles at resistensiya 

Key Takeaways


Ang sex, kahit ano pang posisyon nito, ay kilalang may benefits maging sa sekswal, sikolohikal, o pisikal na kalusugan. Mag-ingat lamang sa iba’t ibang sex positions at locations. Siguraduhing ligtas kayo ng partner mo sa injury at aksidente.
Mahalaga rin na siguraduing mag-practice ng safe sex upang protektahan ang sarili at iyong partner sa mga posibleng diseases. Mahalaga rin na ma-e-enjoy mo at ng significant other mo ang experience sa pagiging consistently aware of consent at mga limitasyon. Kung gusto na ng isang partner na tumigil, tigilan agad ang kahit anong sexual activity.
 

Matuto ng iba pang mga Sex Tips dito

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

8 Tips for Mind-Blowing Sex Standing Up, According to Experts, https://www.prevention.com/sex/a28494182/sex-standing-up/, Accessed July 23, 2021

Is Sex Good for Your Health? A National Study on Partnered Sexuality and Cardiovascular Risk Among Older Men and Women, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5052677/, Accessed July 23, 2021

The Relative Health Benefits of Different Sexual Activities, https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1111/j.1743-6109.2009.01677.x, Accessed July 23, 2021

The impact of sexual activity on idiopathic headaches: an observational study, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23430983/, Accessed July 23, 2021

Ejaculation frequency and subsequent risk of prostate cancer, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15069045/, Accessed July 23, 2021

Is sex exercise? And is it hard on the heart?, https://www.health.harvard.edu/exercise-and-fitness/is-sex-exercise-and-is-it-hard-on-the-heart, Accessed July 23, 2021

Benefits of Sexual Activity on Psychological, Relational, and Sexual Health During the COVID-19 Breakout, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1743609520309814, Accessed July 23, 2021

Kasalukuyang Version

01/20/2023

Isinulat ni Elaine Felicitas

Narebyung medikal ni Kristina Campos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Natural na Lube Ingredient, DIY Options, at Mga Panganib

Woman On Top Sex Position Para Mabuntis: Effective Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Kristina Campos, MD

General Practitioner


Isinulat ni Elaine Felicitas · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement